CHAPTER 49.

1.2K 85 47
                                    

Ayumie's POV

"Jeth." Tawag ko kay Jeth.

Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin. Ayan na naman yung blangko niyang ekspresyon.

"About don sa nangyari kanina—"

"It's okay." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"K-kasi—"

"Naiintindihan ko siya. Kung ilalagay ko ang sarili ko sakanya siguro ganon din ang sasabihin ko."

"Hindi naman kasi—"

"I think he's right. Siguro nga hindi muna natin kailangan mag usap. Dahil baka masaktan na naman kita."

"He's my cou—"

"Sige. May practice pa kami." Sabi niya at tinalikoran ako.

Bahagyang napaawang ang bibig ko at nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa likod niyang papalayo. Tss! Hindi niya man lang ako pinag salita ah. Nakakainis siya! Malalim akong napabuntong hininga at inis na humakbang para tumongo sa parking lot.

Isa pa 'tong lalaking 'to! Kanina pa text ng text sakin si Adrian gawa ng inip na inip na daw siya sa parking lot. Kahit kelan talaga. Amp! Nang makarating ako ng parking lot ay agad akong pumasok sa kotse niya.

"Antagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay." Inis niyang sabi nang makapasok ako.

"I talked to Jeth." Sabi ko.

Mabilis siyang napalingon sakin.
"What?"

"I talked to jeth." Pag uulit ko.

"Seriously?!"

"Bakit? Ano namang mali don? He's my bestfried of course I talked to him."

"I mean. Akala ko ba—"

"Look. Hindi na ako gaya ng dati, okay? Don't worry, Nakipag usap ako na hindi ako nasaktan. Ni hindi niya nga man lang ako pinag salita eh." Inis kong sabi nang maalala ko yung kanina.

Malalim naman siyang napabuntong hininga.

"I'm just concern to you, Ayu. And I told you that I will not let anyone hurt you again." Seryuso niya pang sabi.

"Got it." Tipid kong sabi.

Napailing na lang siya at nag simula ng paandarin ang sasakyan.

"Anyway. May binilin pala sakin si Tita."

"What is it?"

"Mag grocery daw tayo."

Tumango na lang ako. Kagaya ng sinabi ay dumiretso kami sa supermarket para mag grocery. Kumuha ng cart si Adrian at nag simula na rin kaming pumili ng mga kailangan sa bahay. Ako ang taga pili at siya naman ay taga busol ng cart. 

"Walang ka bang lista? Baka mali naman 'tong pinamili natin eh." Sabi ko.

"Wala. I think okay na 'yan. Atleast may stuck pa."

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatuloy ulit sa pamimili. Maya maya pa ay ilalagay ko na sana ang dilata ngunit nakita kong puno naman na 'yon.

"I'll just get one cart." Pagpapaalam ko.

Humakbang na nga ako para kumuha ng isang cart. Kukunin ko na sana ang cart nang bigla namang may nakasabay ako sa paghawak nito. Napatingin ako sa nakasabay ko at laking gulat ko na lang nang makita ko si Claire. Pati siya ay nagulat ng makita ako.

"Ayu/Claire." Sabay pa kami.

Napatingin ako sa hawak niyang beer na nasa kamay niya.

"Do you drink?" Kunot noo kong tanong.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now