CHAPTER 34.

1.2K 100 33
                                    

Ayumie's POV

Nang matapos ang  dalawang kanta ay bumalik na kami ni Xander sa pwesto namin.

"Wala ba kayong balak sumayaw?" Tanong ni Xander kay Jeth at Abe.

"Mamaya na lang. Madami pa sa gitna e." Sagot ni Abe sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paningin sakin ni Jeth kaya napalingon ako sa kanya pero pasimple niya namang inalis ang pagkaka tingin sakin. Napasinghap ako at nag tama ang mga mata namin ni Abe. Ngumiti siya. Kahit na nakangiti ay hakata sa mga mata niya ang lungkot.

Ito na naman ako at nakakaramdam naman ng guilt. Feeling ko ay kasalana ko kung bakit nangyayari 'to sa kanya ngayon. Kung sanang hindi na lang ako ang naging dahilan kung bakit naging komplekado ang narararamdaman niya ngayon. Gusto ko na namang sisihin ang sarili ko. Alam kong mahal nila ang isa't isa at parang hindi ko matanggap na masisira ko ang relasyon nila dahil sakin.

Nag mahal lang naman ako e. Nag mahal lang naman ako pero bakit sa bestfriend ko pa! Ang sakit makita na sa dalawang nag mamahalan ay may isang nasasaktan nang dahil sakin. Masyadong mabait si Abe. Yung akala ko dati ay kagaya siya sa mga babaeng kagaya ni Claire pero nagkamali ako. Habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala. Mas pinapakita niya yung totoong siya dahil sa mga ginagawa niya ngayon.

Mas pipiliin niya pang masaktan kesa sa masaya niyang mararamdaman kasama ang taong mahal niya. Sinisisi ko ang sarili ko. Sinisisi ko dahil bakit ako pa yung dahilan? Hindi ko lubos maisip na dadating ako sa sitwasyong  ito. Mas domoble ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Jake kaya bumaling ako sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

"Can I dance with you?" Tanong nya.

Napatingin ako kay Sam at tinanguan niya lang ako. Muli akong bumaling kay Jake at nakangiti ko ding ibinigay ang kamay ko sa kamay niya.

"Can I?" Pag tutungkol niya na hawakan ang bewang ko.

Tumango ako. Inilagay nya na nga ang kamay niya sa magkabilaang bewang ko at inilagay ko din ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Habang nag slow dance kami ni Jake ramdam ko ang mga ni Jeth na sakin nakatingin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. Bakit ba kasi tingin ng tingin siya!

"You're beautiful, Cha." Biglang nag salita si Jake kaya napabaling ako sa kanya.

"Thanks." Nginitian ko siya.

Tumingin siya sa pwesto namin kung saan sila Sam. Napatingin din tuloy ako. Lahat sila nakatingin samin. Pero ang tingin ko napako lang kay Jeth. Walang reaksyon ang mukha niya habang nakatingin sakin. Gusto ko mang iwasan ang mga mata niya pero hindi ko magawa. Parang may kung ano sakin na gusto ko siyang titigan, kahit ngayon lang.

Sunod sunod ang pag buntong hiningang narinig ko kay Jake kaya tuloy napabaling ako sa kanya. Inaasahan ko na tatanongin niya rin sakin kung nag seselos ba ako kay Jeth at Abe O baka naman sasabihin niya rin sakin na alam niya na may gusto ako kay Jeth. Pero hindi. Hindi bumuka ang bibig niya at muli na lang napatingin sa pwesto nila. Sinundan ko ang tingin niya at kay Sam deretcho ang mga mata niya. Si Sam na busy sa kakapindot ng phone habang nakanguso at nakakunot ang noo. Napatingin ulit ako kay Jake. Nakangiti siya at iiling iling pa habang pinag mamasdan si Sam. Iba ang mga titig niya kay Sam.

"Do you like her?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sakin.

"Yes." Walang ano ano'y sagot niya.

Napangiwi ako at napangiti din sa sagot nya.

"She like you too."

"I know." Buntong hininga niya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now