CHAPTER 22.

1.4K 102 32
                                    

Ayumie POV

Gabe na nang pumunta ako sa bahay nila Sam. Nakatulog kasi ako at hindi ko agad naalala na pupuntahan ko pala siya. Pag pasok ko ng bahay nila Sam ay ang yaya nya lang ang nakita ko. Wala sina Tita at Tito dahil na sa work pa daw sabi ng katulong nila.

Pag pasok ko ng kwarto ni Sam naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Kaya tuloy dahan dahan akong nag lakad patungo sa kanya para hindi siya magising. Umopo ako sa couch na nasa gilid ng kama niya at tinitigan sya. Hindi na sya maputla gaya kanina.

Gumalaw ang mata niya at unti unti iyon na bumukas. Hindi nya ako nakita dahil na sa gilid niya ako at sa kesami sya nakatingin.

"How's your feeling?" Tanong ko at lumapit sa kama nya.

"Kabayong kalabaw!" Napasigaw siya sa gulat. Natawa tuloy ako dahil sa reaction niya na nakahawak pa sa may dibdib. "Ano ba, Ayu!  Nakakagulat ka naman!" Iritado nyang sabi habang  sumandal sa headboard.

"Sorry naman." Umopo ako sa gilid ng kama niya.

"Hindi mo kasama si Jeth?" Tanong niya.

"Hindi." Maikli kong sagot.

"Akala ko ba pupunta siya dito?"

"Hindi ko alam," Sabi ko. "Kamusta pakiramdam mo?" Sabay hawak ko sa may leeg niya. Hindi naman na sya mainit gaya kanina.

"Okay na din." Malalim siyang napa buntong hininga.

"Asan si Xander?"

"Umuwi na muna. Sya nga ang nag bantay sakin kanina, Pero babalik naman daw siya."

Ilang minuto kaming natahimik. Hindi na din ako nag salita. Ewan ko ba. Kahit anong gawin ko ngayon ang tanging laman lang ng utak ko ay si Jeth. Ayaw ko siyang isipin pero hindi ko magawa. Para bang kusa na lang siyang pumapasok sa isip ko. Hays!

"Are you okay?" Biglang tanong ni Sam dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Oo naman. Wala naman akong sakit e." Pagbibiro ko.

"I mean. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Wala." Agad na sabi ko.

Bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napatingin ni Sam. Akala ko si Jeth na, Si Xander lang pala.

"Where's Jeth?" Tanong niya nang makalapit samin.

"Hindi ko alam. Hindi ko naman sya kasama pumunta dito e." Umayos ako mula sa pagkakaupo.

"Akala ko sabay kayo pupunta dito?"

"Wala naman siyang sinabi na sasabay kami."

Bakit ba kasi nila hinahanap sakin yung bubwit na yun? Tsk! Kung pupunta siya edi pumunta siya!  Saka wala naman talaga syang sinabi sakin na pupunta siya dito at sasabay kami e. Muling bumukas ang pintuan kaya parehas kaming napatingin doon. Pumasok si Jeth na may dala dalang mga prutas at inilagay nya iyon sa side table.

"Kamusta?" Tanong niya kay Sam.

Nakatayo siya sa gilid ko.

"Okay naman. Wow, ha! Feeling ko tuloy ang lala ng sakit ko. May dala ka pang prutas e. Ang sweet talaga ng bestfriend ko!" Natatawang ani Sam.

"So, ayaw mo? Edi, sige. Kukunin ko na lang maya pag uwi ko." Ani Jeth na kunwaring nag tatampo.

"OA mo. Joke lang e!"

"Ba't hindi kayo sumabay?" Tanong ni Xander dahilan para magkatinginan kami Jeth.

"Bumili pa kasi ako ng prutas at dinaan ko pa si Abe sa bahay nila." Sagot ni Jeth.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now