CHAPTER 58

1.2K 86 49
                                    

Jeth's POV

Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si Cha bumaling ako kay Cliford. Seryuso ang mukha niya habang nakatingin sakin.

"Ba't hindi mo sabihin sa kanya ang totoo?" Sambit niya.

Bahagyang napaawang ang bibig ko at napakunot noo sa sinabi niya.

"Ba't hindi mo sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?" Dugtong niya pa.

"What are you saying?" Nagugulohan kong tanong

Ngumisi siya. Umayos siya ng tayo at ipinasok ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

"Stop act like you don't know what I mean."

Hindi agad ako nakapag salita. Anong alam niya? Bakit kung makapag salita ang ugok na 'to parang andami niya ng alam. Tss!

"Come on, Ramirez. Don't be scared to tell her what's your true feelings. Mas matakot ka kung baka pag handa ka nang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo, Saka naman siya makahanap na ng iba. Malaking katangahan ang gagawin mo kapag mas lalo mo pang pinatagal."

Hindi ko alam pero parang biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Makahanap ng iba? No! Hindi 'yun mangyayari. Hindi ako papayag na makahanap ng iba si Cha. Babasagin ko muna ang mukha ng lalaking mag lalakas ng loob na makalapit sakanya.
Hinding hindi 'yan mangyayari dahil...

Akin siya...

Lumapit si Cliford sa kotse niya at pumasok. Dalawang beses pa siyang bumusina bago umalis. Ako naman ay nanatili lang na nakatayo habang nakatingin sa sasakyan niyang papalayo.

Sa mga lumipas na araw. Mas lalong nagiging malinaw sakin kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Para akong pinukpok ng martilyo sa ulo dahilan para magising ako mula sa malabong panaginip. Kung dati iniisip ko pa lang na mawawala sakin si Abe parang hindi ko na kaya. Dati parang natatakot pa ako na baka mangyari 'yun dahil masyado ko na siyang minahal.

At ngayon, nangyari na. At nag tataka din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko maramdam yung sakit na nawala siya sakin. Oo, nong una. Hindi ko alam pero hindi ko talaga naramdaman 'yung sakit dito sa puso ko nong nalaman ko na may gusto na siya kay Cliford. Nagalit ako sa kanya. Pero yung masaktan kahit kunti man lang dahil sa ginawa niya  hindi ko talaga naramdaman. Hindi na kagaya nong dati.

Buong akala ko si Abe pa rin. Yung mga araw na siya pa 'yung mahal ko. Yung mga araw na siya pa yung laman ng isip ko. Yung mga araw na palagi pa kaming magkasama. Yung mga araw na 'yun, Si Cha na pala yung mahal ko. Masyado lang kasi talaga akong naka focus kay Abe. Puro si Abe laman ng isip ko. Ni hindi ko man lang nagawang tanongin sa sarili ko kung siya pa nga ba talaga. At ngayon? Gusto ko tuloy i untog ang ulo ko dahil sa katangahang nagawa ko. Napaka tanga ko. Hinayaan ko lang masaktan ang babaeng mahal ko. Napaka gago ko!

Dali dali akong sumakay sa kotse ko. Kailangan kong ayusin 'to. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Na realize ko na tama ang sinabi ng ugok na 'yun! Habang maaga pa, Sasabihin ko na sakanya na siya ang mahal ko. Habang papalapit ako sa bahay nila Cha, parang kinakabahan ako. Hindi ko maexplain kung ano 'tong nararamdaman ko. May pagka excitement na hindi ko na maintindihan. Haist! Pinark ko na ang kotse sa gilid at lumabas. Agad akong lumapit sa gate para mag doorbell. Nakailang beses pa akong nag doorbell bago bumukas ang gate.

Akala ko si Cha na. Ngunit napakunot ang noo ko nang si Adrian ang bumungad sakin. Siya ang nag bukas. Nagkibit balikat siya at seryuso akong tinitigan. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa bahay nila Cha.

"What are you doing here?" Sabay pa naming sabi.

Bahagya siyang napailing at ngumisi. Ako naman ay mas lalong napakunot ang noo.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now