CHAPTER 1

4.6K 141 19
                                    

Ayumie's POV

Sino kaya yung lalaking napanaginipan ko kagabe? kiniss nya raw ako sa lips tapos niligtas nya pa raw ako sa nagtatangkang nakawin ang bag ko.

Hindi ko lang kasi masyadong maaninag yung mukha niya dahil madilim yung paligid.

"Ayu! Ano ba?! Nakikinig ka ba?"

Nataohan ako nang biglang sundotin ni Sam ang tagiliran ko.

"H-Ha? Ano nga ba yun ulit?" Napapahiya kong sabi at pilit na ngumiti.

"Hay naku, Ayu! Nag diday-dream kana naman, 'no? Ang sabi ko tara na tumayo na tayo kasi nag text na sakin si Jeth na andon na daw sila sa parking lot." inis niyang sabi sabay hila sakin.

Nandito kasi kami ngayon sa Field ng school namin. Dito kasi kami madalas tumambay after ng klase namin.

Nag simula na kaming mag lakad patungong parking lot. Nang makarating kami ni Sam ay lumapit agad kami sa kotse ni Xander at pumasok.

Si Sam sa may frontseat katabi ni Xander. Si Xander kasi ang mag da-drive. Habang ako naman ay katabi si Jeth dito sa backseat.

"Xander, Ba't ang pawis pawis mo? Mag punas ka nga!" Sabay bato ni Sam ng towel at nasalo naman agad 'yun ni Xander.

"Nag basketball kasi kami." aniya habang nagpupunas ng pawis.

Nasa iisang subdivision lang naman kami nakatira at walking distance nga lang ang mga bahay namin.

Lumingon ako para tingnan si Jeth.
Tss! Tulog pala ang loko. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon para titigan siya.

Ang gwapo niya talaga, Mahahaba ang pilik mata. Mapupula ang mga labi. Makinis ang mukha. Napapangiti tuloy ako habang pinag mamasdan ang kabuohan ng mukha.

Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya? Magagalit kaya sya? Hindi niya kaya ako papansinin? Lalayuan niya kaya ako?

May kung anong kumorot sa puso ko dahil sa naisip ko.

Wag naman sana!

Kaya hanggat maari. Hindi niya pwedeng malaman ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Dahil ayaw kong masira ang kung ano mang meron kami ngayon.

Bestfriend ko siya. At kahit papano masaya naman ako don. Pero masakit lang para sakin dahil hanggang best friends lang talaga kami!

Balita ko nga may nililigawan na naman siya ngayon e. Sa tuwing nalalaman ko yun parang sumisikip ang dibdib ko. Pero pinipilit ko na lang maging masaya sa harapan niya, nilang lahat! Pero sa loob loob ko parang nadudurog na ako.

Dito naman ako magiling eh.
Mahilig mag hide ng feelings.

Tss!

Huminto kami sa tapat ng bahay ni Sam.

"Thanks, couz. Bye Ayu." Paalam ni Sam habang bumababa siya.

Tinanguan ko naman siya saka ngumiti.

Ilang minuto lang ay muling huminto ang kotse ni Xander which is na sa tapat na kami ng bahay namin.

"Thanks for the ride. Bye!" nakangiting sabi ko kay Xander habang binubuksan ang pinto.

"Bye." ngiti niya rin sakin.

Tumingin muna ako kay Jeth bago ako tuluyang bumaba. Tulog pa din ang bruho. Mukhang pagod na pagod talaga siya a?!

Hinintay ko munang makaalis sila saka ko binuksan ang gate at pumasok.

Pag pasok ko sa loob ng bahay naabutan ko si kuya na nanonood sa TV ng NBA.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now