CHAPTER 51.

1.2K 95 118
                                    

Ayumie's POV

Naglalakad ako ngayon patungo sana nang canten ng marinig kong tawagin ako ni Claire. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sakin.

"Claire." Ngumiti ako sakanya.

"Where you going?" Tanong niya.

"Sa canten. Bibili lang ng mineral water." Sabi ko.

Bahagya siyang napatingin sa likoran ko na tila inaalam kung may tao ba don. At muling bumaling sakin ng seryuso.

"I have to tell you something."

Bahagyang napakunot ang noo ko. Para kasibg masyado siyang seryuso ngayon.

"What is it?" Taka kong tanong.

"About Abe." Sabi niya. "Ayaw ko sanang sabihin 'to kahit kanino pero mag bestfriend parin kayo ni Jeth."

"What about her?" Mas kumonot ang noo ko.

"Ayaw ko sanang makialam. Pero...Narinig ko sila Abe at Cliford na nag uusap kahapon."

"And?"

"Sila na."

Bahagyang naibuka ko ang bibig ko dahil sa narinig ko. Sila na? Anong ibig niyang sabihin? Paano nangyari 'yon? Nakatingin lang ako sa kawalan habang pa ulit ulit kong sini-sink in sa utak ko ang sinabi ni Claire.

"How?" Wala sa sariling lumabas sa bibig ko.

"Don't get me wrong, Ayu. Hindi ko naman sasabihin 'to kung hindi ko narinig. And... I'm just concern for Jeth. 'di ba sila pa?"

"Yeah. But...Hindi ganyan si Abe. Mahal niya si Jeth...And." Napaisip ako.

Kung sila na nga ni Cliford. Bakit hindi pa siya nakikipag break kay Jeth kung ganong sila na nga. Alam kong mahal ni Abe si Jeth. Pero bakit nga ba niya 'yun nagawa? Hindi man ako sigurado sa nalaman ko pero concern lang din ako kay Jeth. Masyadong mahal ni Jeth si Abe. Naguguluhan ako sa kung ano ba talagang iniisip ni Abe.

Sinasaktan niya lalo si Jeth.

"Ayu. I think we need to keep this as a secret muna. I mean, we need to find the truth. Masasaktan si Jeth kapag nalaman niya 'to."

Tanging tango na lang ang naisagot ko sakanya. Sinamahan ako ni Claire na pumunta ng canten pakatapos ay bumalik na sa room namin. Pag pasok ko, si Abe agad ang una kong nakita. Kausap niya si Sam at Xander habang nag tatawanan. Lumapit ako sakanila at umopo. Pa-simple ko lang na tinitingnan si Abe. Bakit niya 'to nagawa kay Jeth? Siguro nga tama si Claire. Kailangan na muna namin malaman kung anong meron si abe at Cliford.

Nang matapos ang klase. Inayos ko muna ang mga gamit ko at ipinasok sa bago. Tumayo ako at sumonod na sa kanila. Nasa likoran lang ako nila Abe at Jeth. Habang yung tatlo naman na sa unahan. Pa-simple kong pinagmamasdan si Abe. Panay ang kwento niya kay Jeth habang nakangiti. Si Jeth naman ay tanging tango at bahagyang pag ngiti lang ang sinasagot niya kay Abe. Kung titingnan siya, parang hindi siya interesado sa kinikwento ni Abe sakanya. Gusto ko mang tanongin si Abe sa nalaman ko pero alam kong hindi ito ang tamang oras. Dahil hindi pa naman ako sigurado sa kung anong totoo. Baka nagkakamali lang siguro si Claire sa kung ano mang narinig niya. Ñ Hindi pa 'yun sapat para pag isipan ko ng kung ano ano si Abe.

Nang makarating kami ng parking lot. Agad na nagpaalam sila Sam at Xander. May pupuntahan daw kasi sila. Ako naman ay lumapit na sa kotse ni Adrian. Nagpaalam muna ako sa kanila bago ako pumasok sa loob.

Naabutan ko si Adrian na tulog. Nakahilig ang ulo niya at bahagya pang nakabuka ang bibig habang humihilik. Napangisi ako. Bahagya ako lumapit sakanya at pinitik ang ilong niya. Agad naman siyang nagising at inis na tiningnan ako.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now