CHAPTER 39.

1.3K 99 74
                                    

Jeth POV

All I want to do was to tell her how much I love her. But I can't. Minsan naisip ko na din na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero kada maisip ko 'yon, Bigla namang pumapasok sa isip ko si Abe. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Siguro nga hindi pa 'ata ito ang tamang oras. At kahit sabihin ko man yun, wala namang magbabago. We still bestfriends. At nasa punto parin ako na nakatali pa rin ako sa isang babaeng mahal ko pa din. Mahirap! Mahirap i-explain ang nararamdaman ko. I don't know what to do!

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ni Abe. Gusto ko siyang  makausap. Gusto kong malaman kung anong dahilan niya at kung bakit siya nakipag break sakin. Naguguluhan na din kasi ako. Bumaba ako sa kotse at lumapit sa gate para mag door bell. Nakakailang door bell muna ako bago may nag bukas. Si Jake. Seryuso siyang nakatingin sakin habang naka kibit balikat.

"I want to talk to her." Agad na sabi ko sa kanya.

"She's not here." Aniya.

Napakunot ang noo ko.

"Where is she?"

"I don't know. We don't know. She's not even tell me kung saan siya pumunta. Kanina pa siya wala dito." Seryoso pa rin ang reaksyon ng mukha niya.

Liar! Imposibleng aalis si Abe na hindi niya alam kung saan pupunta ang kapatid niya. At isa pa, Kilala ko si Jake. Hindi niya hahayaang pabayaan si Abe lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Please. Gusto ko siyang makausap."

"Sinabi ko nang wala siya dito, 'di ba? Ba't ba ang kulit mo?"

"Alam kong na sa loob siya. Let me go in. Gusto kong makausap ang girlfriend ko." Pag pupumilit ko at bahagya ko pa siyang itinabi ngunit tinulak niya naman ako.

"Hindi mo na siya girlfriend. Nakipag break na siya sayo 'di ba? Sinaktan mo siya." Singhal niya.

"Hindi ko siya sinaktan." Giit ko.

"Then, what? Bakit nakipag break siya sayo kung ganong hindi mo naman pala siya sinaktan?"

Wala kang alam!  Gustong gusto ko na siyang suntokin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"I'm here 'cause I just want to talk to her. Not you. At wala akong panahon para sagutin 'yang tanong mo."

Nag tagis ang bagang niya at nakita ko ang pag kuyom ang kamao niya. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong suntukin dahilan para mapaupo ako. Pero agad din naman akong tumayo at ginantihan siya ng suntok.

"Jake, Jeth. Stop it!" Biglang lumabas si Abe.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko tuloy naisawan yung kamao ni jake kaya nasuntok niya ako sa mukha. Napaupo ulit ako at agad namang lumapit sakin si Abe.

"Stop it, Jake." Pag aawat niya.

Tumingin siya sakin at nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Nagulat pa ako ng punasan niya ang ibabang labi ko na ramdam ko na pumotok yun dahil sa suntok ni Jake. Ngunit nang marealize niya ang ginagawa niya ay agad din siyang napatayo at bahagyang lumayo pa sakin. Tumayo din agad ako at hinarap siya.

"What are you doing here?" Hindi siya makatingin sakin.

"I want to know why are you breaking up with me." Agad na sabi ko.

Hindi na ako magpa ligoy ligoy pa dahil gusto ko ng malaman kung anong dahilan niya. Napaiwas siya ng tingin at nakita kong tumolo ang butil ng luha niya. Pero agad niya naman yun na pinunasan.

"Abe, Go inside." Singit ni Jake.

"Abe, please. I wan't to know."

Tumingin siya sakin. Napatitig na lang ako sa mga mata niyang malulungkot. Parang andami niyang gustong sabihin. Namumula din ang gilid ng mata niya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now