CHAPTER 9.

1.6K 103 4
                                    


Jeth POV

Nandito ako sa labas ng bahay ni Abe habang hinihintay siya. Sunday naman ngayon kaya naisipan ko siyang yayain na mag simba.

Maya maya lang din nakita ko na siya kaya napaayos ako ng tayo at hinintay siyang makalapit sakin.

"Sorry, Jeth. Napatagal 'ata ako." aniya nang tuloyang makalapit sakin.

"It's Okay. Kahit naman gaano ka pa katagal, hihintayin pa rin kita."

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Ang sweet talaga ng boyfriend ko."

Bahagyang napakunot ang noo ko pero nanatili ang ngiti sa labi ko.

"Boyfriend?" paninigurado ko.

"Yes, boyfriend. Why? Ayaw mo?"

"No. I mean... Sinasagot mo na 'ko?" hindi ako makapaniwala.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Anong ayaw?! Wala ng bawian a!" sabi ko sabay hawak sa kamay.

"I promise you na hindi ka magsisisi sa desisyon mo."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap sa kanya. Nakita ko pa ang pagka gulat sa mukha niya. Ang saya ko lang kasi ngayon

"Promise mo yan ha." nakangiti niyang sabi.

"Let's go?" pagyaya ko.

Tumango naman siya bilang sagot.
Pumasok na kami sa loob ng kotse at nag simula na rin akong mag maneho.

Nang makarating kami sa simbahan pinark kona yung kotse saka kami bumaba.

Nag hanap narin kami ng pwesto na mauupuan namin. Sakto naman ang pag dating namin dahil mag uumpisa pa lang ang mesa.

"So where are we going?" tanong ni Abe nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan.

Kakatapos lang namin mag simba.

"Kahit saan, Ikaw bahala." baling ko sa kanya.

Habang nag mamaneho. Kanina ko pa napapansin si Abe na panay ang tingin sakin.

"May dumi ba 'ko sa mukha ko?" tanong ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"I'm just happy." aniya.

Napatingin ako sa kanya.

"I will make you happy everytime." sabi ko at hinawakan ang kamay niya habang ung isa kong kamay na sa manubela.

Ilang minuto pa nakarating na din kami dito sa paborito konh lugar.

"Anong gingawa natin dito?" tanong ni Abe nang makababa kami.

Nandito kasi kami ngayon sa paborito naming lugar na madalas naming puntahan nila Cha. Mataas ang lugar na ito at mas lalong makikita ang ganda tuwing gabe dahil sa mga ilaw at kagandahan ng paligid. May iba't ibang klase din ng bulaklak ang nandito at may mga  malalaking puno. Dito din kasi kami madalas tumambay nila Xander.

"Wow! Ang ganda naman dito." natutuwang sabi ni Abe habang inlilibot ang paningin sa paligid. 

Napapangiti na lang ako habang pinag mamasdan siya. Dinadala dala pa ng hangin ang takas na buhok niya. Napaka aliwalas niyang pag masdan sa pangin ko.

"Hoy, Jeth. Are you okay?"

Nataohan ako nang bigla pitikin ni Abe noo ko habang natatawa pa siya.

"Masyado kang titig na titig sakin."

"Sorry. Ang ganda mo kasi e." napapahiya kunwaring sabi ko.

"Sira!" natatawa niya namang sabi.

Kinuha ko ang kamay niya saka kami ulit nag lakad papunta sa may Bench pa umopo.

"First time kong maka punta sa ganitong lugar. Nakakamangha lang."

Nakangiting ani Abe habang napapa pikit pa siya at nilalanghap ang sariwang hangin.

"This is our favorite place. Dito din kami madalas tumambay nila Cha."

"Nakakatuwa naman at sobrang close niyo sa isa't isa no?"

"Mga bata pa lang kami, na sanay na kami na palaging magkakasama. Since then hindi kami mapag hiwalay na apat kahit saan mag punta." napapangiting sabi ko habang inaalala nong kabataan pa naming apat.

"Ang swerte niyo naman. Ako kasi hindi pa 'ko nagkaroon ng kaibigan nong bata pa lang ako e."

Mabilis na napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?" nag tataka kung tanong.

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago nag salita at tumingin sa malayo.

"Bata pa lang ako palagi akong naka kulong sa bahay. Marami din namang gustong makilag kaibigan sakin kaso ayaw ko lang. Ewan ko ba. Simula kasi nong nawala si Mommy feeling ko mag isa na lang. Nawalan ako ng gana sa lahat at hindi ako naging intresado sa iba."

Habang nag sasalita siya hindi niya maitatago ang lungkot sa kanyang boses. hindi ko din tuloy maiwasan na makaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya.

"Don't worry. Hindi ka naman na nag iisa e. Andito na 'ko." hinawakan ko ang kamay niya.

Bumaling naman siya sakin at napangiti.

"Ang swerte ko kasi nakilala kita."

"Mas swerte ako kasi naging akin ka." sabay kindat ko.

"Bolero ka talaga." natatawa niyang sabi sabay hampas ng mahina sa braso ko.

"Sorry nga pala sa inasal sayo ni Sam." pag iiba ko ng usapan.

"Ano kaba, okay lang yun. Naiintindihan ko naman kung ayaw niya talaga sakin e. Hahaha!" aniya.  "And besides, I know she's nice. She just act like she's not. Hahaha!" natatawa niyang sabi.

Hindi ko din tuloy mapigilang matawa dahil sa sinabi niya. Nakakatuwa lang isipin na kahit hindi man sila magka sundo ni Sam nagagawa niya pa ring makisama sa mga kaibigan ko.

Si Abe yung tipo ng babae na kahit pakitaan mo ng masama, mananatili pa rin siyang mabuti sayo. Kakaiba siya. Yun ang dahilan kaya mas lalo ko siyang nagustohan. Kagaya nila ni Sam, madalas man silang hindi nagkaka sundo nakikisama pa rin siya sa mga kaibigan ko.

Kaya ngayon wala akong ibang maramdaman kundi masaya ako dahil sa kanya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now