CHAPTER 27.

1.3K 102 29
                                    

Ayumie's POV

"Bilisan niyo naman! Baka dumating na si Abe, Lagot tayo kay Jeth nito pag nagkataon e! " Sigaw ni Sam habang nilalagay ang mga lobo sa gilid ng puno.

Nandito kami ngayon sa Field kasama ang mga freshmen para sa gaganaping surprise ni Jeth kay Abe dahil monthsarry nila ngayon. May hawak akong kulay pink at violet na lobo sa magkabilaan kong kamay. Habang si Xander at Jake naman ang may hawak na confetti. Si Sam ay busy sa pag bibigay ng rosas sa mga freshmen dahil isa isa daw nila iyon ibibigay pag dating ni Abe.

Kahit labag sa loob kong gawin ito tinitiis ko para sa kaibigan ko. Masaya ako pero mas matimbang parin talaga ang selos na nararamdaman ko. Nasasaktan ako sa ginagawa ko. Haist!

"Parating na daw sila!" Sabi ni Jake habang nakatingin sa phone nya.

Nagsi ayusan na nga yung iba habang ako naman pumwesto na sa tabi Xander. Namataan na namin silang papalit kaya automatic na natahimik kami. Naka blindfold si Abe habang si Jeth naman nasa likod niya na inaalalayang mag lakad. Kinikilig ang mga kasama namin habang ako naman ay parang gusto ko ng lamunin na lang ng lupa. Kahit masakit ay kailangan kong tiisin 'to. Palagi naman! Nang makalapit sila ay nag sign ng tumbs up si Jeth kay Sam. Inabot ng isang freshmen kay Jeth ang malaking teddy bear na kulay sky blue, human size na halos magkasing laki na ni Abe.

"Love, Ano ba 'to? Hindi pa ba tapos?" Ani Abe na mukha naiirita na sa blindfold na suot niya.

"Chill, Love." Bulong ni Jeth sa kanya.

Napangiti si Abe at halata sa mukha niya ang pamumula. Kinilig siya! Nanatili lang kaming tahimik. Habang yung iba naman ay parang naiihi na dahil sa sobrang kilig. Para kaming nanunuod ng pelikula na mag popropose ang lalaki sa babae. Unti unti nang tinangal ni Jeth ang blindfold ni Abe at nang matanggal iyon ay kita sa mukha ni Abe ang pagka gulat. Nilibot nya ang paningin niya at parang hindi makapaniwala sa nakikita. Napahawak pa sya sa bibig nya habang nakangiti.

"Happy monthsarry, Love." Nakangiting sabi ni Jeth sabay abot niya ng isang bouquet flower at human size na teddy bear.

Nakangiti at parang naluluha si Abe na tinanggap ang bulalak at teddy bear sa kamay ni Jeth sabay yumakap. Kasabay ng pag yakap ang pag paputok ni Xander at Jake ng confetti. Tuwang tuwa sila habang yung iba naman ay hindi na napigilang sumigaw dahil sa sobrang kilig.

"Yieeeeeehhh!" Tili ng karamihan.

Habang nakatingin ako sa kanila parang feeling ko bago silang kasal. Hindi ko alam, para akong tangang nakangiti kahit na sasaktan habang nakatingin sa dalawa. Nakangiti ako dahil kahit papano masaya ako para sa kanila. Parehas ko silang kaibigan kaya dapat lang na maging masaya ako kahit na masakit sa part ko.

"Happy monthsarry din, Love. I love you so much. Thank you for making my day happy. Thank for your effort. I love you so so much." Ani Abe at nagulat si Jeth nang bigla syang halikan nito sa labi.

Para akong may nakitang sobrang liwanag dahilan para sumakit ang mata ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Isa isa ng binigay nang mga freshmen ang rosas kay Abe. Nakangiti namang tinanggap iyon ni Abe. Nang matapos ay lumapit sakin si Sam at inabot sakin yung rosas na pula.

"Ano 'to?" Kunot noo kong tanong.

"Rosas. Hindi mo alam?" Sarcastic niyang sabi.

Pilosopo!

"I mean. Bakit binigay mo 'to sakin?"

"Hindi ko 'yan binigay sa'yo. Ibibigay natin 'yan kay Abe." Inginuso nya pa si Abe na ngayon ay nakatingin na sa dereksyon namin habang nakangiti.

Mag rereact pa sana ako nang bigla na lang akong hilain ni Sam papunta kay Abe kaya wala na din akong nagawa. Haist! Ano pa nga bang magagawa ko e nandito na kami sa harapan niya. Iniabot ni Sam ang hawak nyang rosas kay Abe habang nakangiti.

"Naks a! Para kayong bagong kasal! Hahaha!" Pagbibiro ni Sam sa kanya. "I'm happy for the both of you. Stay strong sainyo!"

"Thank you." Nakangiti siyang niyakap ni Abe.

Ilang minuto pa kaming nagtitigan bago ako lumapit at inabot ang oras. Nakangiti niya naman iyon na tinanggap.

"Thanks, Ayu." Sabi niya at lumapit sakin saka ako niyakap.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya kaya ngumiti na lang ako. Tatalikod na sana ako nang bigla niya namang tawagin ang pangalan ko.

"Ayu...." pagtatawag niya sakin.

Mariin kong naitikom ang bibig ko bago humarap sa kanya at saka pilit na ngumiti.

"B-bakit?"

Humakbang siya ng isang beses papalapit sakin. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko pero hindi ako nagpahalata.

"Someday, you will find a guy who really loves you... You deserves to be happy, Ayu..." Sinsero niyang sabi.

Kahit naguguluhan ako sa mga sinabi niya ay pilit na lang akong ngumiti. Pinisil ko ang kamay niya. Tumango ako at nginitian siya na parang hindi ako affected sa sinabi niya. Isinantabi ko 'yun. Lumapit si Jeth samin at tumingin sakin. Ipinulopot ni Abe ang kamay niya sa braso ni Jeth.

"Thanks, Cha....Thanks sa pagtulong." Si Jeth.

"No prob! Ikaw pa! Malakas ka sakin e." Pabiro kong sinuntok ang braso niya at natawa naman siya.

Great, Ayu! You're really a great pretender!

Nagpaalam na ako sa kanila na pupunta muna ng cr. Sasamahan pa nga sana ako ni Abe kaso sabi ko 'wag na dahil mabilis lang naman ako. Pumayag naman siya at yun nga. Mauuna na daw sila sa canteen. Pumasok na ako ng cr. Papasok pa lang ako ng cubicle nang makasalubong ko si Claire. Napatigil siya nang makita ako at ayan na naman yang mataray niyang tingin. Tiningnan niya ako baba taas at nag kibit balikat.

"Look who's here." Tumaas ang kilay niya.

Here we go again!

Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpasan na lang kaso mabilis niya akong hinarangan.

"Don't be rude, Ayu. Kinakausap pa kita."

"Ah, talaga? Akala ko kasi wala akong kausap e." Sarkastiko kong sabi.

"What?!" May pagka iritable niyang sabi.

"Hindi mo narinig? Gusto mo ulitin ko?" May halong inis na ang boses ko.

Not now, Claire. Please!

"Seriously?!"

"May sasabihin ka pa?" Naiinip na kunwaring tanong ko.

Sa halip na sumagot ay humakbang siya papalapit sakin. Hindi ako nagpatinag at hinintay ko lang kung anong gagawin niya. Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko para bumolong. Nakita ko pa ang pag ngisi nya.

"Masakit 'di ba?" Bulong nya. Napakunot ang noo ko. Anong masakit? "It hurts when you see someone you love with someone else." Parang tumindig ang balahibo sa batok ko matapos nyang sabihin 'yun.

Nginisian niya ako bago siya umalis sa harapan ko. Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya. Bakit niya nasabi yun? Alam niya na ba? May alam ba siya sa nararamdaman ko?!

Tama siya.

"Masakit kapag nakikita mo 'yung taong mahal mo na may mahal na iba." Bulong ko sa sarili ko.

Malalim akong napabuntong hininga at tuluyan ng pumasok sa loob. Nag hilamos ako at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko.

Ayuko ng umiyak! Hindi na ako iiyak! Kahit masakit tatanggapin ko. Pipilitin ko na lang yung sarili kong maging masaya. Susubukan ko hanggang sa masanay akong maging okay. Magiging maayos din ang lahat. Naisip ko yung sinabi ni Abe kanina. Kahit na alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Siguro nga tama siya. Makakahanap din ako ng taong mamahalin ako.



Comment and Vote ❣️

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now