CHAPTER 16.

1.5K 101 24
                                    

Ayumie POV

"Ayu, ano ba! Akin na sabi 'yan eh!"  Pilit na inaagaw sakin ni Sam ang papel na may sulat na love letter na ginawa nya para kay Jake.

Panay naman ang iwas ko sa kanya. Tawa ako ng tawa at sya naman ay halatang inis na inis na.

"Babasahin ko lang naman eh." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pag iwas sa kanya.

Tumigil sya at magka salubong ang kilay na humarap sakin habang nakapamewang. Mukhang inis na inis na nga sya. Haha! Babasahin ko lang naman kasi eh. Ngumoso sya at ang singkit nyang mga mata ay mas lalong sumingkit nang paunti unti kong buksan ang papel na hawak ko.

"Don't you dare open that!" May pag babanta niyang sabi.

Nagulat na lang ako dahil sa bilis niyang na agaw sakin ang kaperaso ng papel na hawak ko, masyadong mahigpit ang pagkaka hawak ko non at ganon naman kabilis niyang nakuha ang kaperaso non dahilan para mapunit. Yung kalahati hawak ko habang yung kalahati naman nung papel ay hawak nya. Napalunok ako at sya naman ay papalit palit ang tingin sa hawak kung papel at sa papel na hawak nya habang naka kunot ang noo.

"Look what you did!" Pigil ang inis na singhal niya.

"Sorry." Napapahiya kong sabi.

"Sorry? Do you think na maayos 'yan ng sorry mo?...Aisssh!" Sabay kamot nya sa ulo nya at inis na tumalikod papalayo sakin.

Agad naman akong sumonod sa kanya.

"Sam...Wait!" Tawag ko pero hindi nya naman ako pinansin, Malalaking hakbang ang ginagawa nya kaya hindi agad ako masyadong nakakalapit sa kanya.

Hanggang sa makarating kami ng room. Padabog siyang umopo sa upoan niya.

"Sam, please. Sorry. Hindi ko naman sinasadya, eh." I said with my sincere voice.

But she didn't bother to talk to me, Instead, She look at me with a bad look. Napa lunok ulit ako.  I know her. Kapag hindi nya gusto ang ginagawa mo magagalit talaga sya. Bakas pa din sa mukha nya ang pagkainis. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag pasok nila Xander, Jeth at Abe.

"Hey, girls!"  Ani Xander ng makalapit samin.

Inis na inalis ni Sam ang tingin sakin at napapahiya naman akong napatungo.

"Is there something wrong?" Takang tanong ni Abe.

Napatingin ako sa kanya. Papalit palit ang tingin nya saming dalawa ni sam

"What?" Pag kukunwari ko. Peke akong ngumiti at bahagya ko pang tiningnan si sam.

Pumagitna si Xander samin ni Sam

"Why? Are you guys fighting?" Kunot noo niyang tanong.

"Huh? Of course not." saad ko

Muli akong napa tingin kay Sam. Naka tungo siya at pansin ko ang magka sulobong niyang kilay.

"Sam?" Tawag sa kanya ni Xander.

"We're not." Tipid nyang sabi sabay talikod samin. Kinuha niya ang earphone nya at isinalpak sa tenga niya.

Natahimik kami dahil sa inasta niya. Sabay sabay na bumaling sakin ang tatlo at pinasadahan ako ng nag tatanong na tingin

"You fought?" Tanong ni Jeth.

Hindi ako nakagot. Hindi ko alam kung magkaaway ba kami ni Sam. She's mad at me. Kung tutuusin ay napaka babaw ng dahilan nya para magalit sakin. It's just a letter! Alam kong may mali din ako pero hindi ko naman inaasahan na mapupunit yung letter na 'yun. Pero kahit papano na iintindihan ko naman sya. Minsan lang sya magka gusto sa lalake kaya malamang nahihiya lang syang ipabasa sakin yung letter na ginawa nya. It's a private na dapat ay si Jake lang makakabasa pero akong makulit ay nag pumilit. Haist! Mag sosorry na lang ako.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα