CHAPTER 2.

2.6K 125 13
                                    


Sam's POV

Pakatapos ng morning class namin lumabas na kami ng room at nag tungo sa canteen para sa lunch.

Parang kanina ko pa napapansin si Ayu na subrang tahimik niya ngayon. Simula nong pumasok siya kaninang umaga hindi ko pa siya naririnig mag salita. Hanggang ngayon. Nakatingin pa siya sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip.

"Ayu. Ba't antahinik mo?" -Nag aalalang tanong ko.

Hindi lang kasi ako sanay na tahimik tong babae'ng to eh.

Nag angat naman siya ng tingin.

"H-Ha? Hmm... wala. Wala lang akong sa mood."-Pilit ang ngiting sabi niya.

Halata nga!

Pero kung good mood 'yan? For sure mang-aasar at mangungulit na naman 'yan samin.

"Cha, You okay?" -Tanong naman ni Jeth sakanya.

Cha kasi ang tawag niya kay Ayu.
Para maiba daw?!

"O-oo naman." -Sagot niya naman.

"Bro, I got a message from coach. May practice daw tayo ng basket." -Xander.

"What time?" -Jeth.

"After daw ng afternoon class natin." -Xander.

Tinanguan lang siya ni Jeth at saka bumaling samin ni Ayu.

"Kayo, Cha, Sam? Manonood ba kayo ng practice namin?" -Tanong niya.

"A siguro hindi muna. Kelangan ko kasing maagang umuwi e. May gagawin pa kasi ako." -Sabi ni Ayu habang sumosubo ng pagkain.

"Ganon ba? Ikaw Sam?" -Tanong niya naman sakin.

"Sige manunuod ako. Ayu, sure ka? hindi kana sasabay samin?" -tanong ko kay ayu.

"Hmm." -Tipid na sagot niya.

Natapos ang lunch namin kaya lumabas na din kami ng canteen.

Habang nag lalakad sa may hallway napatigil kami sa paglalakad ng makita namin si Claire. Huminto siya sa tapat mismo ni Jeth habang naka cross-arms.

Patay na patay kasi 'to kay Jeth simula nong tumontong kami dito sa school na 'to.

"Hi jeth." -Bati niya kay Jeth sabay nag puppy eyes pa.

Tss! Mukha syang aso. Haha!

'di naman siya pinansin ni Jeth at nilampasan lang siya. Pasimple naman akong natawa dahil sa naging reaction niya. Nagulat siya sa inasta ni Jeth at napapahiyang napatungo.

Masasabi kong maganda si Claire. She has a perfect body curve. Yes, she's sexy. Hindi kahabaan ang buhok na medyo kulot na mas lalong bumagay sa ganda ng shape ng mukha niya. Maputi at Makinis ang balat. Hindi din katangkaran pero hindi din naman maliit. Sakto lang para sa height niya.

Naalala ko nga nong last year na nakaaway ko 'to. E panu sinampal nya ba naman si Ayu porket na bunggo siya at napaupo siya sa sahig. Hindi naman 'yun sinasadya ni Ayu dahil parehas naman silang hindi tumitingin sa dinadaanan.

Kaya ayun hindi agad nakarecover si Ayu dahil sa gulat sa biglaang pag sampal sakanya. Ako naman ay hindi nakapag pigil at sinampal ko rin siya dahil sa ginawa niya kay Ayu. Galit na galit siya non at nauwi nga kami sa sabunutan.

Tss! As if naman papatalo ako 'di ba?!

Pasalamat siya mabait si Ayu. Si Ayu 'yung tipong hindi marunong makipag ayaw at pumatol sa nang aaway sakanya. Pero ibahin niya 'ko. Kung kaya niyang makipag patayan mas kaya ko rin! lol!

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now