CHAPTER 35.

1.3K 93 30
                                    

Ayumie's POV


Inayos na muna namin ang sarili namin ni Sam bago kami lumabas ng cr. Pag labas namin nakita namin si Jake na may kausap na babae.

"I just wanna get your number. Ang arte nito ibibigay lang naman." Sabi ng babae habang nakahawak pa sa braso ni Jake. Mukhang lasing na siya.

Tinanggal ni Jake ang kamay ng babae sa braso niya at bahagya pang lumayo.

"Sorry, Miss. But I don't give my number to strangers."

"Strangers? We're schoolmates. And nagpakilala naman na ako sayo 'di ba?" Pilit ng babae.

Napatingin ako kay Sam. Nakataas ang kilay niya at parang sa mga tingin niya pa lang ay dudurogin niya na ang babae. Humakbang siya papalapit sa kanila kaya napasunod ako sa kanya.

"Excuse me?" Ani Sam sa mataray na boses.

Napatingin naman yung babae sa kanya at bahagya pang napakunot ang noo habang taas babang pinasadahan ng tingin si Sam.

"And who are you?" Maarteng tanong din ng babae sabay kibit balikat.

"Who are me? Why don't you try to ask yourself?" Nagkibit balikat din siya.

"Why would I do that? Kilala ba kita?"

"Probably, NO! Magpapakilala pa lang ako." Napatingin muna siya kay Jake. Akala ko kung anong gagawin niya, Lumapit siya kay Jake sabay ipinulopot ang kamay niya sa braso nito at nakakaasar na bumaling ulit sa babae. "I'm Samantha De Villa."

Napa singhap ang babae.
"And so? I don't f*cking care if who you are."

Napangisi si Sam at bahagya pa niyang itinagilid ang ulo niya para suruin ang kabuoan ng babae.

"Sa itsurang mong 'yan?" Sabay turo niya sa babae. "Do you think na papatulan ka ng BOYFRIEND KO?"

Nag shape ng O ang bibig ko dahil na ka emphasize pa talaga 'yong BOYFRIEND KO. Bakas sa mukha ni Jake ang pagkagulat at unti unti siyang bumaling kay Sam. Napakunot naman ng noo ng babae pero agad din namang bumalik sa pagtataray ang mukha niya.

"Boyfriend? Tss! Kaya pala. I just wondering kung bakit ka niya pinatulan. Magaling ka ba sa kama?" Nakangising tanong ng babae.

Napataas tuloy ng kilay si Sam. Ako naman ay nagulat sa sinabi ng babae ganon din si Jake. Aktong gagalaw na sana si Jake nang bigla ko naman siyang kinilabit at sininyasan na wag na lang makialam.

"Sorry ha. Hindi ako kagaya mo e. I'm still virgin kasi. E ikaw?" Tiningnan niya baba taas ang babae gamit ang nakakadiring tingin. "Are you still a virgin?" Tumigil si Sam at napatakip sa bibig niya. "Oh it's obvious! Bakit ko nga paba yan natanong?" Mapang asar niya pang sabi.

Nag salubong ang kilay ng babae at bakas sa mukha niya ang pagka pikon. Aktong bubuka na sana ang bibig niya nang magsalita ulit si Sam.

"At pangkama ka lang pang altar ako. So you better to back off or I'm going to rip your mouth until I satisfied. You choose." May halong pag babanta ang boses niya.

Napalunok ang babae at bahagya pang na paatras. Ilang segundo siyang nakatitig kay Sam ng masama at wala siyang nagawa at padabog na lang na umalis sa harapan namin.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko natawa na lang ako. Si Sam naman ay nakagisi habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae.

"Certified bitch." Natatawa ko pang sabi.

Pero napatigil ako sa pagtawa nang makita ko si Jake na nakatulala kay Sam. Hindi siya kumokurap at bahagya pang nakabukas ang bibig niya habang titig na titig kay Sam. Pasekreto ko nga siyang kinalabit saka lang siya nataohan.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now