CHAPTER 56.

1.2K 90 65
                                    


Ayumie's POV

Umagang umaga pa lang ramdam na ramdam ko na agad ang lagkit ng balat ko. Haist! Tagaktak ang pawis ko habang mina-map ko ang hallway at kahit anong pag punas ang gawin ko dito sa pesteng sahig na 'to panay naman ang kalat ng mga istudyateng dumadaan.

Nakakainis! Hindi naman ako pwedeng mag reklamo dahil baka dagdagan pa ang gagawin ko katulad ng ginawa ni Cliford. Panay kasi ang reklamo niya kaya ayun! Inatasan siyang siya ang mag linis ng mga cr at mag linis ng mga room sa buong campus. Si Jeth naman na sa kabilang hallway inatasan mag map. At kahit ayaw ko wala akong magagawa kundi gawin na lang.

Kinuha ko ang balding may laman na tubig para buhatin sana ngunit nagulat na lang ako ng biglang may umagaw ng kamay ko. Nag angat ang tingin ko sa gumawa non dahilan para mag salubong ang tingin namin ni Jeth. Napatingin ako sa pawisan niyang mukha pababa sa kanyang leeg . Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng makita kong naka topless lang pala siya kaya mabilis akong nakalayo sakanya dahil napag tanto ko na ang lapit lapit pala namin. Napapahiya tuloy akong nag iwas ng tingin.

"Can I borrow this."

"M-meron ka namang baldi ah." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil nakatopless lang siya at naiilang din akong tingnan siya. Hindi ko alam pero yun yung nararamdaman ko. May dumaang dalawang babae at bahagya ding nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin kay Jeth.

"Gosh! He's so hot!" Tili ng isa.

"May abs pa! Ang yummy niya." Tili naman ng isa.

Tinapunan sila ng tingin ni Jeth at tinaasan ng kilay dahilan para mag madaling umalis yung dalawa. Napatingin sakin si Jeth m kaya agad ko namang iniwas ang tingin ko. Muntanga! Shet! Humakbang siya papalapit sakin. Hindi ko alam pero naramdaman ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano bang tinitingnan mo diyan?" Tumingin siya sa Field dahil doon ako nakatingin.

"Yung dalawang nakaipo sa bench." Sabi ko at inginuso pa yung babae at lalakeng nakaupo doon.

Pero ang totoo, Hindi naman talaga ako nakatingin don. Nahagip lang sila ng mata ko. Naramdaman ko ang pag titig sakin ni Jeth kaya kahit naiilang akong tumingin tumingin pa rin ako sa kanya. Nag salubong ang mga mata namin. Hindi ko alam pero yung kaninang bilis ng tibok ng puso ko napaliton iyon ng normal nang tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko man mabasa kung anong iniisip niya habang nakatingin sakin pero ang mga mata niyang mapupungay tinatawag ang pangalan ko.

Nabasag lang ang katahimikang namamagitan samin ni Jeth ng biglang sumolpot sa harapan namin si Ms. Santos.

"Ehem!" Tumikhan siya.

Nakataas ang isang kilay niya habang parehas kaming tinitingnan. Bahagya naman akong napaatras. Tiningnan niya baba taas si Jeth at mas lalong tumaas ang kilay at gilid ng labi niya.

"Nag tatrabaho ka ba o nag papasikat lang dito?"

Hindi nakasagot si Jeth ngunit matapang niyang sinasalubong ang mataray na tingin sakanya ni Ms. Santos. Mukhang hindi natagalan ni Ms. Santos ang blangkong tingin sa kanya ni Jeth at napalunok pa siya ng mahuli ko ang mga mata niyang tumingin sa may tiyan ni Jeth bago bumaling sakin.

"And you. Hindi ko alam na nasa loob din pala ang kulo mo. Nakikipag landian ka habang nag tatrabaho? At nakatitig ka pa talaga diyan sa a-abs ng lalakeng 'yan?" Singhal niya sakin.

Bahagyang napaawang ang bibig ko at parang nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya.

"'Wag mo siyang pag sasalitaan ng ganyan." Biglang sabi ni Jeth.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now