CHAPTER 24.

1.3K 105 22
                                    

Ayumie POV

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Jeth. Kasama ko sila mommy't daddy at si Kuya. Si daddy ang nag da-drive katabi niya si Mommy. Nasa likod kami ni kuya. Habang na sa byahe ay panay ang bilin sakin ni kuya. Talo nya pa si mommy't daddy. Wag daw akong iinom. Kung iinom man daw ako ay dapat kasama ko sya o na sa tabi nya ako. Wag daw akong makikipag usap sa hindi ko kilala at baka daw masamang tao yun at kidnapin na lang ako. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Talo nya pa talaga sina Mommy't Daddy kung mag bilin e.

Nang makarating kami sa bahay ng mga Ramirez bumungad agad samin ang mga nag yayamanang sasakyan ng mga bisita ng Ramirez. Kung titingnan sila ay napaka bigatin dahil sa mga suot nila. Pumasok na kami at dumeritso sa gazebo. Yung kaninang maraming tao ay doble pa 'ata sa sobrang dami dito sa gazebo. Grabe! Nasa likoran lang ako nila mommy't daddy. Katabi ko si Kuya. Tuwing titigil sila mommy para makipag beso sa mga kakilala tumitigil din kami ni kuya at pinapakilala. Nginingitian ko na lang sila.

Namataan ko ang papalapit na si Tita Maddie at Tito Bernard sa gawi namin. Nang makalapit sila ay agad namang nag beso sila ni Mommy at Tita. Nag batian din sina Daddy at Tito. Tumingin sakin si Tita Maddie habang nakangiti kaya lumapit agad ako para makipag beso din.

"Good evening po, Tita, Tito." Bati ko sa kanila.

"You look gorgeous tonight, Hija." Nakangiting sabi ni Tita habang tinitingnan ang kabuoan ko.

Naka pink fit dress kasi ako na hanggang tuhod lang at nagpalagay lang naman ako ng kaunting light make up. At kinakainisan ko pa na kumuha pa talaga si Mommy ng mag aayos ng buhok ko para daw perfect sa outfit ko.

Pumasok na kami sa loob. Hinanap agad ng mga mata ko si Jeth. Saan na kaya 'yun? Baka sinundo siguro si Abe. Nag vibrate ang phoneko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Sam.

"Nandito kami sa pool area. Saan kana?" Tanong nya nang masagot ko ang tawag niya.

"Coming." Sabi ko sabay patay ng linya.

Nagpaalam na muna ako sa kanila Mommy bago ako umalis. Habang nag lalakad ako patungo sa pool area naiilang ako sa mga matang tumitingin sakin na nadadaanan ko. Haist! Sabi na kasi kay Mommy na ayaw kong suotin 'to eh. Hindi naman ako sexy. Mga sexy lang ang sumusuot nito.

Nang makarating ako sa may pool area parang nakahinga na ako ng maluwag. Hindi gaya kanina sa gazebo madami talaga ang tao. Dito naman ay iilan na lang. Nakita ko sila Sam. Nasa may dulo sila sa gilid ng pool nakatayo habang may mga hawak na basong may laman na wine. May mataas na mesa sa gitna nila. Nag tatawanan sila habang nag kukwentuhan. At hindi din nakaligtas sa paningin ko ang kamay ni Jeth na nakapulopot sa bewang ni Abe.Nang makita ko ang kamay ni Jeth na nakapulot sa bewang ni Abe. Feeling ko tuloy ay parang gusto ko na lang umatras.

Nang tuluyan na akong makalapit. Natahimik sila at sabay sabay na napatingin sakin. Nakita ko ang pag buka ng bunganga ni Jake habang pinapasadahan ako ng tingin baba taas at si Xander naman ayon at nakangisi na nakatingin sakin. Kahit hindi ako nakatingin sa gawi nila Jeth at Abe ramdam ko paningin nila sakin. Tuluyan na akong lumapit sa kanila at tumabi kay Sam.

"Hi, beautiful." Si Jake na kumindat pa.

"Sira!" Natatawa ko siyang hinampas ng mahina sa braso niya.

"You look gorgeous." Sabi naman ni Abe habang nakatingin sakin.

Bumaling ako sa kanya.

"Thanks. Ikaw din."

Napatingin ako kay Jeth. Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya nginitian niya na lang ako. Nginitian ko din siya at tumingin na lang sa kawalan.

Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano. Tawa dito tawa doon. Kahit papano parang nababawasan na din ang pagkailang ko kay Jeth dahil magkakasama kami. Feeling ko bumalik sa normal. Minsan pa nga kaming nagkakatinginan at sabay tawa gaya ng ginagawa namin noon. Pero hindi makakaligtas sakin ang minsang pag titig sakin ni Abe. Tuwing titingin ako sa kanya agad naman syang nag iiwas ng tingin. Hindi ko na lang pinapansin at isinan tabi ko lang iyon.

Nang kukunin ko na sana ang basong walang laman nagkasabay pa kami ni Abe. Tumingin ako sa kanya, Ngumiti naman sya at binitawan ang baso.

"It's okay. Kukuha na lang ako."

"No. Ako na lang kukuha." Sabi ko.

Nagpaalam muna ako sa kanila para kumuha ng bagong baso sa loob. Saka naiihi na din ako, eh. Pag pasok ko dumeretso muna ako sa comfort room. Kahit hindi ako mag tanong sa mga katulong na nakakasalubong ko kabisado ko naman na dito. Pumasok na ako sa cubicle.

Papalabas pa lang ako ng cr nang may narinig akong parang nag uusap sa labas. Hinawakan ko ang doorknob para sana buksan kaso natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"It's not what you think...You know what? You're just overthinking!" Pasigaw na sabi ni Jeth.

"I'm not! Hindi ako manhid, Jeth. At mas lalong hindi ako tanga!" Singhal din ni Abe sa kanya.

Bakit sila nag aaway? Ayaw ko man sanang makinig sa kanila pero ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ko naman sinasadya na marinig ang pinag uusapan nila pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Bahagya tuloy akong napaatras. Kita din ang pagka gulat sa mukha ni Abe at Jeth. Tumingin sakin si Abe na parang hindi makapaniwala na nandito ako sa harapan nya.

"Kanina ka pa diyan?" Kunot noo niyang tanong.

"H-hindi. Kalalabas ko pa lang naman." Pag sisinungaling ko.

Nakita ko ang pag lunok ni abe sabay iwas ng tingin, habang si Jeth naman ay deretsong nakatingin sakin. Nag salubong ang tingin namin ni Jeth. Hindi ko alam kung mag sasalita ba ako o hindi. Bubuka na sana ang bibig ko nang biglang mag walk out si Jeth sa harapan namin. Mariin kong naitikom ang bibig ko at bumaling kay Abe na ngayon ay nakatingin na sakin. Kung hindi ako nagkakamali, Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Namumula din ang gilid ng mga mata niya na parang gustong umiyak. Parang gusto nyang umiyak. Lumapit ako sa kanya.

"Hey, What's wrong?" Nag aalala kong tanong at hinawakan siya.

"It's nothing, Ayu. May missunderstanding lang kami." Pilit ang ngiti niya.

"Are you okay?"

"Yeah. I'm okay." Sagot niya.

Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya at siya ang humawak sa magkabilaan kong kamay. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang may sasabihin. Hindi ko alam, pero wala pa man syang sinasabi parang kinakabahan na ako. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ayu..." Panimula nya. Hindi ako nag salita. Hinihintay ko lang ang idudugtong nya. Malalim syang nag buntong hininga at muling tumingin sakin. "Can I ask you a favor?"

Kinabahan ako bigla. Pero hindi ako nagpahalata.

"W-What is it?"

Muli syang napabuntong hininga at mariin na ipinasok ang pang ibabaw at itaas na labi sa loob ng bunganga niya. Naramdaman ko din ang mahina niyang pag pisil ng kamay ko.

"Alam kong mag bestfriend kayo ni Jeth. Pero....Ayuko sanang sabihin 'to. But, Please. P-pwede bang iwasan mo muna sya?" Tuluyan ng pumatak ang luha na kanina niya pa pinipigilan.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Anong ibig nyang sabihin? Bakit iiwasan ko si Jeth? Kung alam nya naman na bestfriend kami ni Jeth panong mangyayaring iiwasan ko sya? Kung ganung palagi naman kaming magkakasama.

Hindi ako nakapag salita, hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot sakanya. Gusto ko mang itanong sa kanya kung bakit pero parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapag salita.

What does she mean....

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora