CHAPTER 30.

1.4K 98 35
                                    

Abe's POV

Ito na ata ang pinakamasakit na gagawin ko sa buong buhay ko. Ang i-let go ang taong mahal ko. Masakit man pero kailangan kong gawin 'to. Basta ang alam ko, tama ang gagawin ko. Alam kong masasaktan si Jeth pero anong magagawa ko. Ayaw kong mag stay sa isang relasyon na walang kasiguradohan.

Nandito kami ngayon sa Field at halos lahat ng estudyante busy sa paglalagay ng kung ano ano dahil dito gaganapin ang Valentine's Night. Yes, Valentines day ngayon. At mamayang gabi na ang party. Excited ang lahat habang ako naman ay parang mahal na araw. Usually naman kapag may ganitong okasyon sobrang excited ako. Pero ngayon wala man lang akong maramdaman na excitement.

Magkatulong kami ni Jake at Xander sa pag dedesign ng malaking valentines letter sa malaking board na ilalagay sa entrance ng Field. Ako ang nag pi-paint habang si Xander at Jake naman ay busy sa pag lilettering. May pintura na din tuloy ang kamay at damit ko pero ayos lang dahil may extra naman akong dala.

Habang busy ako sa ginagawa ko may bigla na lang akong naramdamang malagkit sa ibabaw ng ulo ko pababa sa damit ko. Pintura!  Nabuhusan ako ng pintura!  Iisipin ko na sanang aksidente lang na natapunan ako pero hindi. Nakita ko si Claire na hawak pa ang maliit na balde na may lamang pintura at siya ang nag buhos sakin. Mariin akong napapikit at nanginig ako sa galit dahil sa ginawa niya. Tinapon niya pa ang balde sa gilid at ngumisi habang nakatingin sakin.

Gulat na gulat si Xander at Jake nang makita ang itsura ko. Agad naman silang lumapit sakin. Pati ang mga nakakita ay gulat na gulat din habang nakatingin sakin at nag bubulungan.

"What did you do?!" Pasigaw na sabi ni Jake kay Claire.

"Serves her right." Ngisi niya saka nagkibit balikat. Nakita ko ang pag tagis ng bagang ni Jake at parang gusto niya ng lapitan si Claire.

"Ano na naman 'to, Claire? Bakit mo ginawa 'yun?" Galit ding singhal sa kanya ni Xander.

Lumapit samin si Jeth, Sam at Ayu. Lahat sila ay gulat na gulat nang makita ang itsura ko. Bakas sa mukha ni Jeth ang galit at agad na nilapitan si Claire at mahigpit na hinawakan ito sa braso.

"Sino ka para gawin yan sa girlfriend ko?!" Seryuso at galit na sabi ni Jeth sa kanya.

"J-Jeth. Nasasaktan ako!" Reklamo ni Claire na halatang nasasaktan nga.

Pero hindi siya pinansin ni Jeth. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Claire. Lumapit sakin si Ayu at pinunasan ang pinturang nagkakalat sa ulo ko. Akala ko kung anong gagawin ni Sam. Kinuha niya ang baldeng may laman na pintura na hindi pa namin nagagamit at binuksan niya iyon. Lumapit siya kay Claire at halos lahat kami nagulat dahil sa ginawa niya. Ipinasok niya ang ulo ni Claire sa loob ng balde dahilan para matapon ang pintura sa ulo ni Claire pababa sa fit dress nyang suot. Gulat na gulat ang lahat sa ginawa niya at sabay sabay pang napa "Owwww!"  Ang mga nakakita.

Maski si Claire ay  nagulat at hindi agad nakapag react sa ginawa sa kanya ni Sam. Ngumisi si Sam at pakatapos itinapon ang balde sa paanan ni Claire. Napanganga ang lahat at bumalot ang katahimikan.

"Look! She look like a trush!" Natatawa pang sabi ni Sam.

Ilang minutong hindi nakapag salita si Claire at bakas pa din talaga sa mukha niya ang pagka gulat. Napapangiwi pa siya na animoy diring diri sa pinturang nagkakalat sa katawan niya. Nanliit ang mga mata niya at galit na galit na tumingin kay Sam.

"What did you do?!" Galit na sigaw niya.

"I did what you did to Abe." Kibit balikat niya pa.

"How dare you! " Nag igting ang bagang niya dahil sa galit.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon