CHAPTER 41.

1.3K 96 71
                                    

Ayumie's POV

Ilang linggo na ang nakakalipas mag mula nong nangyari ang hindi namin inaasahan. Ilang linggo na ding walang malay si Jeth na parang mahimbing lang na natutulog. Kahit papano, nagiging okay na din ako. Nagagawa ko ng ngumiti kapag kasama ko ang pamilya ko at ang mga kaibihan ko. Pero tuwing pumupunta ako sa hospital para dalawin si Jeth parang may kung anong pumipiga sa puso ko. Nasasaktan ako. Pero pilit pa rin akong ngumingiti sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko. Nakakapagtaka lang na hindi na ako muling umiiyak. Kahit gustohin ko mang umiyak kapag nalulungkot o nasasaktan ako kapag nakikita at naalala ko si Jeth hindi ko magawa. Parang na ubos na 'ata ang mga luha ko.

At ngayon, Mag isa akong nandito sa Field na madalas naming tambayan. Nakaupo ako sa grass habang inaalala ko yung mga panahong okay pa ang lahat. Masaya pa kami. Wala pang nasasaktan, kundi ako lang. Yung panahong patago lang akong nasasaktan at nag seselos kapag nakikita ko si Jeth may kasamang ibang babae. Haist! Nakakamiss lang. At para na akong tangang nakangiti habang inaalala yung panahon na masaya pa kami. May lumapit sakin kaya napaangat ang tingin ko. Umopo si Sam sa tabi ko habang si Xander naman ay umopo sa harapan namin habang mga naka indian sit kami.

"Nakakamiss." Buntong hininga ni Sam at tumingin sa kalangitan. Napapikit siya habang nilalasap ang sariwang hangin. "Nakakamiss yung kompleto pa tayong tumatambay dito." Dugtong niya pa.

Kahit nakangiti siya ay nandon parin sa mga mata niya ang lungkot.

"Mangyayari pa naman yun eh." Napaangat kami ng tingin sa nag salita. Si Abe. Kasama niya si Jake. Umopo siya sa tabi ni Xander at si Jake naman tumabi kay Sam. "Jeth's fighting for us. At lalabanan niya 'yon dahil ayaw niyang nakikita tayong nasasaktan." Sabi niya pa.

"Yeah right. At isa pa, Hindi pa siya nakakatikim sakin ng suntok." Sabat  naman ni Xander.

"Aba! Kung susuntokin mo lang naman pala siya pagka gising niya. Sana hindi na lang siya magising, kesa sa makatikim pa siya ng suntok sayo." Irap ni Sam.

"Sam!" Sabay naming saway ni Abe sa kanya.

"Joke lang. Ang seryuso nyo, eh. Baka umiyak na naman kayo." Natatawang sabi ni Sam.

Nagkatinginan kami ni Abe at parehas kaming natawa. Kahit papano nagiging okay na din siya. Madalas na namin siyang nakakasama. Masasabi kong okay na rin kami at masaya na rin ako don.

Nang marinig namin ang bell ay tumayo na kami. Last subject na 'to. Napagkasundoan din namin na pupuntahan si Jeth sa hospital para bisitahin.

"How's Mr. Ramirez? I heard what happened to him." Tanong ng prof namin bago mag simula ang discussion niya.

"He's still in coma, Prof." Sagot ni Sam.

"I hope he'll be fine soon. Nakakaawa naman yung nangyari sa kanya." Malungkot na sabi ni prof.

Nag simula ang disscussion. Kahit pilitin ko mang intindihan ang sinasabi ng profesor namin wala akong maintindihan. Parang pumasok lang sa isang tenga at labas naman sa isa. Haist! Hindi ko alam pero ang tanging laman lang ng isip ko ay si Jeth. Hanggang sa natapos ang klase at nandito na kami ngayon sa parking lot. Feeling ko lutang parin ako. Sumakay na kami ni Sam sa kotse ni Xander. Si Abe at Jake naman sa kotse nila.

"Nag text yung coach namin. Pupunta daw sila sa hospital kasama ang mga team mates namin sa basketball." Sabi ni Xander habang nag da-drive.

"Ano na naman gagawin nila don?" Tanong ni Sam. Nasa may tabi siya ni Xander nakaupo.

"Yayain daw si Jeth mag basketball." Sarcastic na sagot ni Xander sakanya.

Napunot noo si Sam at hinampas niya ng mahina sa braso si Xander.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon