CHAPTER 14.

1.6K 111 10
                                    

Ayumie POV

Nandito ako ngayon sa labas ng campus habang hinihintay sila Sam. Napaaga kasi akong nagising kaya ito maaga din ako dito sa school.

Halos 30 minutes na din siguro akong nag hihintay dito pero wala parin yung tatlo. San na kaya sila?

Kinuha ko yung phone sa bag ko saka dinial ang number ni sam.

"Sam, saan ka—"

"Coming!"

Sabay patay niya ng linya.

Naiinis na napatitig na lang ako sa screen ng phone ko. Ganyan talaga kabastos ang isang Samantha De Villa na 'yan!

Ilang minuto pa akong nag hintay sa kanila pero hindi pa rin sila dumadating. Sa sobrang inip ko ay naisipan ko na pumunta na lang ng room para doon na lang sila hintayin. Kahit kelan talaga mga pagong kung kumilos ang tatlong yun!

Pag dating ko ng room ay iilan pa lang ang mga classmates kong nandito. Pero ilang minuto na ang nakakalipas at hindi pa din sila dumadating. Napatingin ako sa wristwatch ko at 10 minutes na lang mag sisimula na ang klase. Wala bang balak pumasok ang mga yun?!  Hindi kasi ako sanay na la-late ang mga unggoy na yun.

Kasalukoyan akong nagbabasa ng wattpad sa phone ko nang may narinig akong tilian ng mga babae mula sa labas. Napatigil tuloy ako sa pag babasa at napatingin sa hallway mula dito sa kinauupoan ko.

Anong meron?! Kung makatili naman sila parang may artistang pinagkaka gulohan ah. At dahil sa curious ako ay naisipan kong lumabas ng room para tingnan kung anong kagulohan iyon.

Nakita ko ang mga babaeng nag kukumpolan at panay ang tilian. Napakunot tuloy ang noo ko.

Papasok na sana ulit ako ng room pero may bigla namang humila sakin papunta sa mga babaeng nagkukumpolan. Nagugulat akong napatingin kay Sam.

"Hoy, ano ba! Sam, bitawan mo nga ako." angil ko sa kanya pero hindi niya naman ako pinansin. Nag tuloy lang siya sa pag hihila sakin at nagawa niya pa talagang makipag siksikan sa mga babaeng nag hihiyawan.

Nang makarating kami sa unahan  saka niya lang ako binitawan. Inis akong humarap sa kanya.

"What's wrong with you, Sam?! Ba't ka ba nanghihila?!" inis kong tanong sa kanya.

Pero natigilan din ako dahil hindi man lang siya sumagot sakin at nakikita ko pa sa mukha niya kung paano siya kiligin at parang nag huhugis puso pa ang mga mata niya. Nagugulat at napapangiwi ako sa inaasta niya.

First time ko siyang nakitang ganito. Nakangiwi at dahan dahan akong napatingin sa pinagkaka gulohan nila. At bahagya akong nagulat nang makita ko yung lalake na nakilala ko sa park kahapon. Naka suot siya ng uniform ng school namin. Pilit ang ngiti niya habang pasimpleng tumatakas sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Para bang hirap na hirap din siyang malusotan ang mga babaeng nagkakagulo sa palibot niya.

Grabe! Hindi ko alam na ganito pala kadami ang fans niya. Grabe talaga! At hindi din ako makapaniwala na ganito na lang kalakas ang tama sa kanya ni Sam. Ito ang unang beses kong makita si Sam na kinikilig sa isang lalake. Knowing Sam hindi siya basta basta nahuhulog sa lalake kahit gaano pa ito kagwapo. Pero tingnan mo naman ngayon, halos tumolo na ang laway niya habang nakatingin sa lalakeng na sa harapan niya.

Parang gusto ko tuloy kurotin ang sarili ko baka sakaling nanaginip lang ako sa nakikita ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko, she's a man hater? Pero anong nangyayari sa kanya ngayon? Tss!

"Tara na nga!" hindi ko na natagalan ang hiyawan ng mga babae at hinila ko na nga si Sam pabalik sa room namin.

Binitawan ko lang siya nang makarating kami ng room.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon