CHAPTER 12.

1.6K 108 2
                                    

Ayumie POV

Maaga ako ngayon nagising dahil naisipan kong mag jogging sa park. Tumayo na ako at hindi pa man ako tuloyang nakakapasok sa banyo may marinig akong nag busina sa lavas kaya dali dali akong nag tungo sa bintana para tingnan kung sino yun.

May nakita akong isang familiar na kotse na nakaparada sa tapat ng gate namin. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon ang isang lalake na may hawak na bulaklak. Natigilan ako at mas lalong napatitig sa lalake. Hindi ko makilala kung sino yun dahil naka suot siya ng black leather jacket at may cap na suot.

Matapos niyang ilagay ang bulaklak na hawak niya ay napatingin siya sa gawi ko. At dahil nga sa naka suot siya ng cap ay hindi ko maliwanagan ang mukha niya. Nang makita niya ako at nakita ko ang pagka gulat sa mukha niya at nag mamadali siyang pumasok sa loob ng kotse.

Dali dali din tuloy ako lumabas ng kwarto ko at halos takbohin ko na ang daan palabas ng bahay para maabotan lang siya. Pero huli na dahil saktong pag labas ko ng gate nakaalis na din siya. Napatingin ako sa bulaklak sa gilid at kinuha ko yun.

Siya pala ang palaging nag dadala ng bulaklak sakin araw araw. Curious ako kung sino yun. Gusto ko man siyang makilala pero bakit hindi siya nagpapakita sakin? Tss!

Kinuha ko ang sticky notes na nakalagay sa ibabaw ng bulaklak para basahin.

From your secret admirer :)

Napangiwi ako nang matapos kong basahin iyon. Sino ka ba talaga?!

Ilang segundo pa akong nakatayo bago ako pumasok ng bahay. Pag bukas ko ng main door namin halos maibato ko ang bulaklak na hawak ko dahil sa biglaang pag sulpot ni Manang sa harapan ko.

"Manang, Ano ba! Nakaka gulat ka naman." sabi ko habang nakahawak pa sa dibdib ko.

"Anong ginagawa mo sa labas? Ang aga pa a." ani Manang.

"Nakita ko po kasi yung laging nag lalagay ng flower sa labas." napapa buntong hininga kong sabi.

"Nakita mo na siya? Ano pogi ba?" tanong ni Manang habang kinikilig pa ang tono ng boses niya.

"Hindi ko nga po nakita e. Hayss!"

Malalim akong napabuntong hininga. Napangiwi naman si Manang.

"Sige po, Manang. Mag bibihis na muna po ako." pagpapaalam ko.

"At san ka naman pupunta sa ganitong oras ha?" naka pamiwang pang sabi tanong niya.

"Mag Jojogging lang po."

"Okay. Sige na at ipaghahanda na din kita ng breakfast mo."

Tuloyan na akong umakyat sa kwarto ko.

Pakatapos kong mag ayos. Lumabas na ako ng kwarto at nag tungo sa dinning area. Naabotan ko naman si Manang na inaayos ang pagkain sa mesa.

"Kumain ka muna dito." aniya.

"Mamaya na lang po." sabi ko at dumeretso sa ref para uminom ng tubig.

Lumabas na ako ng bahay at nag simula ng tumakbo patungo sa park na pupuntahan ko. Sinalpak ko muna ang earphone sa tenga ko bago nag simulang tumakbo.

Halos mag iisang oras din akong naglibot at nang makaramdam ng pagod ay umopo muna ako sa Bench para uminom ng tubig. Tagaktak din ang pawis ko. Habang nag papahinga may bigla namang lumapit sakin at naupo sa tabi ko. Bahagya tuloy akong napaurong.

Feeling close Kuya? Tinanggal niya ang earphone na nakasuot sa tenga niya at saka uminom ng tubig.

"Nakakapagod mag jogging no?" biglang nag salita siya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon