CHAPTER 19.

1.4K 94 9
                                    

Jeth POV

Papasok pa lang ako ng school nang makita ko si Cha na nag lalakad sa may hallway. Tinawag ko sya pero hindi nya siguro ako narinig. Dere-deretso lang sya sa paglalakad. Kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan sya.

"Cha!" Tawag ko nang medyo malapit na ako. Lumingon sya sakin at parang nagulat pa nang makita ako. "Good morning." Bati ko.

"Morning." Bati niya din. "Where's Abe? Hindi mo ba siya kasabay?" She asked.

Lumilipad lipad pa ang takas na buhok niya dahil sa hangin. Kung tititigan si Cha ay parang napaka inosente ng mukha nya. Hindi nakakasawang pag masdan. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya.

"Jeth." Tawag nya sakin dahilan para naiwas ko agad ang paningin ko.

"H-huh?" Napapahiya kong tanong sabay iwas ng tingin.

"Bakit hindi mo kasama si Abe?"

"She's on the way na daw. Ayaw nya kasing magpasundo, eh. Sasabay na lang daw sila ni Jake." dere-deretso kong sabi.

Tango na lang ang tanging naisagot nya. Nang makarating kami ng room ay iilan pa lang ang classmates namin na nandito.

"Love." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Abe.

Papalapit sya sa gawi ko habang nakangiti. Kasama nya si Jake. Hindi nakaligtas sakin ang tingin ni Jake na alam ko kay Cha sya nakatingin. Nang makalapit sila ay umopo si Abe sa tabi ko habang si Jake naman dumeretso sa tabi ni Cha.

"Morning, Love." Nakangiting bati ni Abe.

"Morning." Pasimple akong napatingin sa dalawang nasa harapan namin.

Busy sila sa pag uusap.

"Anyway. Bakit nga pala gusto mong matutong mag korea?" tanong ni Jake kay Cha.

"You know. I am a Kdrama addict." Natatawang ani Cha.

Pansin ko ang pag titig ni Jake sa kanya habang nag sasalita.

"Don't expect too much, Cha. I'm not very good in korean language, eh. Yung mga mababaw lang." Napapahiya kunwaring aniya.

Napanguso naman si Cha.

"So, Hindi mo pala 'ko matuturuan?" Naging malungkot ang tono niya.

"Not like that. I mean. Marunong naman akong mag korean pero kaunti lang ang alam ko. Si abe, Mas madaming alam 'yan."

Sabay silang dalawa na lumingon samin.

"Waaah! Nakakainggit naman!" Nakangusong ani Cha.

"Don't worry, Ayu. I'll teach you." Sabay kindat ni Abe sa kanya.

"Waaaah! Really? Oh my! Sige, sige." Tuwang tuwang aniya.

"Kyeopta." Biglang sabi ni Jake habang nakatingin kay Cha.

Kyeopta- Cute

"Ha? Anong kyuta?" Kunot noong tanong ni Cha.

"Kyeopta is cu—" naputol ang sasabihin ni Abe nang mag salita si Jake.

"Sure! Sure ang ibig sabihin non."

Tiningnan siya ni Abe nang nag tatanong na tingin ngunit nginitian lang siya ni Jake.

"Yeah...Sure, ang ibig sabihin nga non." Ani Abe na tila napilitan lang.

Pumasok na ang prof namin kaya umayos na kami ng upo. Napansin ko na wala pa sila Xander at Sam. Absent 'ata. Habang nag didiscuss ang prof ay panay ang tingin ko sa unahan namin. Kay Jake at Cha. Habang nag didiscuss ang prof ay panay pa rin ang mahinang kwentohan nila. Masinsinan silang nag uusap na akala mo wala sila sa loob ng classroom.

Tuwing titingin ang prof sa gawi namin ay sabay namang titigil ang dalawa na kunwaring nakikinig sila. Nakikita ko din ang pag tawa ni Cha. Napailing ako. Ngayon ko lang nakita si Cha na hindi nakikinig sa prof. Nakakapanibago lang. Kadalasan kasi tuwing oras ng klase ay sya pa mismo ang sasaway samin 'tuwing hindi kami nakikinig.

"Love, Nakikinig ka ba?" Biglang bulong sakin ni Abe na bahagya pa akong siniko para makuha ang atensyon ko

Mabalis na nag iwas ako ng tingin sa dalawa at nilingon sya.

"Oo naman." saad ko.

Napatingin si Abe sa dalawa at muling bumaling sakin. Pilit ang ngiti niya at muling tumingin sa unahan.

Lunch na.

Mula nong unang subject hanggang sa natapos ang morning class ay hindi pa din natigil ang dalawa sa pag uusap. Minsan nga naririnig ko pa ang malakas na pagtawa ni Cha. Hindi ba sila nauubusan ng topic?

Naglalakad kami ngayon patungo sa canten para mag lunch. Ngayon ko lang din napansin ang pananahimik ni Abe sa tabi ko. Magkapantay kaming nag lalakad at hawak ko ang bag nya. Habang yung dalawa naman sa likod namin na talaga namang hanggang ngayon patuloy pa rin sa hindi ko alam kung ano mang pinag kukwentohan nila.

"Love." Tawag ko kay Abe.

"Hmm?" Tumingala sya sakin at yung kaninang seryuso niyang mukha ay napalitan iyon ng ngiti nang tumingin sakin. Ipinilipot nya  ang kamay nya sa bewang ko.

"Kanina ka pa tahimik. Are you okay?"

Simula kasi nung tinanong nya ako kanina hindi na sya ulit nag salita hanggang sa natapos ang morning class namin.

"Of course, Love. May iniisip lang ako."

"Ano bang iniisip mo?"

"Ikaw." Mabilis niyang sabi sabay kindat.

Napangiti ako at ginulo ang buhok nya. Nang makarating kami ng canten ay humanap na kami ng mauupoan.

"Hindi pumasok sina Sam at Xander." Ani Cha nang makaupo kami.

Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Ngayon niya lang napansin.

Mag sasalita na sana ako nang maramdaman kong mag vibrate ang phone sa bulsa ko kaya kinuha ko iyon para tingnan. Nakita ko agad ang pangalan ni Xander sa screen kaya binuksan ko ang message niya.

Bro. Na sa hospital kami. Mataas ang lagnat ni Sam.

Napakunot ang noo ko matapos kong mabasa ang text niya. Sinabi ko agad kay Cha kaya tuloy umukit bigla ang pag aalala sa mukha niya. Agad siyang tumayo at hindi nya na kami hinintay pa at nagpa umona na siyang lumabas ng canteen.

"What's wrong?" Nag tatakang tanong ni Abe.

"Nasa hospital daw si Sam."

"What?" Gulat niyang tanong.

"Lets go." Sabi ko at sumonod naman ang dalawa.





-Ang ikli! Kasing ikli ng relasyon niyo! 🤣✌️

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon