CHAPTER 36.

1.3K 113 34
                                    

Ayumie's POV

(Play: hanggang dito na lang by Tj Monterde while reading this chapter)

Ilang araw na ang nakakalipas mag mula nong Valentines Night. Ramdam ko ang pag babago. Sa bawat araw na lumilipas feeling ko mas lalo kong nararamdaman ang pag babago ng mga taong malalapit sakin. Lalo na si Jeth. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Si Abe naman ay pakatapos ng gabeng mangyari yun iniiwasan niya na kami. Ni tapunan niya nga kami ng tingin hindi niya magawa. Palagi lang siyang mag isa. Kahit hindi siya nag sasalita nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakint pero mas pinipili niya na lang manahimik at itago ang nararamdaman niya samin. Palagi ding nakabuntot sa kanya si Jake kaya hindi din namin siya nakakasama.

At kaming tatlo? Ito, Para kaming mga tangang walang imik at nag tutulakan pa kapag dumadaan si Abe sa harapan namin. Gusto namin siyang kausapin at kamustahin kaso hindi namin magawa. At kung minsan naman pag na sa loob kami ng classroom para kaming walang boses at nag sisinyasan lang na kung sinong unang makipag usap sa kanya. Madalas ko din siyang nakikitang nakatulala at hindi namin maiwasan na mag alala sa kanya.

Noong gabeng pagkaalis ni Abe para kaming tatlo na istatwa. Wala ni isa samin ang nag abalang gumalaw man lang habang nakatingin kay Jeth. Sa unang pagkakataon doon ko lang siya nakitang umiyak. Hindi ko alam kung ano bang dapat gawin lalo na nong nakita ko na unti unti siyang maglakad na parang binagsakan ng langit at lupa papalayo samin. Wala kaming nagawa kundi ang tingnan lang siya habang nasasaktan.

Ngayon, wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Oo, Palagi ko namang sinisisi ang sarili ko. Nagi-guilty ako sa mga nangyayari ngayon. Lalo nang ako ang dahilan kung bakit nangyayari 'to ngayon. Para akong tangang nakatingin lang kay Abe. Si Abe na walang kibo at nakatingin lang sa bintana na para bang ang lalim ng iniisip. Ganon na rin sila Sam at Xander. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. Habang si Jake ay napapansin ko na parang hindi alam ang sasabihin at gagawin sa kapatid.

Sininyasan ni Jake si Sam na lumapit pero si Sam naman ay panay ang iling at baka daw kapag lumapit pa siya mas lalo lang maging komplekado ang lahat para kay Abe. Kaya mas minabuti na lang namin na wag siyang gulohin at hayaan na lamang. Ramdam ko ang nararamdaman ngayon ni Abe. Tuwing titingin ako sa mga mata niyang puno ng lungkot at sakit feeling ko nahahawa ako. Gustong gusto ko man siyang lapitan para kausapin ngunit hindi ko magawa. May kung ano sakin na nag sasabing ako ang dahilan ng lahat ng 'to. Well totoo naman. Walang ibang sisihin kundi ako lang.

Hanggang sa matapos ang klase namin. As usual na una nang lumabas si Abe. Sinundan na lang namin siya ng tingin habang napapa buntong hininga.

"Guys, mauuna na kami." paalam ni Jake at tinangoan na lang namin siya at sumonod na din kay Abe.

"Wala daw si Jeth sa kanila." biglang sabi ni Xander nang makarating kami ng parking lot.

"Where is he?" Kunot noong tanong ni Sam.

"I don't know. Si Tita ang nag sabi sakin. She ask kung kasama daw ba natin si Jeth. Ilang araw na din daw kasing walang kibo si Jeth sa kanila." Malalim na napabuntong hininga si Xander.

"Puntahan na kaya natin?" Nag aalalang sabi ni Sam.

"Wala nga siya sa bahay nila. Saan naman natin siya pupuntahan?"

Napangiwi si Sam at hindi na lang nag salita.

"Hindi ako sigurado, pero... Baka doon sa puntod ng lola niya?" Walang kasiguradohan kong sabi.

Nag tatakang napatingin sakin amg dalawa.

"Ano namang gagawin niya don?" Kunot noong tanong ni Sam. Napailing ako.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon