CHAPTER 52.

1.1K 93 90
                                    

Ayumie's POV

Papasok pa lang ako ng room ng makasalubong ko si Abe. Napatigil siya ganon din ako. Nagkatinginan kami. Lalagpasan ko na sana siya pero humaeang siya sa dadaan ko dahilan para matigil ako.

"Let's talk." Mahina niyang sabi.

"For what?"

"About yesterday." Bumuntong hininga siya.

Hindi ako nag salita. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Mukhang gusto niya talagang makipag usap sakin. Kung ganon. Ano pa bang explanation ang sasabihin niya? Malinaw na malinaw sakin ang nalaman ko about sakanila ni Cliford. Niloloko niya si Jeth. Paano niya 'to nagawa? Siguro nga kailangan ko din makipag usap sa kanya para malaman kung ano ba talagang dahilan niya kung bakit niya 'to nagawa kay Jeth. Nagpa umuna siyang naglakad at sumonod na rin ako. Hanggang sa makarating kami ng field. Iilang istudyante lang ang nandito.

"Ayu-"

"Just direct to the point." Malamig kong sabi.

Napakagat labi siya at napatungo. Muling tumingin sakin.

"Sorry." Napakunot ang noo ko. Bakit siya nag so-sorry? "Sorry kasi...Si-sinira ko yung tiwala mo sakin..."

Buti alam mo.

"Bakit mo 'to nagawa kay Jeth?"

"Ito lang kasi ang alam kong paraan." Agad na sabi niya

Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"Mahal ko si Jeth...Pero...Mahal ko na din si Cliford."

Mas lalong kumonot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mahal niya si Jeth, Mahal niya si Cliford?

Mag sasalita na sana ako ng bigla namang dumating si Jeth. Ayan na naman yung blangko niyang mukha habang deretsong nakatingin kay Abe. Bakas din sa mukha ni Abe ang pagka gulat.

"J-jeth." Sabi ni Abe na parang kinakabahan.

"Kaya pala."

"Jeth. L-let me explain." Nangingiyak ngiyak si Abe sabay lapit niya kay Jeth.

"You don't need to explain."

"Jeth-" Hindi natapos ang sasabihin ni Abe ng tinalikoran siya ni Jeth at naglakad na papalayo samin.

Napatingin ako kay Abe. Umiiyak siya habang nakatingin sa papalayong si Jeth. Kahit ako, makakaramdam ng galit sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talagang dahilan niya kung bakit niya 'to nagawa kay Jeth. Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ni Jeth para sankanya? Kahit mahirap sakin na makita ang taong mahal ko sa ibang tao, Tiniis ko. Dahil alam kong ito ang makakabuti para samin.

Hindi ko na din pinilit yung sarili ko kay Jeth dahil alam kong si Abe talaga ang gusto niya. Pero anong nangyari?

Tumingin sakin si Abe. Bubuka na sana ang bibig niya ngunit hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Tumalikod na rin ako at humakbang papalayo sa kanya. Nang makarating ako ng room. Nakita ko si Jeth na naka patong ang mukha niya sa ibabaw ng desk na parang natutulog. Lumapit ako at na upo katabi niya.

"Jeth." Tawag ko.

Umagat naman ang tingin niya sakin. Umayos siya ng upo at tiningnan ako. Nandon pa din ang blangko niyang tingin. Bakit ganon? Habang nakatingin ako sa mga mata niya hindi ko man lang makita ang lungkot sa mga mata niya? Parang wala lang. Blangko lang hindi gaya nung dati na nasasaktan siya.

"Are you okay?" Nag aalala kong tanong.

"Why wouldn't I be okay?"

"I mean..."

"Wala akong magagawa kung anong disesyon niya."

Malalim akong napabuntong hininga. Tama si Jeth. Hindi niya naman pwedeng pangunahan kung anong desisyon ni Abe.





Jeth POV

Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Selos. Oo. Nag seselos ako. Hindi ko 'yun maitatanggi dahil girlfriend ko pa rin siya. Sino bang boyfriend na matutuwa kapag nalaman yung girlfriend niya na may mahal na iba? Hindi ko maintindihan! Gusto kong magalit kay Abe, ngunit hindi ko maramdaman. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maipaliwanag kong ano ba 'tong nararamdaman ko.

Parang gusto kong puntahan si Cliford para suntokin ang gagong yun para mataohan siya na may boyfriend ang nilalandi niya. Sabi na nga ba. Hindi ako nagkakamali na may gusto siya kay Abe. Tuwing isasama ko si Abe sa mga practice namin sa basketball. Napapansin ko ang lihim na pag tingin niya kay Abe. Tss! Humanda ka sakin.

Natapos ang klase ay agad akong lumabas ng room. Naglalakad ako ngayon patungo sa parking lot nang makasalubong ko si Cliford. Seryuso ang tingin niya sakin ganon din ako.

"Layuan mo siya." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ha! Bakit ko naman siya lalayuan?" Ngumisi siya.

Napakuyom ang kamao ko. Mabilis na tumama iyon sa mukha niya dahilan para sumalampak pa siya sa lupa. Agad naman siyang tumayo at sinuntok din ako. Nag suntukan kami. Hanggang sa dumating si Abe at Cha. Pilit nila kaming pinag hiwalay. Nahahawakan ni Abe ang braso ko habang si Cha naman kay Cliford. Mas matalim ko siyang tinitigan. Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Cha na nakahawak pa sa braso ni Cliford.

"Alam mo ba kung bakit ayaw sayo ni Abe? 'cause you're boring, dude. And Abe's doesn't deserve you." Sabi niya.

"Gago ka!" Pinilit kong lumapit sa kanya pero agad na humarang sakin si Abe.

"Tama na. Please!" Pag aawat niya. Parang naiiyak na din siya dahil namumula ang gilid ng mata niya. "Cliford. Umalis ka na." Baling niya pa kay Cliford.

"What?" Bakas ang inis sa boses niya.

"Just go. Please."

Matalim na tingin ang itinapon niya sakin bago ito umalis. Bumaling sakin si Abe. Si Cha ay nanatili lang na tahimik habang nakatingin saming dalawa.

"We need to talk."

"No need." Sabi ko at humakbang na papalayo sa kanya.

Nadaanan ko pa si Cha. Nagkatinginan kami at sinundan niya pa ako ng tingin. Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan ng marinig ko ang boses ni Cha.

"Jeth."

Hinarap ko siya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang hinihintay ang idudugtong niya. Kung may sasabihin. Ngunit ilang sigundo na ang nakakalipas hindi naman siya umimik. Nakatingin din siya sakin na parang hindi alam ang sasabihin.

"Ok. I'll go." Sabi ko at akmang papasok na sana ngunit nag salita na siya.

"P-pwedeng pasabay? Hindi kasi ako sinundo ni Adrian eh." Napapahiya niya pang sabi.

Adrian. Tss.

"Edi mag taxi ka. May pera ka naman siguro."

Bumuka ang bibig niya para sana mag salita ngunit hindi ko na 'yun hinintay pa. Pumasok na ako sa loob at in-start ang makina at umalis na. Napatingin ako sa side mirror para tingnan si Cha. Nandon pa rin siya nakatayo habang nakatingin sa gawi ko. Wala sa sariling napangisi ako.

Naramdaman ko tuloy ang pagkirot ng gilid ng labi ko kaya napahawak ako don. Anlakas din pa lang sumontok ng gagong yon! Tss!











Itutuloy.

Hi😊 May tanong lang ako. Taga saan ba kayo? (Sa mga taga bicol kagaya ko. Hello there) 😊❤ Comment na para alam ko😂😘

Salamat sa pagbabasa😘
Ilang chapters na lang guys. Sana support niyo pa rin hanggang sa matapos😊 Salamat ulit😘 xoxo😘

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon