CHAPTER 31.

1.3K 92 59
                                    


Ayumie's POV

Bagsak ang mga balikat ni Jeth at nanatili pa rin nakatayo at nakatingin sa kaninang kinatatayuan ni Abe. Agad namang lumapit sina Sam at Xander sa kanya. Si Jake naman ay umalis na rin para sundan si Abe. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o mananatili na lang dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Naalala ko nong gabeng nag usap kami ni Abe. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang gabeng yun. Alam kong mahal niya si Jeth pero hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa.

Lumingon sakin si Sam at sinenyasan niya akong lumapit sa kanila. Malalim lang akong napabuntong hininga bago humakbang papalapit sa kanila. Tinap ni Xander ang balikat ni Jeth habang si Sam naman ay parang hindi alam kung anong sasabihin.

"Guys, please...Iwan niyo muna ako." Mahinang sabi ni Jeth habang nakatungo.

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Nagkatinginan kaming tatlo. Napailing si Xander at muling tinap ang balikat ni Jeth bago nag pa umunang nag lakad.

"We're here if you need me, Jeth." Sabi naman Sam.

Tiningnan niya muna ako bago humakbang at sumonod kay Xander. Kami na lang ni Jeth ang nandito at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Tumingin siya sakin at napatitig na lang ako sa mga mata nyang mapupungay.

"J-jeth—"

"I said. I want to be alone." Mariin at titig na titig niyang sabi.

Napakurap ako. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

"Sorry." Ang na sabi ko na lang.

Bahagyang napakunot ang noo niya.
"Sorry? For what?" Nagtataka niyang tanong.

"Sorry, kasi...." Napatungo ako at hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

"Please, Cha. Just leave me alone." Aniya nang ilang minuto na akong hindi nakakapag salita.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Blangko lang ang mukha niya. Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya alam kong nasasaktan siya ngayon. Ilang minuto kaming nag titigan bago siya ang unang nag iwas ng tingin. Mag sasalita na sana ako ngunit humakbang na siya at umalis sa harapan ko. Napatitig na lang ako sa likod niyang papalayo hanggang sa tuloyan na siyang mawala sa paningin ko.

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga kasabay ng pag sikil ng dibdib ko.

Siguro nga hanggang dito na lang talaga.

Naglalakad ako sa may hallway papunta ng room namin nang bigla ko na namang nakasalubong si Claire kasama ang dalawang alipores niya. Malinis na siya at nakapag palit na din ng damit na mas fit at maikli hindi gaya sa suot niya kanina. Hindi talaga maitatangging maganda siya at kita ang pagka kurba ng katawan niya dahil sa suot nya. Ugali lang talaga hindi maganda. Tss! And here we go again. Kahit anong iwas ko sa kanya hindi niya talaga ako tatantanan. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalan sa kanya at ganon na lang ang galit niya sakin.

Matalim na tingin ang pinupukol niya sakin na para bang matutunaw ako sa mga titig niya. Ang dalawang kasama nya naman sa gilid ay nakataas ang kilay habang nakatingin sakin. Sige taasan niyo pa.

"Are you happy?" Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

"Of course." Sabi ko na lang kahit hindi ko naman alam kung anong sinasabi nya.

Mas lalo siyang napangisi at tiningnan ako baba taas.

"Bakit ko pa nga ba natanong? Tss! I'm sure you are!"

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now