CHAPTER 23.

1.4K 109 60
                                    

Ayumie POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nong mag bisita kami sa bahay nila Sam. Tatlong araw na rin akong naguguluhan kung bakit feeling ko may nag iba sa kanya tuwing magkakasama kami. Pansin ko ang pag iiwas niya sakin. Tuwing titingin ako sa kanya ay parang siya na mismo ang nag iingat na hindi mag salubong ang mga mata namin.

Feeling ko nag iba siya. Ayaw ko sanang isipin yun pero iyon kasi ang nararamdaman ko. Mas madalas na silang magkasama ngayon ni Abe kesa samin na tatlo. Si Jake naman ay madalas na din namin nakakasama. Yung dating sasabay sabay kaming tatambay sa Field para magpalipas oras ngayon ay kaming apat na lang. Si Xander, Sam at Jake. Minsan ko din silang makita sa Field na tumambay.

Sobrang sweet nila sa isa't isa. Parang kinukurot ang puso ko tuwing nakikita silang magkasama at nag lalambingan. Ilang ulit ko na ding dinasal na sana, ako na lang siya.

Nakakatawa lang dahil kahit nagmumukha na akong tangang susunod sunod sa dalawa ay ito pa rin ako. Mahal ko pa din siya. Ewan ko ba sa sarili ko. Minsan para na akong tangang sinasabihan ang sarili ko na itigil na ang kabaliwan ko na 'to pero itong trydor kong puso hindi man makisama.

Kung ikukumpara ko naman ang sarili ko sa iba ay malamang susuko din ako sa karamihan ng ginagawa ng iba dahil sa nasasaktan na sila. Pero hindi eh.

"Ayu, Are you okay?" yan ang palaging tanong sakin ni Sam o kaya ni Xander kapag nakikita nila akong nakatulala.

Gusto ko man sabihin sa kanila ang problema ko hindi ko magawa. Una, Mag bebestfriend kami at hanggang dun lang 'yun. Kung sasabihin ko man sa kanila ay hindi na ako magtataka kung magagalit sila sakin dahil expected ko na 'yun. Nakakainis lang dahil kahit anong pag papakita ko sa kanila na okay lang ako hindi pa din sila naniniwala. Obvious ba talagang hindi ako okay?!

"Ilang beses mo na bang tinanong 'yan, Sam? Ok nga ako diba?"

Nandito kami ngayon sa loob ng canteen para mag lunch. Wala pa sila Jeth at Abe. Nag text daw kasi si Jeth kay Xander na sasabay silang mag lunch samin.

"I know you, Ayu. Stop act like you're okay. Come on, Tell me. What's bothering you?" May pag aalala sa boses niya.

Hindi ako nakaimik. Tinitigan ko lang siya. Wala akong balak na sabihin sa kanya kahit na anong pilit niya. Kilala niya ako. Kapag ayaw kong sabihin hindi ko talaga sinasabi. Mahilig akong magtago ng problema na ako lang ang nakakaalam. Hindi ako vocal kahit na bestfriends ko pa sila. Malalim syang napabuntong hininga at hinawakan ang kamay ko.

"Ilang araw na kitang napapansin na ganyan. I'm just worry. Kung ano man 'yan nandito lang ako para sayo. Kahit ayaw mong sabihin, okay lang. Basta kapag kailangan mo 'ko sabihin mo lang."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya pero hindi iyon naging dahilan para mabawasan man lang ang kirot ng puso ko. Kung tatanongin ako ay nahihirapan na talaga ako. Nagmamahal ako sa taong iba ang mahal. Nagmamahal ako na ako lang ang nakakaalam. Nagmamahal ako...Sa bestfriend ko pa.

"Jeth!" Biglang tawag ni Xander.

Hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakatungo na kunwaring busy sa hawak kong libro. Naramdaman ko na lang ang pag dating nila. Umopo si Abe sa tabi ni Jake at si Jeth naman katabi ni Abe. Witch is magkakaharap kaming tatlo.

"Hi, Ayu. Hi, Sam." Bati ni Abe.

"Hi." Bati naman sakanya ni Sam.

Tumango lang ako pero hindi pa din ako nag angat ng tingin. Siguro naman okay na 'yun atleast pinansin ko sya.

"Mamaya na yung House Party sa inyo Jeth 'di ba?" Tanong ni Xander sa kanya.

"Yeah. Hope you guys you'll be there."

"Oo naman. Syempre pupunta kami. Sayang ng foods, eh." Natatawang sabi ni Sam.

"For sure, lahat yun may partners." Singit naman ni Jake.

"E di tayo mag partner. Problema ba 'yun?" Mabilis na sabi ni Sam.

Pare parehas kaming natahimik dahil sa lakas ng pagkaka sabi non ni Sam. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis na pag takip ng bunganga niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang.

"Okay ka lang? Alam mo naman na si Ayu ang gustong ka-partner niyan e. " Ani Xander dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya.

Mahina nga siyang hinampas ni Sam.
"You're so mean!"

"No. Kahit walang partners, okay lang." Si Jeth.

Gustohin ko mang lingonin siya hindi ko magawa. Ayaw ko munang makita siya kahit ngayon lang. Kaya ko naman siguro 'yun.

"It's okay, dude. Okay lang kahit si Sam ang partner ko. Mukhang wala kasing sa mood ngayon si Ayu e."

Naramdaman ko ang pagtingin nila sakin pati na ni Jeth. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko na lang ulit siya naramdaman na tumingin sakin.

"Ayu, You okay?" Tanong sakin ni Abe.

Bumaling ako sa kanya. Pilit na iniiwas ko talaga ang mga mata ko na hindi sumagi kay Jeth.

"Oo naman. I'm okay. Mukha bang hindi?" Natatawa kunwaring sabi ko.

"Guys, Kain na tayo. Gutom na 'ko e." Biglang singit ni Sam dahilan para hindi na muling mag tanong sakin si Abe.

Habang kumakain kami nag uusap usap pa rin sila habang ako naman ay tahimik lang na nag babasa.

Kahit nakatungo nakita ko ang pagsiklop ng mga kamay ni Jeth at Abe na nasa ibabaw ng mesa. Mabilis na iniwas ko ang paningin ko at mariin na napa pikit. Hanggang kelan ba ako hindi magpapa apekto? Hanggang kelan ba 'ko hindi ako nasasaktan? Nakakainis! Nakakasakit sa puso!

Masasabi ko na talagang, Mainlove ka na lang sa iba, H'wag lang sa kaibigan. Dahil mahirap na. Nasasaktan ka na nga, parang sinasakal ka pa. Mahirap mag tago ng feelings. Pero dahil sa kinasanayan ko na kahit papano naitatago ko pa rin.

Sana lang hindi dumating yung araw na suko na ako. Mahirap talagang mag mahal. Hindi mo alam kung yung nararamdaman mo ay pag mamahal na nga ba o baka sadyang gusto mo na lang siya. Pero ako? Siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal ko si Jeth. Kahit masakit man na makita syang may mahal ng iba tinitiis ko. Dahil para sa kanya, kung saan sya sasaya, hahayaan ko na lang. Handa akong magparaya. Mahal ko nga eh. Kaya hanggat kaya ko pa, Ipagpapatuloy ko pa rin 'to kahit na alam kong imposible.



Comment your own leading lady.

Ayumie or Abegail

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon