CHAPTER 32.

1.3K 95 18
                                    

Jeth POV

Papalapit pa lang ako sa bahay nila Abe naaaninag ko na siya na nakatayo sa labas na para bang may hinihintay. Pagka hinto ko pa lang ng kotse ay agad na akong bumaba. Nagulat pa siya nang makita ako at naiiyak na lumapit sakin.

"I'm sorry, Love." Aniya na umiiyak.

"It's okay, Love." Sabi ko na niyakap siya.

"S-sorry if I hurt y-you." Hindi niya  maayos ang sinasabi niya dahil sa pag iyak niya.

"Shh. It's okay. Ang importante okay na tayo." Pagpapakalma ko sa kanya.

Kumalas siya sa pagkaka yakap at tumingin sakin. Namumula na ang gilid ng mata niya.

"I'm really sorry, Love. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina." Naiiyak niya pang sabi. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at pinunasan ko yun gamit ang hinlalaki ko.

"It's okay."

"No, I know it's not. Nasaktan kita e."

"Love. Look at me." Utos ko sa kanya. Tumingin naman siya sa mga mata ko. "Okay lang, okay? Naiintindihan kita. Basta ang importante okay na tayo."

Tumango tango siya at muli akong niyakap.

"I love you."

"I love you too."

Kumalas siyang muli at hinawakan ang kamay ko.

"You're such a crying baby." Sabay kiss ko sa noo nya. Napangiti  siya sa ginawa ko. "Finally! Ngumiti din ang mahal ko." Sabay kurot ko ng mahina sa pisngi niya.

"Don't pinch me." Saway niya at natawa.

Napapatitig na lang ako sa mukha niya habang nakangiti. Yung kaninang lungkot ko ay unti unting nawala nang makita ko ulit ang mga ngiti niya.

"Happy Valentines, Love."

"How many times have you said that?"

"Kahit ilang beses ko pang sabihin 'yan. Hindi ako mag sasawang sabihin yan ng paulit ulit sayo." Kindat ko pa.

Natahimik siya sabay iwas ng tingin. Pero agad din namang binawian ng ngiti at kinurot ng mahina ang pisngi ko.

"Cheesy."

Napatitig tuloy ako sa mapupula nyang labi. Naalala ko yung paghalik niya sakin nong monthsarry namin. Wala sa sariling napangiti tuloy ako.

"Be my date tonight?" Malambing kong tanong.

Ilang minuto pa syang hindi nakaimik habang nakatingin sakin na para bang may malalim na iniisip.

"O-of course. I'm your date tonight." Pilit ang ngiti niya.

Sabay kaming napalingon ni Abe nang marinig namin ang busina mula sa likoran namin. Isang itim na luxury car ang huminto sa harapan namin. Napaayos ng tayo si Abe at naramdaman ko ang pag siko niya ng mahina sa tiyan ko.

"It's Mom and Dad." Bulong niya.

Bumaba don ang babaeng maputi at parang kasing edad lang ni Mama. Nakatingin siya sakin habang nakataas ang isang kilay. Ang sumonod naman ang Daddy ni Abe. Kahit nagkita na kami noon ay parang kinakabahan pa rin ako dahil sa pagka strekto niyang itsura. Blangko at seryuso ang mukha niya habang deretsong nakatingin sakin.

"Mom, Dad." Ani Abe na lumapit sa mga magulang niya.

"Good afternoon po." Bahagya pa akong yumoko para mag bigay galang.

"Good afternoon, hijo." Bati sakin ng Daddy nya.

"What's your name?" Tanong ng babae sakin na tila bang sinusuri ang kabuoan ko.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now