CHAPTER 29.

1.4K 112 35
                                    

Abe's POV

I though I was mistaken. But it's not. I'm not a fool and I'm not too numb. Pero sana lang talaga nagkamali lang ako sa inaakala ko. Pero hindi e. Alam ko at nararamdaman kong may mali. Mahal ko si Jeth at ramdam ko na mahal nya din ako. Pero bakit ganon? Kailangan ba talaga pag nag mamahal meron ding nasasaktan? Kahit hindi halata, nasasaktan din ako. Yung pakiramdam na alam mong sayo siya, ramdam mo nga yung pag mamahal niya. Pero alam niyo yung feeling na  parang may mali?

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko si Jeth at Ayu. Sinundan ko siya kasi alam ko naman na hahanapin niya si Ayu. Parang pinipiga ang puso ko habang naka tingin sa kanila. Para akong tangang nakatayo na bumibilad sa init habang nakatingin sa dalawa. Gusto ko mang magalit kay Ayu pero hindi ko magawa. Ganon din kay Jeth. Ewan ko ba pero hindi ako nakakaramdam ng galit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang, Mahal ko si Jeth at kaibigan ko pa rin si Ayu. Ang importante ay nasa akin siya.

Nagpapanggap ako na walang napapansin. Nagpapanggap ako na okay lang. Nagpapanggap ako na parang wala lang. Pero sa kabila ng pag papanggap ko ay nasasaktan na ako. Wala kaming pinagka iba ni Ayu. I know what her feelings. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ako yung pinili ni Jeth. Mas pinahalagahan niya ang pagkakaibigan nila kesa sa nararamdaman niya. At hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to ngayon na para bang may ka-unting guilt akong nararamdaman.

Nong gabing nagpaalam sakin si Jeth na pupunta siya sa bahay nila Sam. Pumunta siya ng bahay at inaya akong sumama pero sinabi ko na tinatamad ako. Kahit na ang totoo hindi naman talaga. Sinondan ko siya hanggang sa ihatid niya si Ayu sa bahay nila. Nakita ko kung paano titigan ni Jeth si Ayu. Yung paghalik niya sa noo ni Ayu. Yun yung pinakamasakit na nakita ko. Parang pinanghinaan ako at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nong gabing yun.

Inayos ko muna ang sarili ko at malalim na napabuntong hininga bago humakbang patungo sa kanila. Nang makarating ako ay agad akong ngumiti kahit na pilit.

"Jeth, Ayu." Pagtatawag ko sa kanila.

Tumingala si Jeth at bahagya pang nagulat nang makita ako. Tumayo siya at lumapit sakin. Napatingin ako kay Ayu. Seryuso lang ang mukha nya.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. What are you guys doing here?" Kunot noo kong tanong pero nanatili pa rin ang ngiti sa labi ko.

"Love. Kasi, Hinanap ko si Cha. Kanina pa kasi siya wala e. Kaya pinuntahan ko siya dito." Ani Jeth.

Napatingin ako kay Ayu. Nagkatinginan kami pero agad niya din namang iniwas ang paningin niya sakin. Lumapit ako kay Jeth at ipinulopot ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko alam, pero nakasanayan ko na 'tong gawin. Hindi ko ito ginagawa para pag selosin si Ayu. Nirerespeto ko pa rin ang mararamdaman niya.

"It's okay, Love. So...Taralets?" Sabi ko at bumaling ako kay Ayu. "Kanina ka pa hinahanap nila Sam."

Nag simula na kaming mag lakad. Tahimik lang kami habang tinatahak namin ang daan patungo ng canteen. Nasa likuran namin si Ayu. Nang makarating ng canteen, Agad namang sinalubong ni Sam si Ayu. Kami naman ni Jeth ay umopo na.

Nangibabaw ang tawanan at asaran nila Sam, Ayu, Xander at Jake dito sa loob ng canten. Habang  ako ay tahimik lang pero minsang nakikitawa din. Mula sa gilid ng mata ko nakikita ko ang pagtitig ni Jeth kay Ayu. Mariin kong itinikom ang bibig ko bago ko kinilabit si Jeth. Bumaling siya sakin.

"Love?" Pagtatawag ko sa kanya.

"Bakit, Love?"

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.

"Hindi mo 'ko iiwan 'di ba?" Biglang tanong ko gamit ang mahinang boses.

Hindi ko din alam kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko. Napaparanoid na 'ata ako.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now