CHAPTER 40.

1.3K 101 76
                                    

Ayumie's POV

Pag dilat ng mga mata ko. Si Jeth agad ang nakita ko. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok dito sa loob ng kwarto ko? Habang nakatingin ako sa mga mata niya. Nakita ko ang butil ng luhang pumatak mula sa gilid ng mata niya. Naramdaman ko ang pagkirot na naman ng puso ko. Bakit siya umiiyak? Bakit ang lungkot lungkot ng mga mata niya?  Nandito ba siya para mag sorry? O baka naman nandito siya dahil narealize niya na ako talaga ang mahal niya? Sana nga Jeth. Sana ako na lang.

Naramdaman ko ang pag patak ng luha ko. Gusto kong mag salita. Gusto ko siyang lapitan. Pero bakit hindi ko maibuka ang bibig ko at hindi rin ako makagalaw. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang parehas kaming lumuluha. Nakita ko ang pag buka ng bibig niya. May sinasabi siya ngunit hindi ko marinig. Ano bang nangyayari? Ang tanging nabasa ko sa bibig niya ay ang salitang....

I'm sorry....

Napakunot ang noo ko. Pati ang pagkilos ay parang may kung anong pumipigil sakin.

Kringggg....Kringgg....Kringgg...
(Wag kang ano. Ringtone lang 'yan ni ayu😅)

Napadilat ang mata ko at agad akong napaupo. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako. Napatingin ako sa cellphone ko na hanggang ngayon ay nag riring pa rin. Inabot ko 'yon at nakita ko pangalan ni Sam. Parang nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi na. Pero sa huli ay napindot ko na ang answer button.

Ngunit ilang sigundo na ang nakakalipas wala parin akong naririnig na boses niya mula sa kabilang linya. Napakunot noo ako at tiningnan ang screen ng phone ko baka sakaling wala na. Pero nag bibilang pa naman ang oras.

"Sam?" Pagtatawag ko sa kanya.

Narinig ko ang paulit ulit na pag singhot niya na parang umiiyak siya sa kabilang linya. Mas lalo tuloy napakunot ang noo ko.

"Hey, Sam. What's wrong?" Hindi ko na mapigilan ang pag aalala sa kanya.

"Ayu...." Sabi niya habang umiiyak.

"Sam. Ano'ng problema? Ba't ka umiiyak?"

Imbis na sumagot ay ang tanging pag iyak niya lang ang naririnig ko. Hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan. Ambilis ng tibok ng puso ko na hindi ko malaman kung bakit. Bakit siya umiiyak? Ano bang nangyayari?!

"Ayu, Kasi...Si J-jeth..." Hindi niya na maayos ang sinasabi niya dahil sa pag iyak niya.

Si Jeth? Bakit ano si Jeth?

"N-naaksidente siya...Nandito kami ngayon sa hospital."

Parang unti unting bumagsak ang mga luha ko. Paulit-ulit na nag sisink-in sa utak ko ang sinabi ni Sam. Napailing ako at unti unti ko na ding nabibitawan ang phone ko pababa. Hindi ako makagalaw. Maski ang paghinga ko ay parang nahihirapan na din.

No....

Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kinatatayuan niya kanina sa panaginip ko. Kahit malabo na ang mga mata ko dahil sa luha ay nanatili pa rin akong hindi kumukurap.

"No." Iling ko.

Dali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Halos tumakbo na ako pababa ng hagdan. Nakasalubong ko si kuya na paakyat pa lang. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya pero hindi ko na siya pinansin.

"Princess. What's wrong?" Tanong sakin ni Kuya habang sinusundan ako.

Humarap ako sa kanya.

"Where's the key?" Tanong ko. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now