CHAPTER 7.

1.7K 112 5
                                    


Xander's POV.

Nandito kami ngayon ni Jeth sa labas ng bahay nila Ayu. Saturday ngayon at napagkasundoan naming mag bike. Simula nong mga bata pa lang kami ito na ang palagi naming ginagawa tuwing weekend. Nililibot namin ang park at kabuoan ng subdivison.

Maya maya lang ay lumabas na din si Ayu dala ang kulay pink niyang bisekleta.

"Where's Sam?" tanong niya habang isinusuot ang kulay pink din na helmet sa ulo niya.

"Pass daw muna siya." sabi ko.

"Bakit daw?" kunot noo niyang tanong.

"Ewan." tipid kong sagot.

Sumakay na kami sa mga bike namin at nag simula ng mag pedal. Habang nag bibike, Parang napapansin ko na kanina pa tahimik si Jeth. Nauuna siya samin ni Ayu kaya senenyasan ko si Ayu na bilisan para pumantay sa kanya.

"Bro, Okay ka lang?" tanong ko nang tuloyan na kaming pumantay.

Medyo mabagal lang ang takbo namin ng bisekleta.

Nilingon niya naman ako.

"Oo naman. Bakit?"

"Parang kanina ka pa kasi walang imik diyan."

"May iniisip lang ako."

"Ano naman?"

"Si Abe."

"Si Abe? Bakit?" taka kong tanong.

"Lilipat na daw kasi siya ng school."

"Bakit naman?" muli kong tanong.

"Pinapadala na siya sa US ng Daddy niya." naging malungkot ang tono ng boses niya.

"So ano ng plano mo? Lilipat ka din ng school?"

Napakunot ang noo niya at bumaling sakin.

"Bakit ako lilipat? Adik ka ba?! Ano namang gagawin ko sa US?"

"Para sundan si Abe? Malay ko ba!" natatawa kong sabi.

"Tss! Bahala na. Kung anong desesyon niya wala akong magagawa. And besides...W-wala pa namang kami."

Nang makarating kami ng Park pinark na din namin ang bike namin sa gilid saka na upo sa may Bench.

"May bibilhin lang ako." pagpapaalam ni Ayu.

"Samahan na kita," pag pepresenta ko.

"No need. Ako na lang." aniya at nag lakad na paalis.

Umopo na lang ulit ako katabi ni Jeth.

"Galit pa kaya sakin si Sam?" biglang tanong ni Jeth.

"I don't know. Alam mo naman yun mataas ang pride." tugon ko. "Kausapin mo na lang siya at ikaw na ang mag sorry. Ikaw na lang mag adjust. Kilala mo naman ugali non, hindi matanggap na siya naman talaga yung may mali." dugtong ko pa.

Napailing na lang si Jeth at natawa.

Maya maya pa ay natatanaw ko na din si Ayu mula dito sa pwesto namin na may hawak na ice cream sa magka bilaang kamay niya.

Ngunit natigilan ako nang may makita ako na may paparating na isang malaking truck sa gilid nya habang tumatawid ng kalsada. Hindi niya iyon napapansin dahil naka tingin lang sya sa dereksyon na dinadaan nya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"CHA, AYU!" halos sabay naming sigaw ni Jeth.

Na unang napatakbo si Jeth papunta kay Ayu at napasunod na din ako.

Sobrang bilis ng pagtakbo ni Jeth at buti na lang hindi pa tuloyang nakakalapit yung malaking track kay Ayu ay nakalapit na agad si Jeth sa kanya. Napayakap si Jeth kay Ayu at buong lakas silang napatalon at parehas na nagpa gulong gulong sa gilid ng kalsada.

Napatigil ang mga taong naka kita at bakas sa mga mukha nila ang gulat na magka halong takot dahil sa nangyari. Naka hinga ako ng maluwag nang makita na ayos naman ang dalawa at tuloyan na akong lumapit sa kanila.

"Cha, are you okay?" nag aalalang tanong ni Jeth sa kanya habang naka hawak sa magka bilaang pisngi ni Ayu.

Makikita sa mukha ni Ayu ang magka halong gulat at takot habang nanginginig pa.

"Ayu, Look at me." utos ko at dahan dahan naman syang tumingin sakin.

Nang gigilid ang mga luha niya at hindi makapaniwala sa nagyari.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla niya na lang akong yakapin at doon umiyak ng umiyak.

"Sshh. Its okay. You're safe now, Ayu. Don't worry." pagpapagaan ko ng loob habang hinihimas ang likod niya.

Pero hindi iyon naging sapat para tumigil siya. Mas lalo pa siyang naiyak at mas humigpit ang yakap sakin dahil sa takot. Nararamdaman ko din ang panginginig ng katawan niya.

"Pasensya, pasensya. Hindi ko sinasadya." biglang lapit samin ng isang lalake na mukhang siya yung driver ng truck.

Napapalibotan na din kami ng mga tao. Mabilis na lumapit si Jeth don sa lalake at isang malakas na suntok ang sumalubong don sa driver dahilan para bumagsak ito. Buti na lang at may ilang mga taong lumapit sa kanila para awatin si Jeth.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon