CHAPTER 8.

1.8K 110 3
                                    

Ayumie POV

"Hindi ka ba marunong tumingin sa mga dinadaanan mo princess ha?! Pano kung nasagasaan kana talaga?!"

Hindi ko alam kung ilang beses na yan sinabi sakin ni Kuya. Kanina niya pa kasi ako senesermunan tungkol sa nangyari sakin kanina. At hanggang ngayon hindi pa rin mawala wala ang kaba ko. Muntik na akong mamatay at hindi ko talaga yun inaasahan.

"Kuya, sabi nang ok na nga ako diba? Wala namang nangyari sakin e." sabi ko kay Kuya na pilit siyang pinapakalma.

Kanina pa siya hindi mapakali. At bakas sa mukha niya pag aalala dahil sa nangyari sakin.

"Wala pa, pero muntikan ka ng mamatay, Princess, alam mo yun ha?!" ani Kuya.

Napatungo tuloy ako. Hindi ko kayang salubongin ang mga tingin ni Kuya dahil bakas sa mukha niya ang galit. Hindi dahil sakin kundi dahil don sa nangyari kanina.

Kasalanan ko naman kasi e! Hindi ako tumitingin sa dinadaanan!

"Sorry po kuya." ang na sabi ko na lang.

Napahilamos naman siya sa mukha nya gamit ang kamay nya.

"Nakuha nyo ba yung plate number nung truck na yun?" baling ni Kuya kay Jeth at Xander.

"Hindi. Mabilis siyang nakatakas at iniwan ang truck niya" ani Xander.

"Its ok. I'll check the CCTV footage para mag bayad sila sa ginawa nila sa kapatid ko." seryusong sabi no Kuya.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Alam kung nag aalala sakin si Kuya pero hindi ko din maiwasan na mag alala sa pwedeng mangyayari. Kayang kaya niyang ipakulong ang driver ng truck at alam kong hindi siya mag dadalawang isip na gawin yun lalo na kung ako na yung usapan. Ganyan ka protective sakin ang Kuya ko.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako don. Biglang pumasok si Sam at puno ng pag aalala ang mukha niya nang makalapit sakin.

"Ayu. Ok ka lang ba?" nag aalala niyang tanong.

"Oo naman. Galos lang to e." sabi ko.

"Really? Ok ka pa sa lagay na yan?!" biglang singhal sakin ni kuya.

"Pero kuya-" hindi natapos ang sasabihin ko nang mag salita ulit siya.

"Pero ano? Tss!" ani Kuya.

Ilang segundo pa siyang nakatingin sakin bago nag paalam na lumabas para mag bayad ng bill. Nakahinga na din ako ng maluwag.

Napatingin ako sa gawi nila Jeth at nakita ko na nagka tinginan sila ni Sam pero agad din namang iniwas nila ang paningin nila sa isa't isa.

"Labas muna ako ha." pagpapaalam ni Sam.

Hindi pa man siya tuloyang nakaka hakbang hinawakan ko agad ang kamay niya.

"No. You stay here." sabi ko.

"Bibili lang naman ako e,"

"Ah talaga?" sarcastic kong sabi sa kanya.

Napairap na lang siya at hindi na lang nag salita. Lumapit si Jeth sa kanya.

"Can we talk?" ani Jeth.

"We're talking." mataray na sabi naman ni Sam at saka nag kibit balikat.

"I'm sorry. I didn't mean to-"

"No, Jeth. Ako nga dapat mag sorry sayo e." senserong sabi ni Sam.

Napangiti naman si Jeth sa kanya.

"So we're not going to fight again?"

"Maybe? Its depends to you kung aawayin mo 'ko." napapangusong tugon ni Sam.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now