CHAPTER 43.

1.2K 94 23
                                    


Ayumie's POV

Monday...

Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero pag dilat ng mga mata ko ay agad akong bumangon para tumongo sa banyo. Nakaligo't nakabihis na din ako. Humihikab pa ako habang pababa ng hagdan. Nilapag ko muna ang bag ko sa couch at nagtungo na ng kusina. Naabutan ko pa si Mommy na nagluluto ng breakfast.

"Morning, my." Bati ko sa kanya.

Hinila ko ang upoan at na upo.

"Why so early, princess?"

Inilapag niya na ang niluto niya sa mesa kaya nag simula na din akong kumain.

"Maaga po kasi akong nagising, eh." Sabi ko. "Anyway, Mom. Where's dad?" Tanong ko.

Umopo din si Mommy sa pwesto niya at sumandok ng fried rice.

"He's going to Siargao. May meeting kasi siya kaya maagang umalis."

"Bakit hindi ka po sumama kay Dad?" Tanong ko.

"I don't have a meeting there. Magkaiba ang clients namin."

Nag nod na lang. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag pababa ng hagdan. Akala ko si Kuya pero Hindi pala.

"Good morning, Tita and ugly girl." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Adrian.

"Good morning. Come on, Lets eat." Pagyayaya ni Mommy sa kanya.

Umopo siya sa tabi ko.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Ayaw mo ba 'kong nandito?"

"No. I mean. Why are you here? I though you-"

"It's vacation, ugly girl. So, I decide to stay here since vacation naman." Sabi niya at sumandok ng friend rice.

"Bakasyon niyo na agad? Febuary pa lang ah."

"Ganon sa US eh." Aniya. "Anyway. Can I go with you?"

"What?" Kunot noo kong tanong.

"I mean. Ang boring naman kasi dito. And I wan't to see your school." Sabi niya habang nag lalagay ng bacon sa plato niya.

"Ano namang gagawin mo don? May pasok ako. So, wala ka rin namang kasama. At saka, out sider's not allowed eh."

"I have an idea." Ngumisi siya at tataas taas pa ang isang kilay niya habang nakatingin sakin.

Kinunotan ko lang siya ng noo. Natapos ang breakfast ay nag paalam na ako kay Mommy at Adrian. Sumakay na ako sa kotse. Habang na sa byahe, narinig ko ang pag ring ng phone sa bag ko kaya kinuha ko iyon. Nakita ko ang pangalan ni Sam kaya pinindot ko na ang answer button.

"Sam."

"Guess what." Parang masaya niyang sabi sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko.

"Huh?"

"Gising na si Jeth."

Gising na si Jeth?

Ilang minuto akong hindi nakaimik habang paulit ulit kong sini-sink in sa utak ko ang sinabi ni Sam. May kung anong saya akong naramdaman. Wala sa sariling napangiti ako kasabay ng pag patak ng butil ng luha ko. Agad kong pinatay ang phone at tumingin sa driver namin.

"Kuya. Sa ******hospital po tayo." Sabi ko.

Tumingin naman sa rear view mirror ang driver na nag tataka. Nginitian ko lang siya at wala na din siyang nagawa. Pagdating ng hospital ay agad akong bumaba ng sasakyan. Halos takbuhin ko nga ang daan para makarating sa kwarto ni Jeth. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad agad sakin sila Sam, Xander, Tito at Tita. Nakatayo sila sa gilid ni Jeth. Habang si Tita naman ay hawak ang kamay ni Jeth habang patuloy pa rin sa pag iyak habang nakangiti. Napatingin ako kay Jeth. Nakaupo siya habang may dalawang unan sa likod niya. Pero may puting benda pa din sa ulo niya. Gising na gising na talaga siya. Lahat sila nakatingin sakin. Dahan dahan naman akong humakbang patungo kay Jeth. Nang makalapit ako ay bahagya pang umatras sila Sam at Xander. Ngumiti ako kay Jeth. Ganon din siya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon