CHAPTER 21.

1.4K 110 11
                                    


Ayumie POV

Nakarating kami nang school na tapos na ang first subject sa afternoon class namin. Kaya malamang,  Absent kaming apat. Naglalakad kami ngayon patungo sa room nang makasalubong namin si Claire. And as usual ayan na naman ang nakataas kilay niya. Akala mo mannerism niya na yun e.

Tumigil siya sa harapan namin kaya 'matic na napatigil din kami. Himala lang dahil hindi niya 'ata kasama ang mga alalay niya. Isa isa niya kaming tiningnan. At nang dumapo na kay Jake ang paningin niya mas lalo pang napataas ang kilay niya.

"Newbie?"

Inilagay niya ang pointing finger niya sa chin niya na animoy kinikilatis ang kabuoan ni Jake.

"He's my brother." Si Abe.

Binalingan siya ni Claire.

"Am I asking you?" Maarte nyang saad.

"No. I'm just saying..... Mahirap na. Andami pa namang nagkakagusto at ayuko lang kasing mapunta siya sa mga walang kwenta." Nag kibit balikat si Abe. Mukhang palaban din.

"Excuse me?" Mataray na ani Claire.

"Dadaanan ka ba?" Ani Abe na bahagya pang gumilid para bigyang daan si Claire.

"Are you making fun of me, stupid?"

"I'm not...Bitch." Mabilis na sagot ni Abe sa kanya.

Nakita ko ang pag siklop ng mga kamao ni Claire na parang nagpipigil ng galit. Humakbang siya  papalapit kay Abe. Habang si Abe naman ay kalmado lang na sinasalubong ang mataray na tingin sa kanya ni Claire.

"Don't me." May halong pagbabanta ang tinig niya.

Napataas ng kilay si Abe at napangisi. Nag kibit balikat siya at humakbang ng isang beses dahilan para mas lalo silang magkalapit.

"No, Claire. YOU don't me."

"Do you think I'm scared? Really?! ."

"What if...." Si Abe na mas lalong lumapit pa siya lalo kay Claire sa may bandang tenga na animoy bubulong. Bahagya tuloy na napa atras ng kunti si Claire. "I know everything about you, ghorl." Mahinang bulong niya kay Claire na sila lang dalawa ang nagkaintindihan.

Bakas sa mukha ni Claire ang pagkagulat at bahagya pa syang napaatras. Nakita ko din ang sunod sunod na pag lunok niya. Hindi ko narinig ang binulong ni Abe sa kanya kaya tuloy nagtataka ako kung bakit ganon na lang ang naging reaction niya.

"Let's see." May halong pag hahamon ang tinig niya at parang hindi na alam kung ano ng susunod na sasabihin.

"Let's see." Mapang asar ang ngiti ni Abe sa kanya.

Ilang minuto pa silang nag titigan bago inis na umalis si Claire. Pero bago pa siya makaalis tiningnan nya muna ako ng masama sabay umirap. Binunggo nya pa ako sa balikat nang mag lakad siya sa gilid ko. Kaya tuloy inis ko siyang nilingon.

"Are you okay?" Tanong sakin ni Jake.

Tumango na lang ako at saka ngumiti.

Pumasok kami sa sumunod na subject. Nasa tabi ko si Jake nakaupo siya sa upoan ni Sam. Habang nag lelecture ang prof namin panay ang bulong niya sa gilid ko na hindi ko naman naririnig. Parang kinakausap niya sarili nya.

"I can't get it." Bulong niya habang binubuklat ang libro.

Bahagya ko syang nilingon. Yung tama lang na hindi ako mahahalata ng prof dahil mahirap na. Terror pa naman yan. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa libro na para bang hirap na hirap syang intindihin kung ano mang nakasulat sa libro.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon