CHAPTER 11.

1.6K 107 13
                                    

Xander POV

"Ang corny mo pala pag naiinlove 'no?" natatawang pang aasar ko kay Jeth.

Nandito kami ngayon sa coffe shop na pag aari nila ni Jeth.

"At least I have a girlfriend. Pano ikaw?" nang aasar ding aniya kaya tuloy natigil ako sa kakatawa.

"Meron kaya," agad na sabi ko.

"Talaga? Kaya pala wala kang nililigawan." pang aasar din ni Sam at nag tawanan sila.

"Meron nga sabi e!" inis kunwaring sabi ko.

"Then who?" tanong ni Abe.

"Si, Ayu!" halakhak ko sabay akbay kay Ayu.

"Hahaha! Nakakatawa ka." sarcastic na tugon ni Ayu habang tinatanggal ang kamay ko na naka akbay sa kanya.

Sabay na nag tawanan ang tatlo.

"See? Kay Ayu pa nga lang basted ka na. Pano pa kaya kung iba na yan?" natatawang sabi naman ni Sam.

Sinamaan ko nga siya ng tingin.

Mga wala talaga tong kwenta kahit kailan.

"Lilipat ka ba talaga ng school, Abe?" pag iiba ni Ayu ng usapan.

"I'm not sure. Pero kinausap ko naman na ang Daddy na ayaw kong lumipat ng ibang school."

"Bakit kasi kailangan mo pang lumipat kung okay ka naman dito 'di ba?" biglang sabi ni Sam dahilan para bigyan namin siya ng nagtatakang tingin.

Bahagya din siyang natigilan at nang marealize niya ang sinabi niya mabilis na napalitan ang mukha niya sa pagtataray habang nakatingin kay Abe.

"I mean...M-mas maganda nga kung lilipat kana ng school." sabi niya pa habang napapatingin sa kawalan.

"Hindi mo ba 'ko mamimiss?" ani Abe habang pinipigilan na matawa.

"Ha? Bakit naman kita mamimiss? We're not even close. Tss!"

"Sus! Kunwari ka pa!" pang aasar niya pa kay Sam.

"We're not friends. So why would I? Mabuti ngang lumipat ka na lang."

Hindi na lang ulit nag salita si Abe. Napapailing na lang kami habang pasimpleng natatawa.

Halata naman kasi na parang gusto niya ng makipag bati kay Abe pero dahil nga sa mataas ang pride niya hindi niya lang magawa.

Nagpatuloy na lang kami sa kwentohan. Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta lang ng restroom kaya tumayo na ako.

Pag labas ko ng restroom napatigil ako nang bigla akong may nakasalubong at dahil nga sa parehas kaming hindi tumitingin sa dinadaanan nagka bunggoan kami. Napaupo yung babae kaya agad akong lumapit sa kanya para tulongan siyang makatayo.

"I'm sorry." sabi ko.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"

Napatingin ako sa kanya at magka salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin.

"Ikaw din naman a." sabi ko.

Napasinghap siya at sinamaan pa ako ng tingin.

"Seriously?!"

"Nakapag sorry na 'ko kaya okay na yun. Hindi ko na kasalanan kung bakit lalampa lampa ka." nakangisi kong sabi.

"Excuse me?!" hindi niya makapaniwalang tugon. "Masyado kang mayabang. Tss! Tabe nga!" inis niyang singhal at binunggo niya pa ako bago tuloyang pumasok.

Napailing na lang ako at tuloyan ng nag lakad pabalik sa pwesto namin.

Maya maya lang din ay nakita ko ulit yung babae na kakalabas lang ng restroom. Nang makita kong napatingin siya sa gawi ko ay agad akong nag iwas ng tingin.

"Sayo 'ata to."

Bahagya akong nagulat sa biglaang pag sulpot niya sa harapan ko. Napa tingin ako sa hawak niyang panyo na naka abot sakin.

"Its not mine." sabi ko at tumingin sa kanya.

Napatingin naman siya sa panyong hawak niya at saka muling bumaling sakin.

"Okay." sabi niya sabay tinalukaran ako.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng coffe shop.

"Sino yun ha?" tanong ni Sam.

Napatingin ako sa apat at nanunukso ang mga tingin nila sakin.

"Naks naman! Nag cr lang may babae na." pang aasar ni Ayu.

"She's pretty naman." dagdag din ni Abe.

"Yung blessing na lumalapit sayo, bro. Pagkakataon muna siguro." biro naman ni Jeth at tawanan sila.

Hindi ko na lang sila pinansin. Tss!

Naalala ko yung panyo. Bigay pa yun sakin ni Mommy. Hayss! Bakit ko ba kasi sinabi na hindi sakin yun! Nakakainis naman!

Natapos ang tambay namin at nag kanya kanya na din silang uwi. Ako naman ay napadesisyonan ko pang dumaan muna sa Mall dahil wala pa akong balak umuwi.

Naglibot libot lang ako sa loob ng Mall para magpalipas oras. Habang nag libot libot may nadaanan akong bilihan ng mga sapatos kaya pumasok ako don.

"Excuse me?" tawag ko sa isang sales lady. Lumapit naman iyon sakin.

"Yes, ser? Ano po yun?"

"Can I try this one?" turo ko sa isang leather shoes na kulay brown.

"Of course, ser." ani ng babae at kinuha iyon.

Sinukat ko nga at tiningnan kung babagay ba sakin.

"I get this." sabi ko.

"Wait po, ser. Kukuha lang po ako ng stock." sabi ng babae at saka umalis na.

Habang nag hihintay inlibot ko na lang ang paningin ko sa loob.

"Oh sorry." sabi ng babae nang maatrasan niya ako mula sa likoran ko.

Napatingin ako sa kanya at parehas kaming natigilan nang magkatinginan kami.

"Ikaw na naman?" sabay pa naming sabi.

"Sinusundan mo ba 'ko?" tanong ko.

Napangiwi naman siya sa sinabi ko at kinunotan pa ako ng noo.

"Excuse me? Mukhang ba 'kong stalker?" sabay turo niya sa sarili niya.

Bigla kong naalala yung panyo kanina. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kanya ng deretso.

"Y-yung panyo—"

"Naitapon ko na." pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Napamaang ako.

"What?"

"Bingi ka ba? Sinabi ng naitapon ko na e."

"Why did you throw it?"

"Aanhin ko naman yun? Tsaka sinabi mo na hindi sayo yun 'di ba?"

Hindi ako nakapag salita at napatitig na lang sa kanya.

"Excuse me, ser. Ito na po yung shoes niyo." biglang dating ng sales lady.

"Thank you." sabi ko.

Bumaling ulit ako sa babae.

"Ba't ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong niya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin.

"Its okay. It's just a handkerchief." sabi ko at tinalikoran na siya at dumeretso na sa counter.

Its not just a handkerchief! May sentimental value yun sakin dahil bigay yun ng Mommy ko! Tss!



Itutuloy.

Hi, guys! Kung may tanong kayo just leave a comment and I promise you na mag reresponse agad ako! 😊

Hope you enjoy!
Love you all 💞

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now