CHAPTER 33.

1.3K 96 36
                                    

Ayumie's POV

(Look at the pic. Pampadagdag lang ng imahinasyon😅) ☝☝☝

Panay ang reklamo ko kay Mommy habang inaayusan ako ng baklang kinuha nya pa talaga para ayusan ako. Eh kasi naman! Valentines Night lang 'yon pero sobrang masilan si Mommy dahil kumuha pa talaga siya ng make up artist. At ito nga! Nandito kami ngayon sa kwarto ko kasama 'yong baklang nag ayos din sakin noong debut ko. Habang si Mommy naman ay hindi na mapakali sa pabalik balik sa closet ko dahil sa susuotin ko. Dapat daw magandang maganda ako ngayong gabe. Oo, magandang maganda talaga!  Nakabusangot ako habang minimake up-an ng bakla.

"See? You're so pretty!" Ani ng bakla na pumalakpak pa nang matapos niya akong ayusan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wala namang nag bago sa mukha ko e. Ganon pa din naman, tss! Lumapit samin si Mommy at tiningnan niya ako sa reflection sa salamin habang nakangiti.

"You're so gorgeous, Princess." Malawak ang ngiti niya.

Napatingin ako sa hawak nyang gown na kulay blue na may mga silver dust pa. Napangiwi ako nang mapagtanto kong 'yon ang susuotin ko.

"Mom. Ayuko ng may silver dust." Reklamo ko.

"Why? This is so perfect to you." Ani Mommy na pilit akong pinatayo.

Inilapit niya sa katawan ko ang hawak niyang gown para sukatin.

"See? Look at your self." Pilit niya akong pinaharap sa salamin.

"Perfect!" Sang ayon naman ng bakla.

"I told you, Princess. Bagay na bagay sayo Anak!"

"But, Mom—"

"No, buts! Just wear it. Bilis na, baka malate ka pa!" Excited na sabi niya at itinulaktulak pa ako papasok ng banyo.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok na lang. Ilang minuto ko munang tinitigan ang sarili ko sa salamin habang naka harap parin sa katawan ko ang hawak kong gown. Hindi siya ganong kahaba at kung susuotin ko 'to paniguradong fit 'to sakin. Haist! Ayuko talagang mag susuot ng mga fit e. At mas lalong ayukong mag suot ng may silver dust. Maganda naman sana siya pero sadyang hindi ko gusto. At hindi talaga ako sanay sa ganito!

Malalim akong napabuntong hininga at napatingin sa closet ko. Bigla kong naalala yung regalo sakin ni Mommy nong birthday ko. Napangiti ako at hinanap agad iyon. Kinuha ko mula sa pagkaka sabit ang kulay pink na dress at dali dali akong humarap sa salamin at idinikit iyon sa katawan ko. Ito na lang ang susuotin ko! Tube dress siya na kulay pink at may itim na nakapalibot sa baba. Simple lang ito pero alam kong ito yung babagay sakin.

Ngingiti ako habang habang sinusuot iyon. Pakatapos ay tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin saka lumabas na. Nakangiti agad si Mommy nang makita ako pero agad din namang napawi ang ngiti niya nang bumaba ang tingin niya sa suot ko.

Napatingin ako sa bakla. Napatakip ang kamay sa bibig niya habang sinusuri ang kabuoan ko na para bang nagagandahan siya sa suot ko. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Kumonot ang noo ni Mommy at napanguso.

"Where's your gown? Ba't yan ang sinuot mo?"

"I hate silver dust, my. And this one is better. Look! Bagay naman sakin 'di ba?" Umikot ako at ipinakita kay Mommy ang kabuoan ko.

Wala na lang nagawa si Mommy at nag buntong hininga na lang.

" I think...Mas bet ko yan! " Sabi ng bakla sabay turo sa suot ko. "Madam, Ang ganda naman ng anak niyo. She looks like a princess, ha." Tatango tango niya pang sabi.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon