1st Poem. Namimiss Kita

2.3K 50 8
                                    

Sa bawat oras iniisip ka,
Pati sa panaginip ika'y kasama.
Hindi ko inaasahang mangyari,
Na ikaw sa aki'y mananatili.

Kapag ika'y nasa aking tabi,
Nakikita ko sa mata mo ang iyong ngiti.
Sa bawat halakhak mo't tawa,
Nanatili sa aking isipan ang iyong saya.

Sa bawat oras na namimiss ka,
Iniisip ko nalang na kasama kita.
Sa bawat gabi bago matulog ako'y napapaiyak,
Dahil gusto makita ng mata ko ang iyong galak.

Dalawang buwan tayong di magkikita,
Kaya hindi ko mapigilang mamimiss kita.
Pero tinitiis ko ito para sayo,
Kasi ayaw kong maging malungkot ka at tayo.

Sabi mo nga sakin wag maging malungkot,
Dahil ayaw natin maramdaman ang sakit at lungkot.
Pero nagpapawala ng lungkot ang salitang ito,
Ang salitang "mahal kita" at ito'y para sayo.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now