CHAPTER 28.

1.3K 106 39
                                    

Jeth POV

Kanina pa kami nandito sa canteen at kanina pa din wala si Cha. Nag paalam lang sya kanina na pupunta ng comfort room pero hanggang ngayon wala pa rin. Inilibot ko ang paningin ko sa kabouan ng canteen baka sakaling makita siya kaso wala talaga.

Sila Sam naman busy sa pag uusap at tawanan. Ako lang ba nakakapansin na wala pa si Cha? Tsk! Tumingin ako kay Abe na ngayon ay nakatingin na sakin. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya pero nang tumingin ako ay napalitan naman agad yun ng ngiti.

"Love. Punta lang ako ng cr." Pagpapaalam ko sa kanya.

Tumango siya. Hindi na din ako nakapag paalam sa kanila Sam dahil busy pa rin sila sa tawanan. Tumayo ako at nag lakad na palabas ng canteen. Hindi naman talaga ako mag ccr. Hahanapin ko lang si Cha dahil kanina pa siya wala. Imposible namang nasa room yun e vacant namin ngayon. Saan na naman kaya nag susuot yun.

Bago makarating sa cr ng mga lalake ay madadaanan na muna ang cr ng mga babae. Hindi ako pumasok, Mula sa labas ng pinto  tinatanaw ko lang baka sa kaling na sa loob pa ba si Cha. Pero imposible namang hindi pa sya lumalabas e kanina pa nga siya nag paalam na pupunta dito.

Umalis na ako nang hindi ko siya makita. Nag punta ako ng Field baka nandon lang siya. Madalas ko naman kasi syang makita na tumatambay dito na mag isa kapag wala si Sam. Inilibot ko ang paningin sa kalawakan ng Field. Iilan lang ang nakikita kong estudyante ang nandito. May nakita akong dalawang estudyante na nag lalakad patungo sa gawi ko kaya hinarangan ko sila.

"Excuse me. Nakita niyo ba si Ayumie?" Tanong ko sa dalawang babae.

Malamang kilala naman nila si Cha.
Nagkatinginan muna sila at parang nagulat pa na nandito ako sa harapan nila. Yung isa ay halatang kinikilig pa.

"Nandito siya kanina. Nakaupo pa nga siya don sa bench na 'yun e." Turo niya sa isang bench na ngayon ay meron nang nakaupo.

"Okay, thanks." Sabi ko.

Ngumiti sila sakin at umalis na sa harapan ko. Malalim akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Habang nililibot ko ang paningin ko ay may namataan akong nakaupo sa ilalim ng puno sa hindi masyadong kalayuan sakin. Pamilyar siya sakin kaya humakbang ako para puntahan kung si Cha nga 'yun. Nang medyo malapit na ako ay napangisi ako ng si Cha nga ang nakita ko.

Naka salampak ang earphone sa magkabilaan nyang tenga at may hawak na libro habang naka indian sit at nakasandal sa puno. Tumigil ako sa paglalakad at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilaang pocket ng pantalon ko. Pinag masdan ko lang siya. Lumilipad lipad pa ang mga takas niyang buhok dahil sa hangin. Parang may sarili siyang mundo at walang pakialam sa paligid niya. Napangiti tuloy ako habang pinag mamasdan siya.

Bakit Cha? Bakit ikaw pa? Sinubukan kong mag mahal ng iba na nag babakasakaling mawala ang nararamdaman ko sayo pero nagka mali ako. Matagal ko nang tinatago ang totoong nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin pero bakit naging ganito? Buong akala ko itong nararamdaman ko ay dala lang ng pagkakaibigan natin pero hindi eh. Mahal pala talaga kita. At mas pinahalagahan ko yung pagkakaibigan natin kesa sa nararamdamam ko sayo.

Pero ngayong dalawa na kayo dito sa puso ko mas naging komplekado ang lahat. Alam kong mahal ko si Abe. Mahirap mamili dahil parehas silang mahalaga sakin. Pero mas nahihirapan na din ako. Hindi niyo naman ako masisisi. Dahil pati ako hirap na hirap na din. Ayaw kong masaktan si Abe.

Humakbang ako para lapitan siya. Nasa harapan niya na ako pero hindi niya pa din napapansin ang presensya ko. Nag clear throat ako baka sakaling marinig nya pero hindi pa din.

"Cha." Pagtatawag ko.

Napakamot ako ng batok nang hindi niya pa rin ako napapansin. Ganyan ba talaga siya ka busy? Tss! Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang nakasalampak na earphone sa tenga niya. Napatingin siya sakin at nagulat pa nang makita ako.

"Jeth..." Kumonot ang noo nya.

Tiniklop niya ang librong hawak nya at ipinatong sa lap nya.

"You're here." Sabi ko.

Inilagay niya ang takas na buhok niya  sa likod ng tenga nya at napa buntong hininga na muling tumingin sakin.

"Hmm" Nag iwas siya ng tingin. "What are you doing here?"

Lumapit ako sa kanya at umopo sa tabi nya. Napaka gaan ng pakiramdam ko kapag magka lapit kami. Malalim akong napabuntong hininga bago sumagot.

"Kanina pa kasi kita hinahanap. Nandito ka lang pala."

Naramdaman ko ang pag galaw nya at parang umorong ng kaunti.

"U-uh. K-kasi, Busog pa ako, eh. Kaya dito na lang ako dumeretso." Sa kawalan siya nakatingin.

Napatingin ako sa pinag lalaruan niyang mga daliri niya. Nangibabaw ang katahimikan sa pamamagitan namin. Parang parehas lang kaming nagpapakiramdaman. Nang bigla na lang dumating si Abe sa harapan namin. Nakangiti siya at medyo nakakunot ang noo na nakatingin samin.

"Jeth, Ayu." Tawag niya samin.

Tumayo ako at agad syang nilapitan. Tumayo din si Cha at seryusong humarap kay Abe.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. What are you guys doing here?"

"U-uhm—"

"Love. Kasi, Hinanap ko si Cha. Kanina pa kasi siya wala e. Kaya pinuntahan ko siya dito." Pag sasabi ko ng totoo.

Napatingin si Abe kay Cha. Nag titigan sila pero ilang segundo lang si Cha na ang nag iwas ng tingin. Bumaling sakin si Abe at lumapit sakin. Kagaya ng palagi nyang ginagawa ay ipinulupot nya ang kamay sa bewang ko.

"It's okay, Love. So...Taralets?" Sabi niya at bumaling kay Cha. "Kanina ka pa hinahanap nila Sam." Aniya kay Cha.

Nag lakad na kami patungo sa canteen. Na sa likuran lang namin si Cha. Pagdating ng canteen ay agad namang sinalubong ni Sam si Cha na bakas sa mukha ang pag aalala.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap, ah." Aniya

"Tss! Sa field lang. Kung makareact ka naman parang ilang araw akong nawala, ah." Natatawang sabi ni Cha.

Agad naman siyang binatukan ni Sam.

"Gaga ka talaga! Alam mo namang nag alala ako e." Sabi niya pa at padabog na umopo katabi ni Jake.

Napanguso si Cha at napahimas na lang sa ulo niya. Umopo siya sa tabi ni Xander. Nag simula ang kwentuhan nila. Ako naman ay panay ang tingin ko kay Cha tuwing maririnig ko ang halakhak nya. Tumatawa siya kapag si Jake ang nag bibitaw ng walang kwentang jokes. Hindi nakakatuwa at parang gusto kong lagyan ng busal ang bibig niya para lang hindi na makapag salita.

Bigla naman akong kinilabit ni Abe dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Love?" Tawag niya sakin sa malambing na boses.

"Bakit, Love?"

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ang mga daliri namin sa ibabaw ng mesa. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin samin ni Cha. Pero hindi na lang ako lumingon.

"Hindi mo 'ko iiwan 'di ba?" Sabi nya sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Napakunot ang noo ko at mas lalong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang na tanong yan. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi para iharap sakin.

"Of course not. I won't do that." Seryuso kong sabi.

Ngumiti siya. Yung ngiti na parang ngayon ko lang nakita. May halong pait at lungkot. Napatingin ako sa malapusa nyang mata. Ang ganda ganda ng mata nya ngunit nandon pa din ang lungkot. Parang tuloy kinurot ang puso ko. Ayuko na makikita siyang malungkot. Parang hindi pa naging sapat yung sinabi ko para gumaan ang loob niya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now