CHAPTER 44.

1.2K 92 39
                                    

Ayumie's POV

"Ayu." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Abe mula sa likoran.

Hindi ko alam na sinundan niya pala ako patungo sa comfort room. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Ilang segundo pa siyang nakatingin sakin at malalim na napabuntong hininga bago nag salita.

"About Jeth."

Napakunot ang noo ko

"What about him?"

"Wala nang kami." Buntong hininga niya ulit. "And..." Napatigil siya sa pag sasalita na para bang hindi na alam ang susunod ng sasabihin.

"What do you want me to do?"

"Still love him."

"I still love him, Abe." Agad na sabi ko pa.

"I know..."

"Bakit mo sinasabi 'to sakin?"

"Kasi alam kong masasaktan ka na naman."

"That's not new to me." Hindi ko alam kung bakit naging matabang ang boses ko.

"Ayu."

"Abe. I know what you trying to say."

"I'm just—"

"I know you love him. Kahit nakipag break ka sakanya mahal ka pa rin niya. He's still in to you, Abe. So, please....Just stay him. Ayaw mo siyang masaktan 'di ba? Sa ginagawa mo parang mas lalo mo pa siyang sinasaktan."

"How about you?" Tanong niya sa nag aalalang boses.

"Don't mind me. Ang isipin mo si Jeth."

Humakbang siya papalapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry." Sinsero niyang sabi.

"For what?" Kunot noo kong tanong.

"Alam ko ang nararamdaman mo....But still. Kahit nasasaktan ka na, you still like that. Yung kunwaring okay ka lang, Masaya ka. Pero ang totoo, hindi."

Hindi ako nag salita. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang pamumula ng gilid ng mga mata niya.

"Sorry for what you feel. Nahihirapan na din kasi ako, eh. Hindi ko na din alam ang gagawin ko... Yes, I love him. But....Kaibigan din kita eh. It's just that....Ayaw kong nakikita ka din na nasasaktan." Tumolo ang butil ng luha niya pero agad niya naman 'yon na pinunasan.

Wala akong ibang masabi. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya. Ramdam ko ding nahihirapan na siya. Nakakatuwa lang isipin dahil kahit ganito ang sitwasyon niya ngayon na isip niya pa rin ang nararamdaman ko. Parang mas nasasaktan pa nga siya kesa sakin dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kumalas ako mula sa pag yakap sa kanya. Pinunasan niya naman ang basang pisngi niya gamit ang likod ng palad.

Sabay na kaming bumalik ulit ni Abe sa canteen. Naabutan pa namin si Jake at Sam na nag tatawanan habang si Xander naman ay busy lang sa phone niya.

"Where's Adrian?" Tanong ko.

Tumingin sakin si Sam.

"Ayun, oh." Nguso niya.

Napalingon ako. Nakita ko ang ilang mga babaeng nag kukumpulan sa labasan ng canten. Nang makita ko si Adrian na parang nahihirapan siyang umalis sa gitna ng mga babaeng kinukumpulan siya ay tumayo ako at nag lakad patungo sakanila. Nagawa ko pa talagang makipag siksikan sa mga babae. Nang makarating ako sa gitna ay agad ko siyangg hinila. Narinig ko pa ang ilang pag rereklamo ng mga babae.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now