CHAPTER 26.

1.3K 113 50
                                    

Jeth POV

Ilang araw na ang nakakalipas mag mula noong nagka party sa bahay. Nandito kami ngayon ni Abe sa coffe shop na pag mamay-ari namin.

Tahimik lang ako habang pinag mamasdan si Abe. Ewan ko ba pero ramdam ko ang pag iiba sa kanya. May mga oras na minsan hindi ko siya maintindihan. Yung pakiramdam na okay naman kayo, okay naman lahat pero parang may something na hindi ko maintindihan sa kanya. Ayaw ko mang isipin pero yun yung nararamdaman ko. Nakasanayan ko na ihatid at sundo siya pero ilang araw na din na hindi ko yun nagagawa dahil kadalasan si Jake na ang kasabay niya.

'tuwing mag kasama naman kami, para bang ang lalim palagi ng iniisip niya. Limitado lang siyang mag salita at ramdam ko ang pagiging cold niya.

Gusto ko man syang tanongin kung may problema ba kami pero parang pati ako hindi ko kayang mag salita. Ewan ko ba! Habang tumatagal mas nag iiba. Ganon talaga kapag na sa relasyon ka. Hindi lahat ng oras masaya ka. May dumadating ring pagsubok na mas lalong magpapatibay ng relasyon niyo kung parehas kayong lumalaban. Mahal ko si Abe. Siya yung babaeng minsan ko ng pinangarap. Pero ngayong abot kamay ko na at na sa akin na. Bibitawan ko pa ba?

Aaminin kong naguguluhan ako, Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Alam niyo yung feeling na mahal mo nga siya pero parang may kulang na hindi mo maintindihan.

Kapag mag kasama kami alam kong may nasasaktan ako. Akala ko nong una nagkamali lang ako sa nararamdaman ko. Pero habang tumatagal ay mas lalo akong nagugulohan! Hindi ako nag a-assume sa napapansin ko pero 'tuwing magkakasama kami pansin ko ang iiwas ni Cha. Ayaw ko sanang mag isip ng kung ano. Yung feeling na tumatawa siya, pero alam mo na pinapakita niya lang samin na masaya siya kahit hindi naman talaga. Hindi maitatago sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya Hindi ko tuloy maiwasan na mag alala.

Kilala ko si Cha. Siya yung babae palangiti kahit na nasasaktan na. Itinatago niya sa mga ngiti niya ang mga problema niya. Hindi siya vocal sa nararamdaman niya. Siya yung tipo ng babae na mahilig mag sarili ng problema.

Hindi ako manhid. Una pa lang alam ko na ang nararamdaman niya. Nagpatay malisya lang ako dahil akala ko nagkamali lang ako. Sinusubakan ko siyang iwasan pero hindi ko kaya. Dahil nga magkaibigan kami. At hanggang don lang.

Inaamin ko na may nararamdaman din ako sa kanya una pa lang. Sinubukan kong manligaw sa mga babaeng nagugustuhan ko na nag babakasaling mawala ang nararamdaman ko pero hindi. Kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga. Ayaw ko din sabihin sa kanya yung totoo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

Pero ngayon naging komplekado ang lahat. Nahihirapan ako. Hind ko alam kung anong unang susundin ko. Mahal ko si Abe. At nagpapa salamat ako sa kanya dahil kahit papaano sa kanya ko naitutuon ang atensyon ko at hindi na sa nararamdaman ko kay Cha. Ayaw kong masira ang relasyon namin ni Abe. Mahal ko siya at sigurado ako don.

"Love." Tawag ko sa kanya.

Tumingin naman siya sakin.

Tinitigan ko ang bawat sulok ng mukha niya. Si Abe yung tipong unang tingin mo pa lang mai-inlove ka na. Ganon kasi yung naramdaman ko nong unang kita ko pa lang sa kanya. Napaka simple niya at para bang isa siyang babasaging bagay na dapat talagang ingatan. Walang ka arte arte kahit iyon ang tingin sa kanya ng iba. Yung tipong ayaw mo syang makikitang nasasaktan, naluluha o kahit anong ikakasakit nya. Napakabait niya din dahilan para mas lalong mahulog ang loob ko sa kanya.

Hindi ko 'ata siya kayang makitang nasasaktan.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at hinalikan siya sa noo. Bahagya pa syang nagulat sa ginawa ko pero binawian din ng ngiti.

"Para saan naman 'yun?" Kunot noo niyang tanong pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Para sa taong mahal ko." Malambing kong sabi at kinindatan siya.

Pabiro niya namang hinampas ng mahina ang balikat ko sabay natawa. Hinawakan niya din ang magkabilaang pisngi ko at deretso akong tiningnan sa mata.

"I love you." Nakangiti nyang sabi.

"I love you too, Love." Nakangiti ko ding sabi.

"Ano ba 'yan! Ba't andaming langgam dito!" Biglang sabi ni Sam na kakarating pa lang kasama sila Xander at Jake.

Umopo si Sam sa harapan namin katabi ni Xander. Habang si Jake naman pumagitna samin ni abe. Napaangat ang labi ko at nainis sa ginawa nya. Maangas niya akong tiningnan na para bang nag aalok ng suntokan.

"Where's Ayu?" Tanong ni Abe.

Hinanap agad ng mga mata ko si Cha pero wala. Hindi nila kasama.

"Hindi daw siya pwede ngayon. May pupuntahan daw kasi siya e." Sagot ni Sam sa kanya.

"Saan? " Agad na tanong ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pag lingon sakin ni Abe.

"I don't know. Lately palagi syang may pupuntahan kapag inaaya ko syang lumabas. Tss!" May halong pagtatampo ang boses ni Sam.

Ilang araw na rin ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Cha mag mula nong nagka party sa bahay. Umiiwas sya sakin at alam ko yon. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang gawin yun! Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.

Nang biglang mag ring ang phone ni Jake kaya napatingin kami sa kanya.

"It's Cha." Sabi niya at pinakit pa samin ang phone niya. "I'll just take this call. Excuse me." Paalam niya pa at tumayo para lumabas ng cafè.

Sinundan ko siya ng tingin. Pinag masdan ko siya habang kausap niya si Cha sa phone niya. Tumatawa siya at may pasipa sipa pa sa ere habang kausap niya si Cha. Pwede naman siyang tumawag na lang kay Sam at hindi sa Jake na yan. Tss!

May gusto ba siya kay Cha?!

"Love." Bahagya akong nagulat nang tawagin ako ni Abe sabay hinawakan niya ang kamay ko.

"Hmm?" Pasimple kong iniwas ang paningin ko sa labas.

Umiling naman siya at pilit ang ngiti niya at bumaba ang tingin sa kamay naming magka siklop.

Nagpaalam na mag oorder na muna daw yung dalawa kaya kami na lang ni Abe ang nandito. Si Jake ay hindi pa din tapos sa pakikipag usap kay Cha. Narinig ko ang sunod sunod na pag buntong hininga ni Abe kaya napatingin ako sa kanya.

"What's wrong?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Mariin nyang naitikom ang bibig niya dahilan para lumabas ang dimple sa pisngi nya.

"Nothing, love...I-i'm just...." -Tumigil siya sa pagsasalita at saka napatungo. Inayos niya ang pagkaka siklop ng mga daliri namin sa ilalim ng mesa at muling nag angat ng tingin sakin. "You really love me, right, love?" Deretcho siyang nakatingin sa mga mata ko.

Napansin ko ang pamumula ng gilid ng mata niya kaya napakunot ang noo ko.

"O-of course. I love you...I really love you, love." Sabi ko at hindi ko maiwasang mag alala sa kanya.

"Good. Gusto ko lang naman marinig."  Pilit ang ngiti niya.

Dumating na sila Sam at Xander na may dala ng foods at pumasok na din si Jake na may dalang ngiti sa labi habang papaupo sa tabi ni Abe. Nakatingin pa siya sa phone niya habang hinihimas himas ang screen. Siraulo!

Nag simula ang kwentuhan at tawanan nila habang kumakain. Minsan nakikisali din ako kapag napapangalanan ako ni Xander o kaya naman ni Sam. Pero hindi talaga ako masyadong nakikinig sa kanila dahil nakukuha ni Jake ang atensyon ko. Nakikita ko siyang tumatawa na parang gago habang tutok na tutok sa phone niya na halatang may ka-text. Tuwing tutunog ang phone niya dali dali naman siyang mag bubukas nito. Tss!

Gusto ko sana siyang tanongin kung si Cha ba ang ka-text niya kaso baka kung ano pa ang isipin niya. Lalo na't katabi ko rin si Abe. Ayaw kong mag isip siya ng kahit na ano.




Comment and Vote! ❣️

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon