CHAPTER 42.

1.2K 92 18
                                    

Ayumie's POV

"Princess." Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Kuya.

Umopo ako at sumandal sa headboard ng kama ko habang kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko. Inaantok pa 'ko. Umopo si kuya sa gilid ng kama at tiningnan niya ako ng seryuso. Napatingin ako sa orasan. 11:25 am na pala. Buti na lang at saturday ngayon. Ang haba ng tulog ko. Samantalang maaga naman akong natulog kagabi.

"Kuya." Humikab ako.

"Maaga tayong aalis ngayon. May pupuntahan tayo."

Napakunot ang noo.

"Where we going?" Kunot noo kong tanong.

"Wala ka bang naaalala?"

Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong walang naalala? Pinilit ko naman na alalahanin ang nangyari kahapon. Pero parang wala namang nangyari eh. Pumasok ako sa school. Pumunta kami sa hospital. Yun lang.

"It's okay. Just fix your self. Nag hihintay na sila Mommy sa baba." Sabi niya at tumayo na saka lumabas na ng kwarto.

Ilang minuto pa akong napatitig sa pinto bago ako tamad na tumayo at pumasok sa banyo. Haist! Ano ba kasing hindi ko maalala? Hanggang sa natapos akong maligo't mag bihis nakakunot pa rin ang noo ko. Sinusubukan kong alalahanin na baka may nakalimutan lang ako ngayong araw na sinabi sakin ni Kuya, Mommy o kaya naman ni Daddy kagabi pero wala talaga. Haist! Bahala na nga! Lumabas na ako ng kwarto ko. Pagbaba ko naabutan si Mommy't Daddy na nag uusap sa sala. Lumapit ako sakanila.

"Good morning, my princess." Bati sakin ni Mommy. Tumayo siya at lumapit sakin. Lumabas si Kuya mula sa kusina na may dalang isang basong tubig.

"Ready?" Nakangiting sabi ni kuya.

Inilapag niya ang baso sa glass table na nasa gilid niya at lumapit samin. Isa isa ko silang tiningnan. Anong meron? Bakit bihis na bihis sila?

"Come on. Nag hihintay na sila don." Sabi naman ni Daddy.

Nagugulohin tuloy ako.

Lumabas na si Dad at sumonod na rin si kuya. Humarap ako kay Mommy.

"Anong meron, my?" Kunot noo kong tanong.

Ngumiti si Mommy at inayos ang mga takas kong buhok.

"Wala ka talagang naalala." Sabi niya. "Lets just go." Sabay hila niya sakin.

Pumasok na kami sa kotse. Kahit na wiwirduhan ako sa mga inaasta nila ngayon ay tumahimik na lang ako. Kung tatanongin ko naman sila paniguradong hindi naman nila ako sasagutin. Naging mahaba ang byahe namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang familiar sakin ang lugar na 'to. Buong byahe nakadungaw lang ako sa phone ko. Maya maya pa ay tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas. Bahagya akong nagulat nang makita ko na nasa bahay kami ng lola ko. Mommy ni Daddy.

"We're here." Sabi ni Daddy.

Agad akong bumaba. Napangiti agad ako nang makita ko si Lola na katabi ang nurse niya habang nakatayo sa may pinto. Tumakbo agad ako at niyakap siya.

"Lola." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"How's my granddaughter?"

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan niya naman ang mukha ko habang nakangiti.

"Ang ganda ganda ng apo ko."

"San pa ba mag mamana?"

"Edi sa, LOLA!" Sabay naming sabi ni lola. Nagtawanan nga kami.

"Hi, ma." Lumapit si Dad kay lola at niyakap. Ganun din ang ginawa sakanya nila Kuya at Mommy.

"Ang gwapo kong apo. Kamusta? May girlfriend na ba?"

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon