Kabanata 33

116 4 0
                                    

Kabanata 33
#Hanabi

Selena

Hideo asked me before if I believe in coincidence. And I told him that there's no coincidence, it's fate. That's a famous sayings actually.

Pero ano bang ibig sabihin ng coincidence--ng fate? They're somewhat similar and have significant impacts in a person's life. But they're actually different. It's hard to explain especially if people have their own beliefs and philosophies.

But I consider the event happened between me and Hideo as fate, a destiny. I believed meeting Hideo Marqueza in a time of crisis was predertemined and planned by the divine power and not just by an accident.

Naniniwala ako na pinagtagpo kaming dalawa at tinadhana para sa isa't isa.

Napangiti ako sa kawalan. Walang pagsidlan iyong tuwa ko sa aking mga nalaman. Sana..si Hideo na talaga iyong para sa akin. Kasi sa totoo lang, ayaw ko nang kumilala ng iba dahil hindi ko na nakikita ang sarili ko sa ibang lalaki.

Bumuga ako ng hangin.Dinampot ko iyong phone kong nakalapag sa side table. Mag aalas dose na ng gabi. And still, Hideo didn't beep me. Ang sabi niya ay tatawag siya.

Totoo naman na nag aral ako pero hinihintay ko iyong tawag niya. Kung saan saan na nakarating iyong isipan ko pero hanggang ngayon ay wala pa siyang text o tawag man lang.

Nakakapanibago. Hindi naman gano'n si Hideo.May tiwala ako sa lalaking 'yun pero diko mapigilang mag overthink.

Muli akong bumuga ng hangin at winaksi iyong mga bagay na...bumabagabag sa akin. Baka marami lang siyang tinatapos na trabaho kaya hindi niya maharap ang mag cellphone.

Natulog na lang ako kahit medyo naiinis ako. Lilipas din naman ito.

Pagsapit ng Monday, sinundo ako ni Hideo sa bahay at hinatid sa school. Matapos niya akong hindi tawagan noong sabado ay hindi rin niya ako nitext man lang kahapon. As in wala siyang update sa akin kahit panay ang text at chat ko sa kanya.

Ayaw kong magduda pero bakit gano'n! Binibigyan niya ako ng dahilan para pagdudahan ko siya.

Pero hayaan ko na muna. Hanggat hindi ko siya nahuhuling may ibang babae,hindi ko siya sisitahin. Mananatili parin ako sa kanya.

"Balikan kita rito mamaya after ng klase ko pero kung hindi pa tapos iyong klase ko, hintayin mo na lang ako sa waiting area,sa labas ng campus." Paalam ko kay Hideo.

Hinatid ko siya sa CAE Building, doon gaganapin iyong entrance exam. I want to stay and wait for him to finish the admission test. Ang kaso ay may klase pa ako. May quiz pa kami.

"Selena." Tawag niya sa akin dahil tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Tumigil naman ako upang matingnan siya. "May nakalimutan ka ata."

"Huh?" Agad kong nilagay sa harap ko iyong bag ko at tiningnan kung may naiwan akong gamit.

"Sira! Hindi gamit iyong naiwan mo." Sabi ni Hideo,nasa harapan ko na siya. "Ito oh..."

Nanlaki ang mata ko. Akala ko ay ipapasuot niya sa akin iyong sumbrero niya dahil hinawakan niya iyong bill nito kaso hinalikan niya ako sa labi ko. Wala sa loob na napatingin ako sa paligid namin.

May iilang estudyante na nakatingin sa direksyon namin pero mas marami iyong abala sa kung anong pinagkakaabalahan.

Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Hindi ako nahihiyang kasama si Hideo pero nahihiya ako sa kalandian niya--sa kalandian naming dalawa.

I am not really into PDA thing.

"Mauna na ako sa building namin. Galingan mo ah!" Sabi ko na lang upang maitago ko iyong hiya ko.

In Too DeepWhere stories live. Discover now