Kabanata 26

216 4 0
                                    

Kabanata 26
#sketchpad

Warning:
Usually,hindi ako nagbibigay ng warning lalo na kapag may...bed scene para may thrill hahahhaha pero magwarning po ako ngayon hahahaha. Medyo malaswa po kasi ang chapter na ito hahahahha.

Anyway, this chapter may contain explicit/mature contents and strong use of language like curses na madalas naman pong mabasa sa POV ng main characters natin.

So...

Read at your own risk and be guided accordingly.

Gracias 🫶

--

Selena

Nanghuli si Hideo ng apat na alitaptap at binigay sa akin. Ang cute. Mukha lang silang bug na may ilaw sa katawan.

Kinulong ko sa aking kamay iyong alitaptap hanggang sa makaakyat kami sa ancestral house nila.

Naupo ako sa sofa sa may salas habang si Hideo ay naghanap ng lalagyan.

Hinigit ko naman iyong phone ko mula sa bag. Binuksan ko ito saka kinuhanan ng litrato.

Kapag pinopost or minamyday ko si Marqueza ay nakablurry iyong picture niya pero ngayon, desidido na akong ipakilala siya bilang boyfriend ko sa publiko.

"Selena, ito lang ang nahanap kong lagayan." Pabatid ni Hideo sa akin.

Pagkasulyap ko sa kanya,nasa tapat ko na siya at naupo agad sa tabi ko. May dala siyang three vial bottles, maliit lang ito. Pwedeng talian at gawing kwintas.

Binuksan ni Hideo iyong mga vials saka nito inilapag iyong isa sa center table.

"Lagay mo rito iyong isa." Utos niya sa akin na agad ko naman sinunod.

Nang malagyan niya ito ng takip ay dinampot niya iyong isang vial at gaya ng dati, nilagay ko roon 'yung pangalawang alitaptap hanggang sa nailagay ko iyong dalawang alitaptap sa iisang bote.

Nilapag niya ito sa lamesa nang masiguro niyang natakpan niya ito ng maayos.

"May kukunin lang ako."

Umalis si Hideo pero saglit lang iyon. Pagbalik niya,may dala na siyang colored paper, scotch tape,gunting, signing pen at saka double sided tape.

"Aanhin mo iyan?"

"Wait lang..."

Nilapag niya iyong mga gamit sa lamesa saka siya nagsimulang magsulat sa colored paper.

Pangalan namin iyong sinulat niya. Magkahiwalay niyang ginuting iyon.

Nilagyan niya ng double sided tape 'yung papel saka idinikit sa mga vials at nilagyan ng scotch tape bilang cover. Pagkatapos niyang ayusin ay inilahad niya ito sa akin.

"One for Selena. One for Hideo. And two for Selena and Hideo."nakangiting turan ni Hideo sabay sulyap sa akin.

Tang ina ang guapo ni Hideo!

Nakaawang ang labi ko habang tinitingnan ko siya pero mabalis lang akong nakabawi dahil may balak akong gawin.

Binuksan ko ang camera ng phone saka ko siya kinuhanan ng litrato sa ganoong ayos. It's a candid pose of him but he's smiling while gazing the fireflies.

"Picture tayo, Hideo." Sabi ko. Pumayag naman siya kaya ang dami namin picture.

Sinamahan ko siya sa kwarto niya upang idisplay iyong mga vials sa study table niya. Ang sabi niya sa akin ay kunin ko iyong dalawa, iyong may tatak na Hideo at saka Selena and Hideo.

In Too DeepWhere stories live. Discover now