CHAPTER 57.

1.1K 88 87
                                    

Ayumie's POV

Lunch break na. Saktong tapos ko na rin punasan ang lahat ng book shelf dito sa library. 'Yun ang dinagdag na parusa sakin ni Ms. Santos kahapon. Pag labas ko ng library, Napag pasyahan ko na pumunta na ng canten para bumili ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako. Habang nag lalakad. Napapansin ko ang mga nadadaanan kong istudyanteng tumitingin sakin. Nakikita ko pa silang tumatawa at yung iba naman nag bubulongan pa. Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit kung makatingin sila parang may kung ano sa mukha kong nakakatawa? Nakakabadtrip!

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Jeth. Pag dating ko ng canten bumili na ako ng tubig at ensaymada at na upo sa bakanteng upoan. May tumitingin pa rin sakin pero hindi ko na lang sila pinapansin. Bahala sila! Sinimulan ko ng kainin ang ensaymadang binili ko.

Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko biglang lumapit sakin si Claire. Hinila niya yung upoan na nasa harapan ko at umopo. Nakakunot ang noo niya at may kaunting ngiti sa labi habang nakatingin sa mukha ko.

"Haha. What's that face?" Natatawang niyang sabi habang nakaturo pa sa mukha ko.

Napakunot tuloy ang noo ko. May kinuha siya sa bag niya na hindi ko alam kung ano. Nang makuha niya 'yun inabot niya sakin ang salamin.

"Look at your face."

Kunot noo kong kinuha ang salamin sa kanya at tiningnan kung anong nakakatawa sa mukha ko. Napangiwi ako ng makita kong madungis ang pisngi ko at sa may bandang noo ko pati na rin sa ilalim ng ilong ko.

"Aishhh!" Bulalas ko.

Inabot sakin ni Claire ang wet tissue niya kaya agad ko 'yun na kinuha at pinunasan ang madungis kong mukha. Kaya pala ganon na lang sila makatingin sakin. Nakakainis! Napahiya tuloy ako.

"Ngayon ko lang nalaman yung nangyari kahapon." Buntong hininga ni Claire.

Tumingin ako sakanya pero hindi ako nag salita. Kung ano mang nangyari kahapon hindi 'yun big deal sakin. Basta ayuko na lang pag usapan. Nakita ko ang pag buka ng bibig ni Claire para sana mag salita ngunit napansin ko na napatingin siya sa likoran ko. Naging mataray ang mukha niya habang nakataas pa ang isang kilay.

Lilingonin ko sana kung anong nakita niya pero bigla namang lumapit samin si Adrian. Hinila niya yung upoan na nasa tabi ko at na upo. Tumingin siya kay Claire at tumaas din ang kilay ni Adrian.

"What are you doing here?" Tanong niya kay Claire.

"Seriously? Ako pa talaga tinanong mo?"

"May iba pa ba? Ikaw lang naman ang nag lakas ng loob na tapakan ang maganda kong paa na mas maganda pa sa mukha mo."

Napaangat ang gilid ng labi ni Claire na tila na pikon siya sa sinabi ni Adrian sa kanya.

"Wow!" Kunwaring mangha niyang sabi.

"Wow talaga!" Ngisi ni Adrian.

"You know what—"

"I don't know." Pag puputol ni adrian sa sasabihin niya.

Bakas na sa mukha niya na parang inis na inis na siya. Padabog na tumayo si Claire at sinamaan niya ng tingin si adrian.

"Kung naging babae ka lang, Siguro kanina pa kita sinabunutan. Pero dahil sa lalake ka..." Ngumisi siya at humakbang papalapit sakanya. "I won't sorry for this." *Pak* Sinuntok niya sa mukha si Adrian dahilan para manlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"What the f*ck!" Hindi makapaniwala si adrian sa ginawa sa kanya ni Claire.

Nakangisi naman si Claire habang sinasalubong niya ang masamang tingin sa kanya ni Adrian.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now