CHAPTER 18.

1.4K 99 22
                                    

Ayumie POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, Nakahiga habang ka-text si Xander. Nag eenjoy ako dahil sa kakulitan niya. Pinipilit niya talaga akong mag date kami. Okay lang naman sakin dahil friendly date lang naman 'yon. Sanay naman akong kasama sya na kaming dalawa lang. Pero dahil sa tinatamad ako, hindi ako pumayag. Ayon at nag tampo ang loko!

Napangisi ako. Na iimagine ko na naman kasi yung mukha ni Xander. Paniguradong naka kunot na naman ang noo non habang nakanguso. Hahaha! Mukha talaga syang bakla. Tsk! Nang tumonog ang phone ko agad ko iyon na binuksan. Akala ko si Xander kaya napapailing na naman ako habang naka ngiti dahil sa kakulitan nya. Pero hindi, Si Jeth pala. Kaya tuloy nawala ang ngiti ko at inopen na lang ang message nya.

Jeth:
Hey! Are you free today?

Basa ko sa text niya.

Uhm... Why?

Jeth:
Yayayain sana kitang lumabas with Abe. If you're free. Tinext ko na si Sam and Xander kasu may pupuntahan daw kasi si Sam. Si Xander naman, Wala daw ganang mag lakwatsha.

Napakunot ang noo ko. Walang gana? Kaya pala panay pangungulit sakin na lumabas.

Nag isip ako ng i-rereply sa kanya. Kung sasama ako at hindi kasama yung dalawa, ano na lang ako sa dalawang yun? Third wheel? At isa pa, bakit naman kasi nag aaya pa siya? 'di ba pwedeng sila na lang para naman makapag solo sila. Hindi ba sya aware sa relationship privacy?  Tsk! At ayukong masira ang moment nilang dalawa. And one thing I know for sure, sasakit na naman ang puso ko kapag nakita ko na naman silang sweet sa isa't isa. Kulang na nga lang magka sour eye ako dahil ansakit nila sa mata e.

Sorry, Jeth. I'm busy rin eh. Sasama kasi ako sa lakad nila mommy later.

I replied.

It's okay :)

Pakatapos kong mabasa ang message nya ibinalik ko na ang phone ko sa side table ko. Totoo 'yon. Lalabas kami mamaya nila mommy't daddy, kuya. May pupuntahan daw kasi kami pero hindi naman nila sinabi sakin kung saan. Malalim akong napa buntong hininga at umayos ng pagkakahiga.

Maya maya pa may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napatingin ako sa pinto at ilang segundo pa bago ako tumayo at nag tungo sa pinto para pag buksan kung sino man iyon.

Bumungad agad sakin ang mukha ng napaka gwapo kong kuya. May dala syang isang box ng pizza at yung isang kamay nya naman may hawak na isang supot ng marshmallow. Nanlaki ang mata ko habang nakangiti at mabilis na kinuha ko sa kanya ang pizza at marsmallow na nasa kamay nya.

"Waaah! Thank you, kuya." Tuwang tuwa kong sabi habang galak na galak na nakatingin sa hawak kong pizza at marshmallow.

My favorite! Natatakam na tuloy ako. Matagal na din nong huli akong kumain nito gawa ng pinag bawalan ako ng Mommy dahil ito na lang ang palagi kong kinakain.

Napatingin ako kay Kuya nang maramdaman ko ang matalas na tingin niya sakin.

"Sinabi ko bang sayo 'yan?"

"Bakit? Akin naman talaga 'to , kuya, eh. Alam ko 'yun! Kaya ka nga pumunta ka dito sa kwarto ko para ibigay 'to sakin, diba?" Nakangiti kong sabi na para bang siguradong sigurado ako.

He raised his eyebrow. Masungit na syang tingnan kaya tuloy unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.

"That's not yours, princess. Napadaan lang ako dito. Pero hindi 'yan sayo." Sabi niya sabay kuha ng marshmallow at pizza sa kamay ko.

Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. He's so mean!

"Kuya!" Pag mamaktol ko. "Akin na kasi 'yan!"

Akmang aagawin ko na sana ngunit mabilis niyang iniwas ang kamay nya kaya tuloy hindi ko nakuha. Mas lalo tuloy akong napanguso. Ngumisi lang si Kuya dahilan para mas lalo akong mainis!

"This is for my girlfriend. Not yours." Aniya sabay talikod.

Girlfriend? Tama ba yung narinig ko? Ilang minuto pa akong natulala bago ako tumakbo para habulin sya. Pababa na sya ng hagdan.

"May girlfriend ka na, kuya?" Paninigurado ko.

Inilapag nya muna ang pizza at marshmallow sa mesa bago ako hinarap.

"Yes."

Bigla ay bumagsak ang mga balikat ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang magka girlfriend. Pero kasi, nasanay ako na ako lang ang prinsesa niya. Nasanay ako na sakin lang ang atensyon niya.

"What's that face?" turo nya sa mukha ko.

"I'm okay, kuya."

"I'm not asking you if you're okay or not." Aniya sabay bukas ng ref at kumuha ng tubig.

Napataas ang kilay ko. Ba't ba ang sungit sungit niya ngayon?! Habang busy sya sa pag titingin sa loob ng ref ng mga pagkain napatingin ako sa pizza at marshmallow na nasa mesa. Humakbang ako ng isang beses at dahan dahan na kinukuha ang pag kain sa mesa. Nakatalikod si kuya kaya hindi nya ako nakikita.

Nang mahawakan ko iyon ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at mabili na nilock ang pinto. Finally! Ngingiti ngiti ako habang nakatingin sa mga paborito ko. Narinig ko ang mga yabag ni kuya paakyat kaya pinag check ko ulit ang doorknob kung naka lock na. Buti naman! Tatawa tawa ako habang nakadikit ang tenga sa pinto para pakinggan si kuya.

"Open the door! " Katok nya.

"No! You're so mean, kuya. I hate you!" Pag kukunwari ko.

"I told you, princess. Don't you dare to eat that. That's not yours. That's for my princess." Sabi nya dahilan para buksan ko agad ang pinto.

Inis ko syang hinarap. Nakita ko ang pag pigil ng tawa ni Kuya pero hindi ko 'yon pinansin. His princess? So, may bago na pala syang princess ngayon? Aba! Hindi ata ako papayag!

"Who's your princess?" Inis kong tanong.

"Secret." -Aniya at akmang kukunin na sana ang pagkain ngunit mabilis ko naman na naiwas ang kamay ko. "Give it to me."

"No! Tell me who is your princess?" Matalim ang tingin ko.

"Secret nga 'di ba?" Saad nya at biglang agaw ng pizza at marshmallow sa kamay ko.

Haist! Pilit ko namang inaagaw pero panay ang iwas niya. Nakakainis naman oh!

"What's happening here?" Rinig naming boses ni Mommy mula sa likuran.

Napatigil ako at mabilis akong lumapit kay Mommy na parang bata na mag susumbong. Ipinulopot ko ang kamay ko sa bewang ni Mommy.

"Si Kuya, eh. Ayaw ibigay sakin yang pizza at marshmallow." Pag susumbong ko.

"Charles. What's that? Bakit hindi mo binibigay sa kapatid mo?" Singit naman ni Daddy.

Hindi nakasagot si kuya at napakamot na lang ng ulo.

"Princess. I already told you. You're not allowed to eat that, right?" Saway ni Mommy.

"But, my. That's my favorite. Matagal naman na akong hindi nakakain yan, eh." Pag lalambing ko.

"Hayaan mo na, honey. Minsan lang naman 'ata kakain 'yang anak mo." Buti na lang at nandito si Daddy.

Muli akong napatingin kay Kuya. Nginisian ko sya. Lumapit ako sa kanya sabay agaw ng pizza at marsh mallow na nasa kamay nya at agad na pumasok sa kwarto ko.

"I won." Pang aasar ko pa kay Kuya bago ko isara ang pinto.

Sumandal ako sa headboard ng kama at sinimulan ng kumain. Finally! My stress reliever. Matagal na talaga akong hindi nakakakain nito kaya tuloy takam na takam ako. Hindi pa nga siguro isang oras nang maubos ko na ang isang box ng pizza at marsh mallow. Busog na busog ako at feeling ko hindi na ako makahinga sa dami ng nakain.

Tuloy ay sunod sunod ang pag dighay ko.



-AteGirlLyn❤

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now