CHAPTER 54.

1.2K 86 58
                                    

Ayumie's POV

Nag lalakad ako patungo sana ng room nang mamataan ko si Abe at Sam na nakatayo sa Field. Bahagyang napakunot ang noo ko. Anong oras na. Ilang minutes na lang mag sisimula na ang klase. Ano pang ginagawa nila dito? Humakbang ako patungo sa kanila. Nang makarating nakita ko agad ang tingin na seryuso ni Sam kay Abe. Habang si Abe naman ay blangko lang habang nakatingin din ng deretso kay Sam. Hindi 'ata nila naramdaman ang presensya ko.

"I'm so disappointed to you, Abe. Akala ko hindi mo magagawa 'to kay Jeth." Rinig kong sabi ni Sam.

"Sam—"

"Nagpaubaya si Ayu para sainyo ni Jeth. Kahit masakit sa part niya ginawa niya pa rin. Tapos ito lang gagawin mo?"

Hindi nag salita si Abe. Napatungo lang siya.

"Ikaw ang pinili ni Jeth. Kahit na alam naman nating may nararamdaman din siya kay Ayu pero mas pinili ka niya. Now, tell me. Why are you do this to Jeth? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ni Jeth sayo at nagawa mo pa siyang lokohin?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan."

"Pwes, ipaintindi mo." Giit niya.

Muli na namang napatungo si Abe. Bago niya pa madugtongan ang sasabihin tuluyan na akong lumapit sakanila.

"Sam." Tawag ko.

Parehas silang napatingin sakin.

"Ayu." Abe.

Lumapit sakin si Sam at hinawakan ang wrist ko.

"Let's go." Sabi niya at hinila ako.

Iniwan namin si Abe na nakatayo lang habang nakatingin samin. Hanggang sa makarating kami sa hallway saka niya lang ako binitawan. Tumigil siya sa pag lalakad at hinarap ako.

"Why don't you telling me ha?"

"Ha?" Kunot noo kong tanong.

"I'm your bestfriend, Ayu. Pero bakit hindi mo man lang sinasabi sakin lahat nangyayari sayo?" Giit niya.

"Sam—"

"Oo nga pala. Nasanay kana kasi na sarilihin lahat ng problema mo. Feeling ko nga hindi na ikaw yung dati kong bestfriend eh." Kibit balikat niya.

Napatungo ako at napatingin sa pinag lalaruan kong mga daliri.

"Anyway. Tutal hindi mo naman na turing sakin na BESTFRIEND. Siguro hindi na din natin kailangan mag usap."

Nagulat ako sa sinabi niya at mabalis na napatingin sakanya.

"Sam."

Akmang lalapitan ko na sana siya ngunit agad niya namang iminuwestra ang kamay niya sa ere na 'wag ko siyang lapitan.

"Don't go near me. Kakasabi ko lang 'di ba?"

"Seryuso ka ba?" Paninigurado ko pa.

Napataas naman ang isang kilay niya.

"Mukha ba 'kong nag jojoke?"

Mag sasalita na sana ako ng bigla niya naman akong talikuran at humakbang papalayo sakin. Agad naman akong napasunod.

"Ano bang sinasabi mo diyan, Sam!" Iritable kong sabi habang sumosunod sa kanya.

"Stop following me. You're not my bestfriend anymore."

Hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapatigil siya.

"Akala mo ba madali lang din sakin na sarilihin lahat ng problema ko?" Sabi ko. Hindi naman siya nakapag salita at napatingin sa kawalan. "Hindi, Sam. Hindi ko sinasabi sayo dahil ayaw ko din namang masaktan ka dahil sakin."

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon