CHAPTER 6.

1.7K 111 4
                                    


Ayumie's POV

Pakatapos ng klase namin dumeretso agad kami sa Field para tumambay. Medyo maaga pa naman kasi at hindi pumasok ang profesor namin sa last subject kaya maaga kaming lumabas.

Buti na lang din at hindi na namin kasama si Abe. Mahirap na! Baka magka initan na naman sila ni Sam!

Pero kanina ko pa napapansin. Simula nong pumunta kami dito wala ni isang nag sasalita samin. Na isip ko na baka dahil 'ata don sa nangyari kanina kanila Sam at Abe.

Pasimple akong napapatingin kay Jeth. Nakatingin lang siya sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip. Kahit hindi niya sabihin alam kong may gusto siyang sabihin kay Sam. Nakikiramdam na lang ako sa kanila.

Ilang saglit pa, nabasag ang katahimikan na namamagitan saming nang mag salita si Jeth.

"I have a question, Sam," aniya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa kawalan. Bahagyang napakunot ang noo ni Sam at napatingin sa kanya.

"What is it?"

"What Abe's did to you para kainisan mo siya?" Naging seryuso ang mukha ni Jeth at deretsong tumingin na kay Sam.

Hindi nakapag salita si Sam pero nanatili pa rin ang tingin kay Jeth.

"Bakit ba ang init init ng ulo mo sa kanya? Wala namang ginagawa sayo 'yung tao 'di ba?"

"Jeth—"

"Please, Sam! If you really are my Bestfriend then act like one!"

"So galit ka na?"

"Hindi ako galit! Naiinis lang ako!"

"Hindi pa ba galit ang tawag diyan sa reaction mo a?" sarcastic na tugon ni Sam.

Ramdam ko na ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Pati ang ibang mga estudyante dito sa field napapatingin na din tuloy sa gawi namin!

"Hindi nga ako galit. Look, Sam! I just want to know kung bakit mainit palagi ang ulo mo kay Abe?"

"E bakit affected ka?!"

"Ofcourse, I am! Nililigawan ko 'yun, e!"

"Pero ako 'yung bestfriend mo!"

"Exactly, Sam! You're my bestfriend! So why don't you support me, instead?!"

"Tss! Then what do you want me to do? Mag sorry sakanya?"

"You should,"

"Seriously?! Ako?" sabay turo niya sa sarili niya. "Mag sosorry sa kanya? Like duh?! No way! I won't do that!" ani Sam.

"Then tell me why do you have to treat her like she's mean to me?! She's my soon-to-be-girlfriend! Pano na lang kaya kung kami na? Ganyan pa rin ba ang turing mo sakanya?" naging mataas ang tono ni Jeth.

Sa tagal naming magkakaibigan ngayon lang kami nagkaroon na ganitong sitwasyon kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Ganon din si Xander.

Hindi na nakapag salita si Sam at napatungo na lang siya.

"Guys, can you pleasw calm down? Pano kayo makakapag usap ng maayos kung ganyan kayo?" ani Xander nang hindi na muling nag salita ang dalwa.

Ilang segundo lang nang biglang tumayo si Sam at inis na naglakad papalayo samin. Natahimik kami at walang nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin.

"What's wrong with her?!" rinig ko pang sabi ni Jeth habang sinusundan ng tingin si Sam.

"You know her, dude. She has a bad temper since then." natatawang ani Xander habang napapailing.

"Tss! Ewan ko ba. Minsan talaga hindi ko maintindihan ugali ni Sam, e." nakabusangot na sabi ni Jeth at saka napatingin sakin.

Napansin ko na parehas silang nakatingin sakin ni Xander kaya tuloy bahagyang napakunot ang noo ko.

"Oh? Ba't sakin kayo nakatingin?" nag tataka kong tanong.

"Alam mo ba kung bakit ganon si Sam ha?" taas noong tanong sakin ni Xander.

"Aba malay ko. Hindi ko naman hawak utak non e."

"I just wonder, ganon ba talaga kaayaw ni Sam kay Abe?.... Hardcore!" natatawang sabi ni Xander habang napapailing.

Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo na ako at humakbang para sundan si Sam. Narinig ko pang tinawag ako ni Xander pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nakita ko si Sam na naglalakad sa hallway patungo ng gym.

"Sam!" tawag ko sakanya.

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Anong anong nangyari?" kunot noo niya namang tanong.

"Between you and Jeth ano pa ba?" sarcastic kong sabi.

"Hindi mo alam? Akala ko ba nandon ka?"

Bahagyang napaawang ang bibig ko. Kahit kelan talaga pilosopo to.

"Hindi ako nakikipag biroan sayo." pinilit kong maging seryuso ang boses ko.

"E hindi naman ako nag bibiro 'di ba?" seryuso niya ding sabi.

Hindi ako nakapag pigil at nabatukan ko nga siya.

"Umayos ka nga!" inis kong singhal sa kanya.

"Aray, ano ba!" reklamo niya habang nakahawak pa sa batok niya.

"Masasaktan ka talaga! Umayos ka nga kasi! I'm serious, Sam. Stop playing around!"

"Ano ba kasing problema mo?!"

"Ikaw dapat ang tanongin ko niyan."

"Tss! Wala akong problema!" aniya at nag kibit balikat.

"E kay Abe? Bakit ganon na lang ang treatment mo sa kanya?"

"Hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam?" kunot noo kong tanong.

"Hindi ko alam, okay. Basta kapag nakikita ko siya naiinis ako! Ang arte niya. Alam mo naman na ayaw ko sa mga babaeng nasasapawan ako ng kaartehan 'di ba?!"

"And you're insecure?"

"What?! Of course not! Ako? Maiinsekyor sa kanya?! Hell no! E mas maganda pa nga ako don, e!" napapasinghap niya pang sabi.

"'Yun naman pala, e! So bakit ganyan ka sa kanya?"

"I already told you, Ayu! Tss!"

Hindi na lang ako nag salita. Kagaya ng sinabi ni Jeth minsan hindi ko din maintindihan ugali ni Sam.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now