CHAPTER 45.

1.2K 94 53
                                    

Ayumie's POV

Pag pasok ko ng room naabutan ko sila Jake at Sam na nag uusap. Habang si Xander naman ay kunot noong nakatingin sa phone niya. Umopo ako katabi niya. Mag sasalita na sana ako para tanungin kung saan si Abe ngunit nagulat ako nang makita ko si Jeth kasunod si Abe.

"Jeth." Napatayo pa si Sam nang makita siya.

Umopo si Jeth sa may bandang likoran namin katabi ni Abe.

"Dude. Okay ka na ba? Ba't ka pa pumasok?" Tanong ni Xander sa kanya.

"Alangan namang hindi ako pumasok. Baliw!" Ani Jeth.

"Okay ka na ba?" Tanong naman ni Sam.

"Oo naman!"

Nanatili lang akong nakikinig sakanila. Pati ang lingunin siya  hindi ko ginawa. Nakatingin lang ako sa librong na sa mesa ko na kunwaring nag babasa. Pero hindi pa rin maaalis sa sarili ko ang pag aalala kay Jeth. Gustohin ko man siyang kumustahin hindi ko magawa. Tss! Bakit ba kasi pumasok agad siya? Dapat kasi nag pahinga muna siya eh.

Pumasok ang prof namin kaya natahimik ang lahat. Bahagya pang nagulat ang prof nang mapatingin siya kay Jeth.

"Mr. Ramirez. Bakit pumasok ka kaagad? 'di ba dapat nagpapahinga ka muna?" Sabi ng Prof.

"I'm okay now, prof. Hindi naman na ako injured eh."

"Okay, then. Let's start to our topic today."

Nag simula ang klase namin. Habang nag sasalita ang prof feeling ko lutang na naman ako. Hindi ako makapag concentrate. Haist!  Hanggang sa natapos ang morning class namin wala man lang akong naintindihan kahit isa. Tamad kong binabalik ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at pakatapos ay tumayo na.

Nang makarating naman kami ng canten umopo agad ako. Hindi ko alam pero feeling ko ambigat bigat ng pakiramdam ko. Nararamdaman ko din ang medyo pagkasakit ng ulo ko. Tss!

"Ayu. Are you okay? Ba't parang namumula ka?" Nag aalalang tanong sakin ni Sam.

Akmang hahawakan niya sana ako pero mabilis naman akong umiwas.

"H-hindi, ah. Wala lang talaga ako sa mood." Sabi ko.

Napabusangot naman si Sam. Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni Jeth ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Maya maya pa ay may biglang lumapit samin. Si Adrian. Umopo siya katabi ko.

"Where have you been?" Tanong ko sa kanya.

"Naglakad lakad lang." Aniya.
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Jeth.

Wala sa sariling napatingin din ako kay Jeth. Walang kahit na anong emosyon ang makikita mo sa mukha niya habang nakatingin lang kay Adrian.

"A-ah...Jeth si Adrian. Adrian si Jeth." Pagpapakilala ko sakanila.

Tango lang ang tanging na isagot ni Jeth at muli na siyang tumingin sa kinakain niya.

"Are you blushing?" Biglang tanong ni Adrian dahilan para mapatingin ako sakanya. Iiwas din sana ako nang subukan niyang hawakan ako sa may leeg ngunit huli na. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. "Mainit ka."

Sabay sabay na napatingin sakin ang apat.

"I'm not. Dala lang siguro 'to ng init." Pag dadahilan ko.

"Tss. Anong dala ng init? Eh ang init init mo nga eh." Sabi naman Sam matapos niyang hawakan ang leeg ko.

"Come on. I'll take you to clinic." Tumayo si Adrian at kinuha ang bag ko.

Mag rereklamo pa sana ako ngunit sinamaan niya naman ako ng tingin. Malalim akong napabuntong hininga at tumayo na lang. Bago ako tumalikod ay nakita ko pa ang pag kunot ng noo ni Jeth habang nakatingin kay Adrian. Wala akong nagawa kundi sumonod na lang sa kanya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now