CHAPTER 47.

1.2K 91 57
                                    

Jeth's POV

Sa mga araw na nagdaan. Feeling ko andaming nag bago. Yung feeling na hindi na kagaya ng dati. Hindi ko maexplain kung ano pero ramdam na ramdam ko yun. Lalo na kay Cha. Kahit na minsan nagtataka ako sa mga napapansin ko sa kanya. Yung para bang bigla na lang siyang nagbago. Palagi na rin siyang nakangiti. Wala ka ng makikita na kahit ano mang lungkot sa mga mata niya. Gaya nong dati. Parang siya na yung Cha na una kong nakilala. Palaging nakangiti na hindi mo kakikitaan ng kahit ano mang problema. Kahit papano, masaya ako na nakikita siyang masaya. Pero may kung ano pa rin sakin na hindi ko maintindihan. Palagi ko siyang nakikita na kasama yung Adrian, Hindi ko man alam kung anong meron sila pero masaya na ako na nakikita si Cha na masaya kapag nandiyan ang lalakeng yun. Aaminin kong madalas din akong makaramdam ng inis kapag nakikita ko silang magkadikit. Yung para bang, kasama namin sila pero may sarili naman silang mundo.

Napapansin ko din yung biglaang pag singit ni Adrian kapag magkausap kami ni Cha. Para bang bigla na lang siyang lilitaw para kunin ang atensyon niya. Tss! Kahit na minsan naiinis ako hinahayaan ko na lang.

"Jeth." Rinig kong tawag sakin ni Sam kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit hindi ka makipag laro diyan sa dalawang ugok na 'yan? Ano ba kasing iniisip mo at nakatulala ka?"

Nandito kami ngayon sa bahay nila Xander. Hindi ko alam kung anong naisipan nila para tumambay dito. Si Xander at Jake na naka-upo sa may sahig habang nag lalaro ng Xbox. Panay pa ang sigawan nila kapag tumutumba ang mga kinukuntrol nilang characters. Habang si Sam, Abe at Cha naman ay panay ang kwentuhan at tawanan. Tumayo si Abe at lumapit sakin.

"What's wrong?" Tanong niya.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

"Nothing." Tipid na sagot ko.

Hinila niya ako at pinaupo katabi ni Cha. Nakaupo kami ngayon sa sahig habang mga naka indian sit.

"I have an idea." Biglang sabi ni Sam at ang laki laki ng ngiti niya habang tinataas baba niya pa ang kilay niya.

Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pag labas niya ay may dala na siyang bote.

"Let's play spin the bottle." Sabi niya. "Xander, Jake. Come on. Spin the bottle tayo." Pagyaya niya sa dalawa na busy pa rin sa pag lalaro.

"Oh, shit!" Napasigaw si Xander nang mamatay ang character na kinokontrol niya.

"Hahaha! You loss, dude." Halakhak ni Jake.

"Shut up! May round two pa."

Tumayo si Sam at kinuha niya ang remote control sa kamay ng dalawa.

"Hey. Give it back." Bawi sa kanya ni Xander.

"No." Giit niya.

"What's your problem? Nanahimik naman kami dito eh. Give it back to me, Sam."

"Let's play spin the bottle first."

Walang nagawa si Xander. Inis siyang napakamot sa ulo niya at tumayo. Lumapit samin.

"Hahaha! Better luck next time, dude. Where's your beat?" Ani Jake sabay lahad ng kamay sa harapan ni Xander.

Kumuha naman si Xander ng 1000 sa pocket niya at inilagay sa palad ni Jake. Napailing na lang ako. Tss! Wala talagang pagbabago. Palaging nakikipag pustahan kapag naglalaro. Palagi namang talo.

Nang makapwesto na ang dalawa ay sinimulan na ni Sam ang pagpa-ikot ng bote. Unang tumotuk iyon kay Xander.

"Truth or Dare?" Tanong ni Sam sa kanya.

"Truth!" Inis na sabi ni Xander.

Natawa naman kami dahil sa mukha niyang nakabusangot.

"Bakla ka ba?"

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon