CHAPTER 53.

1.3K 93 102
                                    

Ayumie's POV

Bagsak ang mga balikat ko na nag lalakad ngayon palabas ng campus. Bwesit na Jeth 'yon! E na sa iisang subdivision lang naman kami hindi niya pa ako sinabay. Tss! Nakakainis kasi si Adrian. Saan naman kaya nag punta yung gonggong na 'yon.  Nakakainis! Pag labas ko ng campus buti na lang at may taxi agad akong nakita kaya nakasakay agad ako.

Hindi ko alam pero parang inis na inis ako ngayon kay Jeth. Nakakabadtrip siya ha! Porket ba may pinag dadaanan siya ngayon ganon na lang yung trato niya sakin? Tss! E nong dati nga siya pa mismo magyayaya sakin na sumabay. Tapos ngayon? Urgh! Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nag bayad na ako kay manong driver at bumaba na. Pag pasok ko ng bahay sinalubong naman ako ni Adrian habang nakangiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Nang makalapit ay agad ko siyang pinalo ng mahina sa braso.

"Hey! What's your problem?"

"Ba't kasi hindi mo 'ko sinundo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Nagpasama sakin si Tita. Kakadating lang namin." Sabi niya.

Hindi na lang ako nag salita at dumiretso na lang sa kusina. Sumonod naman siya.

"Why? May nangyari ba?" Tanong niya pa.

"Wala! Naiinis lang ako kay Jeth. Tss!" Inis kong sabi at saka sumalin ng tubig sa baso.

Kumonot ang noo ni Adrian.

"Bakit? May ginawa na naman ba siya sayo?"

"Wala. Hindi niya lang naman ako pinasabay e. Nakakainis siya!"

"Para 'yun lang? Hahaha." Natatawa niyang sabi.

"Anong para 'yun lang? Big deal yun sakin. Sinaktan niya na naman yung puso ko and worst napahiya ako don." Sabay irap ko sa kanya.

Humalakhak si Adrian dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako lumabas sa kusina. Sumunod naman siya habang humahalakhak pa rin.

"Hahahaha. Para 'yun lang talaga." Halakhak niya hanggang sa pataas kami ng hagdan.

Naisip ko tuloy na itulak siya para mahulog dahil sa ka-inisan ko. Tss! Inis na inis na nga ako ng iinis pa siya? Grabe! Hanggang kelan kaya ganito ang lalakeng 'to? Palagi na lang akong inaasar. Urgh! Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko saka ko lang siya hinarap. Nagkibit balikat ako habang nakataas ang isang kilay ko na nakatingin sa kanya.

"C'mon, couz. You're just—"

Hindi niya na tuloy ang sasabihin ng bigla kong apakan ang paa niya dahilan para mapaaray siya sa sakit. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at ni-lock.

"Tita!" Rinig kong sigaw niya.

Napahagikhik ako. Narinig ko naman ang pag lapit ni Mommy.

"What's wrong? What's going on?" Tanong ni Mommy sa nag papanic na boses.

"Tita. Si Ayu po, Inapakan yung paa ko." Pag susumbong niya.

"Princess." Katok ni Mommy.

Ngunit hindi ko na siya pinansin at tumakbo ako patungong banyo. Naririnig ko pa ang ilang pagkatok ni Mommy pero nag kunwari na lang akong walang naririnig.

Ngayon ko lang na pagtanto kaya pala ganon na lang yung pag sigaw ni Adrian dahil yung inapakan kong paa niya ay 'yon din yung inapakan ni Claire. Nakatakong pa naman si Claire non. Kaya medyo namula ang paa ni Adrian at hindi din siya nakalakad ng maayos. Kawawang Adrian. Tsk, Tsk, Tsk!

Pag labas ko ng banyo ay agad akong sumalampak sa malambot kong kama. Tumitig ako sa kisame. Maya maya pa narinig ko ang pag ring ng phone ko kaya kinapa ko 'yon sa gilid ng kama ko at tiningnan kung sinong tumatawag. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni Jeth. Bakit siya tumatawag? Ilang sigundo na muna akong nakatitig sa screen bago ko sinagot ang tawag niya.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon