CHAPTER 38.

1.3K 113 64
                                    


Ayumie's POV

Para akong zombeng nag lalakad ngayon na hindi ko naman alam kung saan ba dapat ako pupunta. Parang hinahayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan niya man ako dalhin. Ayukong umuwi ng bahay. Alam kong mag aalala sila mommy't daddy sakin lalo na si kuya. Basta, ayuko munang umuwi. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. Sobrang lakas ng ulan at wala akong pakialam kung basang basa na ako. Bawat hakbang na ginagawa ko mas lalong nagpapabigat ng nararamdaman ko.

Feeling ko sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang sakit na parang paulit ulit na tinutusok ng kutsilyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Gusto ko munang mapag isa. Ayukong may makakita sakin na ganito ang itsura ko. Ayaw kong kaawaan ako ng ibang tao.

Napaka Unfair naman kasi ng mundo. Sa pagkakaalam ko naging mabuti naman akong tao eh. Pero bakit dinadanas ko 'to ngayon? May nagawa ba 'ko? O baka naman sadyang galit lang talaga sakin ang mundo. Wala na ba talaga akong pag asang maging masaya? Hanggang kelan ba ako maghihirap ng ganito? Hanggang kelan ba ako mapapagod na masaktan? Pinagkakaitan na ba talaga 'ko ng tadhana. Pero kahit minsan hindi ko naisip na sumoko. Kahit anong pag hihirap at sakit man ang nararamdaman ko ngayon. Dadating din sa punto na ang tadhana na mismo ang susuko sakin. Hindi ako. Dahil wala sa bukabularyo ko ang sumoko at mapagod.

Sa wakas, Nasabi ko na din sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Kahit masakit man sakin na tanggapin na hindi talaga ako ang mahal niya. Atleast na sabi ko na ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya. But, still. The pain was stabbing my heart little by little. Siguro nga hanggang dito na lang.

Namalayan ko na lang na nasa park na pala ako. Umopo ako sa swing. Tumingala ako at hinahayaang pumatak ang mga ulan sa mukha ko. Nakakapagod na. Pero bakit hindi pa rin ako sumosuko? Ganito na lang ba ako? Kailan ba ako mapapagod? Kailan ba ako susuko? Bakit hanggang ngayon patuloy parin akong lumalaban kahit alam kong una pa lang talo na ako. Lumalaban ako para sa taong mahal ko. Pero lumalaban naman ang taong mahal ko sa totoong mahal niya.

Pinalaya ko siya kahit hindi naman talaga siya naging akin. Dahil alam kong yun ang tama. Mahal niya si Abe. Mahal nila ang isa't isa. Hindi naman talaga mangyayari 'to kung hindi dahil sakin eh. Hindi makikipag break si Abe kay Jeth kung hindi dahil sakin. Nakakatawa. Natatawa na lang ako dahil sa walang kwenta kong nararamdaman. Mag mamahal lang naman kasi ako sa taong hindi naman talaga dapat. At ako pa talaga ang dahilan kung bakit nangyayari 'to ngayon!

Sobrang sakit. Sobrang sakit na kahit ilang beses ko mang sabihin wala ng mas hihigit pa sa salitang SAKIT na nararamdaman ko ngayon. Lord, Sabihin mo nga sakin. May nagawa ba ako? Hanggang kailan ko ba 'to mararamdaman? Hanggang kailan ba ako susuko? Hanggang kailan ba ako makakaramdam ng pagod? Bakit patuloy pa rin akong lumalaban kahit na talong talo na ako? Siguro nga tama siJeth. Hindi naman porket sanay na ang puso kong masaktan uulit ulitin mo naman. May galit ka ba sakin?

Napadilat ako nang hindi ko na maramdaman ang pag patak ng ulan sa pisngi ko. Akala ko biglang tumigil ang ulan ngunit may nakita akong payong. Unti unting bumaba ang tingin ko. Nagulat na lang ako nang makita ko si Kuya sa harapan ko. Nakatingin siya sakin at bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"K-kuya." Nauutal kong sabi.

Para akong tangang pinunasan ang pisngi ko kahit na hindi naman halata na umiyak ako dahil nga basa ang pisngi ko ng ulan. Tumayo ako at humarap sa kanya. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang sinusuri ako ngunit hindi nawawala ang magkahalong lungkot at pag aalala sa mga mata niya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now