CHAPTER 59.

1.1K 50 48
                                    


Jeth's POV

Kinabukasan...

Maaga akong nagising. Kahit antok na antok pa ako pinilit ko talaga ang sarili kong tumayo para maligo. Pakatapos ay lumabas na ng kwarto. Ni hindi ko nga nagawang mag almusal dahil subrang nag mamadali ako. Narinig ko pa ngang tinawag ako ni mama ngunit hindi ko na siya nagawang pansinin, Agad akong sumakay sa kotse ko at nag simula ng mag drive.

Hindi ko alam pero parang may panibagong pag asa akong haharapin ngayon. Pakiramdam ko ito na yung pagkakataon para patunayan sa kanya na mahal ko siya. Parang sasabog na ang puso't isip ko kapag hindi ko nasabi kay Cha na totoo 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi din ako nakatulog ng maayos kagabe dahil iniisip ko kung anong tama kong gawin to prove that I love her. Pag dating ng school. Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot saka lumabas. Halos takbuhin ko pa nga ang pathway para makarating agad ng room. Palaging maagang pumapasok si Cha kaya malamang nandon na siya. Ngunit pagpasok ko ng room halos bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko siya makita. Tanging si Sam at Xander at ang iba pa naming mga ka klase ang nandito.

"What's up, dude." Bati sakin ni Xander.

"Wala pa ba si Cha?" Tanong ko.

Bahagyang napakunot ang noo ni Xander at nilibot ang paningin sa buong room at muling tumingin sakin.

"Wala pa."

Umopo ako sa upoan ko. Tinapunan ko ng tingin si Sam. Nag ce-cellphone siya habang naka salpak ang headset sa tenga niya. Lumapit ako at tinanggal 'yun dahilan para inis siyang humarap sakin.

"What are you doing?" Inis niyang tanong.

"Can I borrow." Sabi ko sabay kuha ng cellphone sa kamay niya.

Napakunot naman ang noo niya. Hinanap ko agad ang pangalan ni Cha sa contac para i-dial.

"Hey! Give it back. Wala akong load." Pilit na inaagaw niya sakin ang cellphone niya.

Ngunit huli na dahil narinig ko nang nag riring na kaya tumigil si Sam sa pag aagaw niya at matalim akong tiningnan. Ilang sigundo bago 'yun na sagot ni Cha kaya agad kong tinapat sa tenga ko.

"Hello, Sam?" Sabi ni Cha sa kabilang linya.

Hindi ako nag salita. I just wanna know kung na saan na siya ngunit tila umorong ang dila ko dahilan para hindi ako makapag salita. Haist!

"Sam? Hey! Are you there? I know na galit ka sakin. But please. Mag salita ka naman." May halong lungkot ang boses niya.

Napakunot ang noo ko. Galit? Napatingin ako kay Sam. Nag kibit balikat lang siya at inirapan ako. Magkaaway ba sila? Narinig ko ang buntong hininga ni Cha.

"Okay." Aniya at pinatay ang linya.

"Magkaaway ba kayo ni Cha?" Kunot noo kong tanong kay Sam.

Lumapit siya sakin at kinuha ang phone niya sa kamay ko. Lumapit siya sa upoan niya at naupo bago nag salita.

"Who told you?" Tanong niya nang hindi ako nililingon.

"So, It's true?" Panigurado ko.

Umikot siya sa upoan niya para humarap sakin.

"And why do you ask?" Taas kilay niyang sabi.

"'Cause we're bestfriend. Of course I ask."

"Hindi kami magkaaway." Aniya at umayos ng upo.

Hindi na lang ako nag salita. Talaga lang, ha. Kaya pala hindi ko na sila nakikitang magkasama. Maya maya pa. Nakita ko si Abe at Cliford sa labas. Umalis na si Cliford at si Abe naman ay pumasok na. Nag salubong ang tingin namin. Ngumiti siya habang ako naman ay seryuso lang siyang tinitigan.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon