CHAPTER 60.

1.2K 56 38
                                    

Ayumie's POV

Ilang araw na akong nakakulong lang dito sa bahay. Sembreak namin ngayon kaya malamang walang pasok. Mabuti na lang talaga at walang pasok. Ayaw ko muna kasing makita si Jeth ngayon. Actually, hindi naman sa ayaw. Gusto ko lang na dumistansya muna sakanya. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin 'yung mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala. Parang kahapon lang hindi niya ako iniintindi, Parang wala siyang pakealam sakin tapos bigla bigla na lang siyang mag sasabi na mahal niya ako? Sino bang hindi mabibigla don. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakanya o hindi. Ayuko kasing umasa na naman dahil baka masaktan na naman ako.

Natatakot ako na baka mali lang ang nararamdaman niya para sakin. Baka bigla niya na lang ma realize na hindi pala talaga ako ang mahal niya, kundi si Abe pa rin. Ayuko na ulit masaktan. Natatakot na ulit akong umasa dahil alam kong masasaktan na naman ako. At kapag nangyari 'yun. Baka ang puso ko na mismo ang sumoko. Sumoko dahil napagod na, napagod ng umasa at masaktan. Tss!

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya napatingin ako don. Nakita kong pumasok si Adrian. Tiningnan ko lang siya hanggang sa umopo siya sa gilid ng kama ko.

"Ba't hindi ka lumalabas?" Tanong niya.

"Ano namang gagawin ko sa labas?" Kibit balikat ko.

"Nag usap na ba kayo ni Jeth?"

Napatingin ako sa kanya at malalim na napabuntong hininga.

"Hindi. Ano naman ang pag uusapan namin."

"Ano pa nga ba? He's confessing his feelings to you."

Hindi ako nag salita. Napasandal ako sa headboard ng kama saka nag indian sit.

"Hindi ka ba masaya dahil finally inamin niya na sayo na mahal ka niya?" Muli niyang pag sasalita.

"I don't know."

"Anong 'I don't know?'" Kunot noo niyang tanong.

"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Natatakot—"

"Natatakot ka kasi na baka umasa ka na naman sa wala?" Pag puputol niya sa sinasabi ko. "Naiintindihan kita. Pero mas naiintindihan ko siya. You know what. Kagaya ng kalagayan ninyo ngayon. Nangyari na 'yan sakin dati."

Naging seryuso ang mukha niya.

"Na inlove na rin ako sa bestfriend ko dati. But I'm scared to tell her kaya mas pinili ko na lang na 'wag sabihin sakanya 'cause I'm afraid to loss her. Natakot ako na baka kapag sinabi ko sakanya ang totoong nararamdam ko na mas higit pa sa pag kakaibigan ang tingin ko sa kanya, Layuan niya ako. Kaya as much as possible. As much as I can. Hindi ko sinabi. And that thing called I'm secretly in love with my bestdriend." Parang biglang naging malungkot ang expression ng mukha niya.

"'Till now?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Yeah. 'till now."

"Ba't hindi mo subukan? Ba't hindi mo sabihin sakanya ang totoo? What if, she have a same feelings to you?"

"Kagaya ng nararamdaman mo. Natatakot din ako. I don't want to loss her. Sinubukan ko na din 'yan nung una na sabihin sa kanya ang feelings ko. But I can't. I contented for what we have now." Buntong hininga niya.

Naiintindihan ko siya. Kahit ako noong una ganon din ang naramdaman ko. Natakot ako na baka layuan din ako ni Jeth kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya. Kahit masakit para sakin. Mas pinili ko na lang na manahimik at mag kunwaring ngumiti kahit sa loob loob ko masakit na.

"Ang hirap ma inlove sa kaibigan. Mas okay pang ma inlove ka sa iba kesa sa kaibigan. Dahil parang dumodoble pa ang sakit kapag nakikita mo 'yung kaibigan mong may mahal ng iba." Wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon