CHAPTER 63.

1.6K 62 77
                                    

Ayumie's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas nong huli naming pag uusap ni Abe. At hanggang ngayon, Kahit anong pilit kong alisin ang nararamdaman ko para kay Jeth. Hindi siya maalis-alis sa puso't isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung tutuusin, dalawang linggo na rin akong umiiwas sa kanila.
Kahit mahirap sakin, tinitiis ko na 'wag muna silang makasama.

Iniisip ko kasi na sa ganong paraan, maaaring mabawasan kahit kunti man lang ang nararamdaman ko kay Jeth. Pero hindi talaga. Parang nag tatalo na ang puso't isip ko. Naguguluhan ako. And at the same time, nasasaktan. Ang isip kong nag sasabing, Mas mabuting kalimutan ko na lang si Jeth para bawas sakit na nag dudulot sa puso ko. At ang puso kong patuloy pa rin sa pag tibok at sinisigaw ang pangalan ng lalaking nag mamay ari neto.

Last week lang. Napag desisyonan namin ni Claire na tumambay sa Field dahil parehas kaming may vacant. Habang nag kukwentuhan kami ni Claire sa ilalim ng puno. Natanaw ko si Jeth at Abe na nag lalakad sa may hallway. May mga ngiti sa labi nila habang nag kukwentohan sila. Bahagyang pang hinahampas ni Abe ang braso ni Jeth saka tatawa. Mula sa 'di kalayuan, Nakikita ko ang magagandang ngiti ni Jeth na si Abe lang ang dahilan nito. Parang ang saya saya nila. Nakaramdam na naman tuloy ako ng inggit sakanya. Parang pinipiga din ang puso ko habang nakikita silang masaya. At dahil sa pagkatulala ko sakanila. Hindi ko na namalayan na nakatingin na pala sakin si Jeth. Napawi ang ngiti niya nang makita ako. Nakita ko sa mukha niya na parang nalulungkot siya.

Teka lang! Bakit naman siya malulungkot kung nasa tabi niya naman ang babaeng nagpapasaya sa kanya. Tss! Nag ha-hallucinate na naman ako. Mabilis ko na lang na iniwas ang tingin ko at nakinig na lang ulit ako sa kinukwento ni Claire.

Nong isang araw naman. Pakatapos ng last subject namin at uwian na. Nag mamadali akong ligpitin ang mga gamit ko at ipinasok sa bag ko. At pakatapos tumayo na. Sa sobrang pag mamadali ko, nakaka isang hakbang pa lang ako nang bigla kong masagi ang upoan ni Jeth dahilan para mahila ng palda ko ang string ng notebook niya at nahulog 'yun sa baba at ang iba pang mga gamit niya. Napatingin ako don at mabilis akong naupo para sana pulutin ang notebook niya. Ngunit pagkahawak ko ng notebook. Sabay naming nahawakan 'yun ni Jeth. Nakapatong ang kamay niya sa kamay ko. At habang nakapatong 'yun. Ilang bultaheng kuryente ang naramdaman ko sa mga sandaling 'yun. Nagkatinginan kami. Nang marealize ko na nakapatong pa rin ang kamay niya sa kamay ko mabilis kong binawi ang kamay ko at agad na tumayo.

"Sorry." Sabi ko habang nakaiwas ng tingin at dali dali na akong lumabas ng room.

Pagkalabas ko. Nakahinga ako ng maluwag. At ang bilis bilis din ng tibok ng puso ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko. Sa sandaling 'yun. Nang mahawakan ko ang kamay niya, parang pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko. 'Yun na talaga ang huling pagkakataon na ganoon kami kalapit sa isa't isa.

"Ayu." Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Sam papalapit sakin.

Parang umiiyak siya. Napakunot tuloy ang noo ko. Nang makalapit nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin at doon humagulgol.

"S-sam. Bakit ka umiiyak? A-anong nangyayari?" Nag aalala kong tanong habang hinahagod ang likod niya.

"Sorry." Sabi niya habang patuloy pa rin sa pag iyak. "Umiiyak ako dahil naiinis ako sayo! Ilang linggo mo na akong iniiwasan at parang nakakalimutan mo na rin na may bestfriend ka. Mas pinili mo pa talagang kasama si Claire kesa sakin. Hindi mo alam na 'tuwing nakikita ko kayong dalawa na magkasama at nag tatawanan, parang gusto kong tusokin si Claire ng tinidor dahil nakikita kong comportable ka nang kasama siya at naiinggit ako!" Nakayakap pa rin siya habang sinasabi niya 'yun.

Wala sa sariling napapangiti tuloy ako dahil sa kadramahan na naman ni Sam. Sa totoo lang. Subrang namimiss ko na talaga siya. Pero mas pinili kong tiisin 'yun dahil baka kahit papano, makatulong 'yun sa pag iiwas ko kay Jeth. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. Mapula na rin ang mga mata niya dahil sa pag iyak.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon